" Hindi ka pa magaling Ricardo. Kaya stay ka muna iho, at isa pa, hindi matutuwa si Aurora na mamahalin mo lang siya dahil tulad siya sa dati mong asawa." Napapisil sa noong wika ni Don Manuel Saavedra. Natahimik si Ricardo at saglit nag-iisip. "Pero Papa, may mga pagdududa na ako kay Aurora." Ani Ricardo sa ama. Natigil sa pagpisil si Don Manuel Saavedra at nakatingin sa anak. " Anong pagdududa?" Tanong ni Don Manuel sa anak. "Magkaboses din sila ng dati kong asawa. At marami silang mga pagkakatulad, kaya di ko maiiwasang magduda na si Aurora at ang asawa ko ay iisa, Papa." Ani Ricardo sa ama. " Hanggang ngayon ba iho ay umaasa ka parin na babalik ang asawa mo? malabo na ang pagdududa mo anak na iisa sila, siguro magkatulad lang talaga sila. Come on, iho, masasaktan ka lang sa

