Starting

766 Words
"Sam ayos ka lang? You look so pale" akhira asked me."lagi ka nalang kaseng naka simangot at parang lalagnatin. Simula nung inuwi ka ni tito dito mula sa mga demonyo mong auntie". Oo nga pala kinuha ako ni papa after nyang malaman na minamaltrato ako ng tiyo at tiya ko sa probinsya namin sa leyte. Simula kase ng mag kahiwalay ang magulang ko noong baby pako napag disisyonan ni papa na dalhin ako don sa lola ko. Sya nag palaki saken hanggat sa pumanaw sya at inaruga ako ng kapatid ni papa. Sa totoo lang parang impyerno na ang naging buhay ko sa puder ng tito kong yon kaya nung nalaman ni papa na minamaltrato ako at pinapabayaan ay kinuha ako ni papa at dinala dito sa maynila. "Ayos lang napagod lang ako kakaisip chaka sa gawaing bahay na den." sagot ko sa tanong ng aking kaibigan. "Talaga lang ah? Ehh bakt ganyan yang mukha mo? Ayaw mo bang nandito ka kasama namin?" Tanong nanaman nya. Yan sya si vielle akhira mendez ang kaibigan kong walang tigil kakaputak ang bunganga. Well actually parang kapatid na den ang turing ko sa kanya anak sya ng kaibigan ng papa ko si tito Akhiro Mendez. "Alam mo ako napapagod jan sa bunganga mo pwede bang manahimik ka na muna? Saket na ng ulo ko kakaputak mo". Irita kong sabi sa kanya. "Ayy be ang harsh di ba pwedeng na miss ka lang?". Inirapan ko nalang sya at iningudngod ang mukha ko sa lamesa. Wala kong gana makipag kulitan sa kanya san ba kase nag mana tong isang to? Tahimik naman si tito akhiro mahinhin naman din si tita vielline at ang seryoso naman ng kambal nyang si akisha. Speaking of akisha nandon syat busy sa pag kapa ng cellphone nya. Halata sa mukha nya ang iritasyon at parang handa ng mangain ng tao. "Anong problema nung kambal mo?". Tanong ko kay akhira na busy naman sa pag kaen ng pancit canton na kanina pa nya nilalaro. "Nako wag mo ng pansinin yan LQ lang yan sila ng boyfriend nyang si mike" sagot naman nito ng hindi ako tinitignan. Pinag masdan ko ng mabuti si akisha mukhang wala nga sa mood at parang pasan ang langit at lupa dahil sa salubong nyang mga kilay. Tumayo ako at lumapit sa kanya para sana kausapin sya. "Hoy ville akisha mendez bakt salubong nanaman yang nananapak mong kilay?" Tanong ko sa kanya kasabay ng pag dagan dito. "Ano ba sam ang bigat mo!" irita nyang sabi habang tinutulak ako."to kaseng si mike kahapon pako di kinakausap nakakainis na sya naman tong may kasalanan sya kaya tong ang hilig mag open ng topic about sa mga exes tas sya pa may ganang magalit" halata sa boses nito na sobrang pagka inis. Natawa nalang ako. Lagi naman yan silang ganyan ni mike mag lalambingan pero maya maya away na ewan ko ba ganun ba talaga sa isang relasyon? maya maya ang away?. "Hay nako pag usapan nyo yan ha mamaya mapunta pa yan sa hiwalayan". Sabi ko nalang at tumayo kasabay ng pag tayo ko ay ang pag ring ng telepono ko. ~papa's calling~ Ng makita ko na si papa ang tumawag ay agad na bumagsak ang mga balikat ko. Oo nga masaya ko dahil nasa puder na nya ko pero hindi ako masaya dahil sa bago nyang pamilya. Napapansin ko ng nung dumating ako dito sa kanila ay ang ayos ng pakikitungo ni tita marie saken ngunit habang tumatagal ay nagiging iba na ang trato nito saken. Madalas nya kong pag buhatan ng kamay kapag hindi ko nasusunod ang gusto nya. May times pa na sinasabunutan nya ko kapag may pag kakamali syang nagagawa at ako ang isinisisi nya dahil daw simula ng pumunta ako dito kay papa ay malaki na ang naging hati nya sa atensyon nito. "Hello po?" Sabi ko pagkatapos sagutin ang tawag. ["Samantha nasan kaba? Kanina kapa hinahanap ng tita marie mo kung sansan ka pumupunta wlaang katulong ang tita mo dito aalis na ko dahil may pasok pa ko"] sabi nito at halatang naiinis sa ginawa kong pag alis. "Nandito po ko kila tito akhiro pa sorry po hindi ako nakapag paalam" sagot ko nalang. [" Osige na umuwi kana at papasok pako sa opisina kanina pako tinatawagan ni tito akhiro mo."] sabi nito at agad namang pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalamang ako. Ihahanda ko na ang sarili ko sa sampal at sabunot ni tita marie saken mamaya pag uwi hindi ko magawang isumbong sya kay papa sapagkat binabaliktad nya ko sa huli ako ang nag mumukhang mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD