Georgia
"Nadala mo na lahat?" tanong ni Boyd pagkatapos niyang damputin ang helmet namin.
"Yeah. Let's go."
Kinuha ko ang isang helmet nang maisara niya ang pinto. He locked the door then anchored his arm on my shoulders. Sabay kaming naglakad patungo sa hagdan. Nang madaanan ang ibang taga-compound ay bumati pa kami.
"Oho, may pasok si Misis. Hatid ko ho muna bago raraket," aniya sa isang taga-ibabang unit na mahilig mag-abot ng ulam sa amin.
Boyd graduated last semester. Hindi muna siya naghanap ng mapapasukang trabaho dahil gusto niyang mahatid-sundo ako sa university.
Ayos din naman dahil mas marami siyang oras ngayon para kumuha ng mga kliyente na gustong magpa-tattoo. Marami na rin ang nagrerekumenda sa kanya dahil naipakilala siya ni kuya Russia sa mga bagong kaibigan ni kuya na mahilig sa tattoo.
Kapag wala akong klase ay sumasama ako sa kanya. Kung babae ang kliyente ay hindi siya pumupunta kung hindi ako kasama. He's very careful, too. Kapag sa maselang parte ng katawan magpapa-tattoo ang babaeng kliyente ay tinatanggihan niya. Not because I get jealous easily, though. Siya mismo ang nagdesisyon dahil ayaw niya akong bigyan ng dahilan para magselos.
His phone vibrated. Dinukot ko iyon sa bulsa ng pantalon niya at tiningnan kung sino ang nag-chat. Hinayaan naman niya ako. Palibhasa ay wala namang tinatago.
My eyes rolled when I realized that it was the same girl who's trying to hit on him on IG. Gustong magpa-tattoo sa tagiliran pero ayaw magbayad kaya ino-offer ang s*x kay Boyd.
As if my boyfriend isn't getting enough s*x for him to accept her offer? Halos ang kama na nga ang sumusuko sa amin!
Sinilip ni Boyd ang conversation. Nang mabasa ang chat ay bumuntonghininga siya. "Block mo nga 'yan, baby. Ang kulit-kulit niyan."
Masunurin naman ako. I blocked her immediately then slid his phone back into his pocket. Nagpaalam na rin kami sa mga kapitbahay.
Six months in the compound and we've already built a good relationship with our neighbors. Kung minsan ay may mga bata na pumupunta sa unit namin para makinood ng TV. Kapag may birthday sa compound ay binibigyan nila kami ng handa.
I realized that I could adjust my lifestyle as long as I am happy with the person I am with. Yes, Boyd and I have dreams but whether we'll get it all someday or not, I know we will be okay because we are happy.
Pasakay na kami sa motor niya nang mapansin ko ang lalake sa kabilang bahagi ng daan. Nahuli ko siyang nakaangat ang camera na may mahabang lente na tila kinuhanan kami ng larawan. Pang-ilang beses na ba iyon? He's not the first person I saw who was secretly taking pictures of me and Boyd. Hindi ko sinabi kay Boyd iyong mga nauna dahil nasa mataong lugar at baka nag-o-overthink lang ako pero ngayon, pakiramdam ko ay talagang kami ang kinuhanan ng larawan.
"Have you seen the guy in the blue Honda?" tanong ko kay Boyd.
Sandali siyang tumingin sa akin bago tiningnan ang papaalis nang kotse. "Bakit?"
I sighed. "Parang kinuhanan tayo ng pictures. Tingin mo nakakahalata na sina Mommy?"
He fixed the strap of my helmet, making sure I'm wearing it properly so I'll be safe. "Nagtatanong ba sa'yo?"
Umiling ako. "Noong umuwi naman ako noong isang araw ay wala namang kakaiba. I think kuya Israel is trying to cover my ass, too. Sigurado namang alam na niya matagal na. Hindi lang nagsasalita 'yon nang hindi ako pagalitan."
"Papakiramdaman ko na lang din si Russia kung may alam na," sagot niya.
Tumango na lamang ako't sumampa na sa big bike. He bought it from one of his clients on our third month together. Hindi ko sinabi sa kanya na iyong kunwaring malaking discount na ibinigay sa kanya ay binayaran ko kaya sa napakababang halaga niya nabili ang big bike. Sigurado namang hindi siya papayag kung aambag ako.
Yumakap ako sa kanya. Pinaandar niya ang big bike at kinontrol ang takbo. Siguradong kung siya lang ang sakay ay mabilis ang andar pero dahil angkas niya ako ay kalmado ang pagpapatakbo niya.
Boyd and his priorities. How could I still ask for anyone better?
We reached my school thirty minutes before my first class. Hinubad ko ang helmet habang inayos naman niya ang medyo nagulo kong buhok.
"Bago alas kwatro, nandito na ko. Dito na rin kita susunduin," bilin niya.
"Saan ka ulit ngayon?" I asked.
"Kina Brent. Papa-tattoo pinsan niyang galing US. Half sleeve lang naman na geometric design." He pinched the tip of my nose. "Mag-focus ka sa klase."
