NANDITO AKO SA palm nuts nakakapit habang walang tigil sa pagsusuka. Naninikip na nga ang puso ko at sumasakit ang tiyan ko. Kahit gusto ko ng matapos ito, hindi ko naman mapipigilan ito. Kusa lang talaga siyang lumalabas sa bibig ko. Nandidiri na nga ako sa amoy. Ang asim na ewan. “M-Mira, okay ka lang?” tanong ni Atlas. “Hindi ako okay, but ‘wag kang lumapit muna rito sa akin. Diyan ka lang muna. Lumalaki ang mga mata ko every time na sumusuka ako. It can trigger you,” sagot ko sa kanya. “G-Ganoon? Anong gagawin ko para maging mabuti ang pakiramdam mo?” Napangiti na ako. “Sapat na sa akin na alam kong nag-aalala ka sa akin. Basta ‘wag ka lang pumunta rito. Matigas pa naman ang ulo mo.” Nang muli na naman akong sumuka, natulala na lang ako sa kawalan. Unti-unti namang gumuhit ang lin

