Naaliw talaga siyang pagmasdan ang magandang tanawin ng buong Hacienda. Kaya naisip niyang mag-isa nalang mamasyal, bahala na kung siya'y maglalakad lang total maganda naman ang tanawin at hindi siya makaramdam ng pagod kung siya'y maglalakad lang. Patuloy na naglakad si Aurora at Hindi na niya namamlayang malayo na siya sa Villa. Hindi naman siya nakadama ng pagkatakot dahil tingin niya'y safety naman pasyalan ang Hacienda Saavedra. Lumiko siya sa kaliwang daan at patuloy na humakbang. Nasorpresa naman siya nang makita niya ang malawak na pastulan sa unahan, isang mayayabong at may matabang damuhan iyon at malawak na kapatagan na may mga sari-saring kahayupan! "Wow, ang ganda tingnan! ang dami ng mga kahayupan dito!" Naibulalas pa niya sa kanyang sarili. Parang hindi na inisip pa ni A