I smiled. "Of course." I tiptoed and kissed him on his lips. Gumanti naman siya ng halik hanggang sa masita kami ng gwardya.
"Kayo na namang dalawa. Araw-araw na lang ba?" tila nangungunsuming suway ng guard.
Natawa kaming pareho. "Good morning, Manong," I greeted.
Boyd grinned then jerked his head to the guard. Isinuot na rin niya ang helmet at nagpaalam sa akin.
I waited for him to leave. Gaya ng inaasahan ko ay matulin na naman ang takbo niya. Naku, makukurot ko talaga 'yon mamaya! Parang walang pakialam kapag hindi ako angkas!
I pulled my phone out and typed a chat for him while I'm walking in. Sa sobrang focus ko sa pagtitipa ng chat ay hindi ko kaagad napansin ang grupo nina Ron.
"Uy, si Georgia, pare."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ng kaibigan niya. Nang makita ang ngisi ni Ron ay kaagad akong umirap.
I tried to ignore them but Ron tried to walk beside me. Sa irita ko ay matalim ko siyang tinitigan. "Will you please leave me alone?"
The son of a b***h smirked. "Tapang mo naman? Sino ba pinagmamalaki mo? 'Yong boyfriend mong walang binatbat sa buhay?"
My eye twitched. Hindi ko talaga maatim kapag si Boyd na ang kinukutya. He's doing everything to provide for me. Kung pinayagan ko nga na siya na pati sa tuition ko ay siguradong magpapakakuba iyon para sa akin!
I lifted a brow. "Bakit ikaw? Ano bang ipinagmamalaki mo? 'Yong pera ng parents mong ipinangka-club mo lang kada-gabi?"
Umalingawngaw ang asaran ng mga kaibigan niya. The smirk on his face faded and anger flickered in his eyes. Mabuti na lang at dumating sina Grethel. Sumabay sila ng lakad sa akin nang mailayo ako sa grupo nina Ron.
"Hindi mo na dapat pinapatulan. Didn't you hear the rumors about Ron and his friends?" si Jaela.
"What rumors?" salubong ang mga kilay kong tanong.
Bumuntonghininga si Grethel. "They were seen taking coke."
"Drugs? Cocaine?" I asked.
"Yes," sagot ni Jaela. "Nakita sila ng isang sophomore sa likod ng nursing building. Binayaran ng pamilya ni Ron ang Dean. The sophomore was paid as well but of course, nag-spread na ang rumor so the guy dropped all of his subjects instead. Natakot na mapag-initan ng grupo ni Ron."
Umiling ako. "Bakit ba kasi dito pa rin nag-aral 'yan? And how did he even pass last year?"
"Tinatanong pa ba 'yon?" si Grethel.
Kung sabagay. My mom used to pull some strings, too when I was still not taking my studies seriously. Ngayon lang naman ako nagseryoso dahil tinutulungan ako ni Boyd na maintindihan ang subjects ko.
"Let's hang out later at my place," alok ni Jaela.
"Nah, may lakad kami ng boyfriend ko," sagot ko.
"Hindi ka ba nagsasawa sa boyfriend mo, girl? Araw-araw mo na lang kasama," reklamo ni Grethel.
They didn't know that Boyd and I are living together. Basta alam nila ay boyfriend ko siya.
I smiled. "Nah."
Tinusok ni Jaela ang tagiliran ko. "Magaling yata, eh kaya ganyan ang ngiti!"
My cheeks burned. "Stop it."
They both laughed. Iniba ko na lang din ang usapan hanggang sa narating namin ang classroom.
My phone vibrated while we're waiting for the instructor. It was a message from kuya Russia. He's inviting me to dinner with his girlfriend.
Sinabi ko sa kanya na hindi ako pwede ngayong araw. Good thing he's willing to reschedule our dinner.
Ibinulsa ko na ulit ang phone ko. I focused on all of my classes. Nang matapos ang huling klase ay lumabas ako't naghintay sa pwesto kung saan madalas akong sunduin ni Boyd.
It didn't take long before my boyfriend came to pick me up. Sinuot ko ang helmet at sumakay sa motor. Nang paalis na kami ay napansin ko na naman ang pamilyar na sasakyan. The guy was holding his camera and was about to take our picture.
Napalunok na lamang ako. Goodness. Now I am more convinced that someone hired him. Si mommy ba? O baka si Daddy? Imposibleng si kuya Russia. He would rather confront us.
I made a mental note to discuss the matter to Boyd at home. Ngunit nang napansin kong iba ang daang tinatahak namin ay nalukot ang aking noo at nawala ang pangamba sa isip ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
He held my hand ang squeezed it gently. "Surpresa."
Hindi na lamang ako kumibo. I just focused on the ride until we reached a small church in Tagaytay. Tumigil ang motor at bumaba kami. He removed my helmet and then secured it on the bike.
Hinintay ko siyang mahubad din ang kanya bago ako nagtanong. "Anong ginagawa natin dito, Boyd?"
He smiled before he pulled out a small velvet box from his pocket. "Manunumpa na tayo hanggang huli, Georgia . . ."