CHAPTER 8

1583 Words
Napaisip saglit si Elaiza. Tama nga naman si Paulo, bakit kailangang hindi makauwi agad ang asawang si Ricardo na meron naman itong sasakyan? Tinitigan siya ni Paulo na para bang binabasa ang kanyang expression o reaksyon sa mukha. "May point ba ako, Elaiza?" Tanong pa ni Paulo na nakangiti habang humihigop ito ng kape sa bitbit nitong tasa at nakatingin sa kanya. "M-mamaya, uuwi naman siya Paulo, kaya tatanungin ko nalang siya about sa bagay na iyan." Napahingang wika niya rito. " Sana hindi ka lolokohin ni Ricardo, Elaiza. At kung sakaling mangyari man yan, nandito ako, hindi kita tatalikuran." Nakangiting wika ni Paulo. Natigilan naman siya at napatingin rito. " Nandito ako, as your friend." Kindat pang ulit na sabi nito sa kanya. Hindi na niya ito tinugon sa sinabi nito sa kanya. " Sige, Paulo. Maiwan na kita rito." Paalam ni Elaiza rito. May kakaiba siyang napansin rito. Para bang nagkakagusto ito sa kanya. Winaglit nalang ni Elaiza ang kanyang naisip tungkol rito. Sa dami ba namang babaeng magaganda at mayayaman ay bakit siya pa ang pagkaabalahan ni Paulo? Binata ito at siya ay may asawa na. At mahal na mahal niya si Ricardo. Madaling Araw pa nagtungo na sina Ricardo at Melanie sa Bacolod upang maghanap ng pweding condo roon na titirhan ni Melanie. At doon nalang dadalawin ni Ricardo si Melanie kung siya'y magkaroon ng pagkakataon. Madali lang naman agad silang nakahanap ng mamahaling condo para tirahan ni Melanie roon, sa Downtown Sila nangupahan ng condo. At bago pa tuloyang umuwi si Ricardo sa kanilang Hacienda ay kumain muna sila ni Melanie sa Italia Restaurant . Sobrang saya naman ni Melanie sa mga nangyari sa kanila ni Ricardo na muli siya nitong binalikan at kinuhaan ng condo unit sa down town. Sa isip ni Melanie ay magiging swerte Siya sa pagmamahal ni Ricardo sa kanya bukod sa minahal niya talaga ito ay malalasap pa niya ang buhay mayaman at lalo na kung Wala na talaga si Elaiza, magiging asawa na siya sa huli ni Ricardo. Samantalang si Elaiza ay di na mapigilang mag-alala dahil hapon nalang ay di pa umuwi si Ricardo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Kahapon ng hapon pa ito umalis at hanggang ngayon ay hindi pa ito umuwi. Malapit lang naman ang Victorias at may sasakyan din ito, bakit ganoon ito katagal na hanggang ngayon ay di pa ito umuuwi? Di mapigilan ni Elaiza na lumuha dahil sari-saring emosyon nalang ang kanyang naramdaman at lalo na ang kanyang mga masamang iniisip kung bakit hindi pa ito umuwi. Tinawagan naman niya ito ngunit out of coverage naman ang cellphone nito. Malungkot siyang nakatambay sa malawak na terrace ng villa at nakatingin sa unahan. Nagbabantay siya sa pagdating ng asawang si Ricardo. Mga Alas kuwatro na ng hapon nauwi si Ricardo. " Ricardo, bakit ngayon ka lang nauwi, iho?" Tanong agad ng aman nitong si Don Manuel Saavedra. " Magandang hapon papa, ahh. . natagalan nga ako. H-hindi agad ako pinauwi ng kaibigan ko dahil birthday niya pala ngayon, kaya hapon na akong nauwi." Pagsisinungaling pa ni Ricardo. " Yung asawa mo, kanina pang umaga naghihintay sa'yo." Tugon naman ng ama. " Sige papa, pupuntahan ko siya." Ani Ricardo. Tumalikod na si Ricardo sa ama at hinanap ng kanyang mga mata sa buong Villa ang asawang si Elaiza ngunit di niya makita ito kung nasaan ito. " Ricardo, mabuti naman at nauwi kana, Don't you feel guilty for making your wife wait so long?" Tanong pa ni Paulo. Napalingon si Ricardo sa kanyang step brother. Hindi naman sila close nito at hindi din naman sila nag-aaway. "Kakausapin ko nga siya Paulo, kung bakit natagalan ako at kung bakit ngayon pa ako nakauwi." Tugon naman niya rito. " Kawawa naman ang asawa mo sa paghihintay sa'yo." Sabi pa ni Paulo. Hindi na pinansin ni Ricardo ang mga sinasabi ni Paulo. Sa isip niya'y bakit ba nangingialam ito sa kanila ni Elaiza? Medyo nainis pa si Ricardo na tinalikuran si Paulo at di na sinagot pa ang huling sinabi nito. Hindi pweding magpakita siya na guilty siya baka mahalata lang siya. Nasimulan na niya ang lahat ng ito. Kaya lihim nalang niyang ibabahay si Melanie at magiging kabit niya ito. At doble lang ang pag-iingat na gagawin niya upang di malalaman ng asawa. Ayaw niyang masaktan niya si Elaiza at hindi ito masasaktan kung marunong lang silang mag-iingat ni Melanie tungkol sa lihim nilang pagsasama. Hinanap niya ang asawa ngunit di niya ito makita sa buong Villa. " Magandang hapon po, Seniorito." Bati ng isa sa mga katulong ng Villa. "Same po manang, nakita niyo ba ang seniorita Elaiza niyo?" Tanong pa niya sa katulong. " Nasa terrace yun kanina Seniorito, pero ngayon, wala na. Naghihintay siya kanina sa'yo sa