Ren POV:
"Hindi mo sinabi na may mga libro pala rito Ren"wika ni Kai habang kinukuha ang mga ito.
'Tss. Kahit nga ako hindi ko alam na may mga libro rito sa kwarto ni auntie.'
Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nila auntie kagaya nang napag-usapan namin kahapon.
"Lee,ano yang hawak mo?"tanong ni Kai dahilan para mapalingon ako kay Lee na ngayon ay may hawak na maliit na box.
Lumapit sa amin si Lee at ito ay iniabot sa akin. Agad ko naman itong kinuha at binuksan.
"Huh? Bakit alang laman? Ano ba yan akala ko naman may kayamanan nang nakatago."pagmamaktol nito at sinabayan pa nang pagbuntong hininga nito.
'Tss. Sa liit nito naisip pa niyang kayamanan ang laman nito eh halos kamay ko nga lang hindi na magkasya .'
Napailing nalang ako sa ginawa nito at saka ko ito sinara. Matapos ko iyon isara ay nagsibalikan na kami sa aming ginagawa.
"Last na natin itong paglilinis Ren"nakabusangot na sabi ni Kai nqng matapos kami maglinis.
"Oo last na ito"sagot ko rito na siyang ikinangiti nito.
'Tss. Hindi nga siya halos naglinis.'
Nilingon ko si Lee na ngayon ay nakatingin sa rosas na dati ay puti na ngayon ay halos mangitim na dahil sa pagkatuyo nito.
"Ren, bakit hindi mo parin ito tinapon?"tanong sa akin ni Kai.
Lumingon naman sa akin si Lee na parang nag-aantay ng sagot.
"Remembrance"maikling sagot ko dito dahilan para mapaubo silang dalawa.
"Problema niyong dalawa?"nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Ikaw,ikaw ang problema. Nababaliw kana ba? Bakit mo itatabi yan? Hindi ba't konektado yan sa pagkamatay nila auntie mo?" Napatakip nalang ako sa aking tainga nang ilakas niya ang kanyang pananalita.
"Kai,chill ka lang. Nagbibiro lang ako okay?"pagpapahinahon ko dito dahilan para batukan niya ako.
'Damn you Kai.'
"Hindi ka nakakatuwa Ren"nakanguso na sabi nito dahilan para bahagya akong mapangiti.
Napalingon ako kay Lee na ngayon ay nagpipigil nang tawa sa isang gilid.
Napatigil naman ito nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya dahilan para mag-iwas ako ng tingin.
'Tss. Bakit kailangan niya pang lumingon.'
******
Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Lee na uuwi na. Nagpaiwan naman ako rito at pinasabay sa kanya si Kai.
"Sigurado kang iiwan na kita? Mauna na ako?"tanong muli sa akin ni Kai sa akin.
'Tss. Pang-ilang tanong na niya ito.
"Oo nga mauna kana,may aayusin pa ako rito. Kaya sumabay kana kay Lee" tugon ko dito na siyang ikinatango nito bago nagpaalam umalis.
Nang makaalis si Kai ay kinuha ko ang box na kanina ay nakita ni Lee. Binuksan kong muli ito at inilagay doon ang natutuyong rosas.Matapos ko itong inilagay doon ay itinago ko naman ito sa bitbit kong bagng
Nagmumuka na ba akong weirdo para itabi ko pa ito samantalang kasama ito sa natagpuan nang makita namin ang bangkay nila auntie.
Gayunpaman ang sinasabi ng aking isip ay itabi ito. Hindi ko alam kung ano ang mapapala ko rito pero wala rin namang masama kung itatago ko ito.
'Kung ano man ang maging kalalabasan nang pagtago ko rito ay wala akong ibang choice kung hindi tanggapin ito.'
Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naiisip.
Matapos kong isaayos ang mga gamit ko ay umalis na rin ako rito.