terrace kung kailan po kayo darating." Sagot naman ng katulong na si Aling Fiona. Parang nakadama naman ng pagkahabag si Ricardo sa asawa. "Ganoon po ba manang Fiona, baka nasa kuwarto na namin." Ani Ricardo. Si Manang Fiona ay isa sa tagapaglinis ng buong Villa Kasama si Manang konsing. Pinuntahan naman niya agad ang asawang kanina pa daw naghihintay sa kanya. Kinatok niya ito sa pinto ng kuwarto nila. "Elaiza! si Ricardo to, nandito na ako, mahal." Tawag niya rito sabay katok rito sa pintuan. Ngunit hindi naman ito sumagot sa loob. Muli niya itong kinatok. " Elaiza, nandito na ako. Buksan mo ito!" Muling tawag at pagkatok ni Ricardo. Binuksan naman siya ni Elaiza. At bumungad sa kanya ang mukha nito na parang galing sa pag-iiyak. "Nandito kana pala." Malamig na wika ni Elaiza na nakatingin sa kanya. Halata sa mga mata nito na hindi ito natuwa sa kanya dahil hapon na siya nauwi. "Anong nangyari? bakit parang umiiyak ka?" Tanong ni Ricardo sa asawa. Hindi naman pinansin ni Elaiza ang mga sinabi ng asawa at tinalikuran niya ito. Pagkatapos ay nahiga ulit sa kama at muling ipinikit ang mga mata. Napahinga muna ng malalim si Ricardo. Alam niyang nagtampo ang kanyang asawa dahil hapon na siya nakauwi. Lumapit si Ricardo rito at sumampa sa kama at tumabi sa asawang nakatalikod. Naramdaman naman ni Elaiza na yumakap sa kanya ang asawang si Ricardo. Sumikip ang kanyang dibdib, nainis siya sa asawang si Ricardo at masama ang kanyang iniisip tungkol sa tagal ng pag-uwi nito. " Mahal, I'm sorry, ngayon lang ako birthday kasi ng k-kaibigan ko ngayon Kaya hapon na ako nakauwi." Anito sa kanyang tainga. Hindi niya ito pinansin at tuloyang ipinikit na talaga ang kanyang mga mata upang tutulogan ito ng tuloyan. "Elaiza, kausapin mo naman ako, mahal. Sorry na.." Sabi pa ulit ni Ricardo at pilit siyang pinapabaling rito. Kahit tumutol siyang bumaling rito ay pinilit siya nito sa lakas ng mga bisig nito. " Ano ba, Ricardo. Hindi ko alam kung ano dahilan ng tagal ng pag-uwi mo. Ewan ko kung totoo bang birthday ng kaibigan mo." Inis niyang wika rito. Dapat ay pakitaan din niya ito ng pagtataray upang di siya nito gawing tanga nalang. Sobrang bait niya kasi sa asawa niya kaya ganoon nalang ito parang magpasaway nalang sa kanya. " Bakit hindi ka sa a kin naniniwala? T-totoo ang sinasabi ko, mahal. Please.. maniwala ka naman sa akin. " Wika pa nito sa kanya. At mariin siyang hinalikan nito. Hindi naman siya nakapag react nang halikan na siya ng asawa. Mahigit siya nitong hinawakan at hinalikan sa labi. Parang nadala naman si Elaiza sa mga matatamis na halik ni Ricardo. Napilitan na rin siyang tugunin ang mga halik ng asawa. Muli na naman nilang pinagsaluhan ni Ricardo ang init ng kanilang mga katawan. Pinaligaya na naman siya ng asawa. Parang nawala naman lahat ang kanyang pagtatampo rito at naniwala sa mga kasinungalingang sinabi sa kanya ni Ricardo. Nakatulog ng tuloyan si Elaiza habang yakap yakap siya ng asawa. Hindi Kasi Siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kay Ricardo at napuyat din siya sa pagbabantay at paghihintay kanina kung kailan ito darating. Gising na gising naman si Ricardo habang tulog na tulog ang asawa na nakaunan sa kanyang braso. Hinaplos niya ang buhok ng asawa na pinagmasdan ito habang ito'y natutulog. Pagkatapos nilang nagtalik ay nakatulog ito. Naramdaman naman niyang mahal na mahal naman niya ang asawang si Elaiza pero mahal din naman niya si Melanie. Ewan ba niya at nagugulohan tuloy siya ngayon. Patuloy ba niyang lolokohin si Elaiza? Mahal niya ito at ayaw niyang mawala sa kanya ang kanyang asawa. Pero si Melanie, hanggang ngayon ay paulit-ulit parin sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila nito kagabi. Dalawang beses niya itong nagalaw kagabi at sobrang bawi naman ang performance nito sa kanya. Sobrang galing ni Melanie sa kama. Pero kahit na siguro ay hindi ito magaling hindi niya ito matitiis dahil ito ang unang babaeng minahal niya at may mga nakaraan na sila ni Melanie. Mabuti nalang at madali niyang napawi ang pagtatampo sa kanya ng kanyang asawa. Pagkagising ni Elaiza ay gabi na kaya gabi na rin sila nagdinner ng sabay. " Okay ka na ba? hindi na ba talaga masama ang loob mo sa akin?" Tanong pa ni Ricardo sa asawa. " Siyempre, medyo meron pa, pero di naman kita matitiis eh. Sana nga lang ay totoo ang mga sinasabi mo sa akin, Ricardo. Sana hindi ka nagsisinungaling sa akin." Sabi pa ni Elaiza rito. "Huwag kang mag-isip ng hindi maganda, Elaiza, mahal kita. Ikakasira lang natin ang mga masasamang nasa isip mo, okay?" Sabi pa niya sa asawa na hinawakan ang isang kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD