Kabanata 30

1363 Words
Georgia A miracle. I know the only thing that could save me right now is nothing but a miracle. I know I am not perfect. I don't go to church all the time. I couldn't even say my prayers every night. I've done a lot of things I regret but despite me being imperfect, I hope God listens to me right now. Humikbi ako nang simulang halik-halikan ni Ron ang aking leeg. His friends kept on hyping him up as if they enjoy seeing him violate me. "'Yan! Oh, wala nang palag, pre!" dinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya bago sila nagsitawa. I sobbed. Kahit hinang-hina ang katawan ko at kahit na nanginginig ako sa takot ay pinilit ko pa rin siyang pigilan. I used the last of my strength to keep pushing him but he's stronger than me. Tila mas nag-e-enjoy pa siya tuwing nararamdaman ang panlalaban ko. Muli akong napahikbi habang tahimik na nakikiusap sa Diyos. I don't know how long I could still keep myself conscious. The chemical I inhaled earlier is making me dizzy but my will to survive was too strong that it's taking longer than it should to knock me unconscious. Mukhang nahalata na rin nila kaya nagbudbod muli sa panyo. Ron's friend handed him the cloth. Ngunit bago pa man niya iyon maitakip sa ilong ko ay isang malakas at mahabang busina na ang umagaw sa atensyon nila. A familiar big bike roared while chasing us. Nilagpasan kami ng motor hanggang sa tuluyan iyong ibinara ng nagmamaneho sa daan. "Tang-ina, Ron nakasunod!" one of Ron's friends said. Parang nataranta nang makita ang taong bumaba mula sa motorsiklo. I tried my best to lift my head and peek through the windshield of their van. Nang makita ang pamilyar na bultong ihinambalos ang helmet sa harap ng van habang galit na galit siya ay lalong bumaha ang mga luha ko. I sobbed. "B-Boyd . . ." Pinilit kong makaupo dahilan upang makita niya ako. "Boyd!" Horror and anger flickered in Boyd's eyes. Lalo siyang nagwala at ihinampas nang paulit-ulit ang helmet sa harap ng van. Hindi makaatras ang van dahil may nakaharang nang mga sasakyan. Hindi rin nila magawang iabante dahil naroroon si Boyd. "Sagasaan mo na!" Ron shouted at the man driving the van. "Tangina mo, lalo lang magiging problema 'to! Ibaba mo na 'yang babae nang umalis 'yang lintik sa daraanan!" Hindi makakibo si Ron. Parang hindi alam kung ano ang gagawin. Maya-maya ay nakarinig kami ng tunog ng sirena. Nataranta siya at ang mga kasama niya. Sa takot noong nasa tabi ko ay ibinukas ang pinto at halos iitsa ako palabas. I fell on the gutter, trembling and weak. Kulang na lang ay humagulgol ako sa sobrang takot. Ni hindi ako magawang lapitan ng mga tao sa tabi ng daan. Para bang hindi rin nila alam kung ano ang gagawin nang makita ako. "Georgia!" Boyd shouted. Tumakbo siya palapit sa akin at dali-dali akong itinihaya. Nagmamadaling umalis ang van. Nasagi pa nila ang motorsiklo ni Boyd kaya tumumba iyon sa daan. I sobbed, still in shock while my boyfriend carefully scoops me from the ground. "I'm sorry." Niyakap niya ako't hinalikan nang mariin sa aking ulo. "Sorry. Sorry, Georgia. I'm sorry . . ." Naiyak na lamang ako lalo. Boyd is probably blaming himself because he thinks he wasn't able to protect me. Gusto kong sabihing wala siyang kasalanan. Na hindi siya nagpabaya. Kung hindi siya humabol ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. But I am too scared right now to speak. Tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay tanging hikbi ang lumalabas. Some police officers escorted us to the nearest hospital. I had some wounds and bruises because of my fall. They also checked me to see if what I inhaled earlier could harm my body. Dumating si kuya Israel. Mukhang tinawagan ni Boyd para ipaalam ang nangyari. Pagkakita pa lang niya sa akin ay parang gusto na niyang pumatay. Naiyak na naman tuloy ako. I know we're not the closest, but he loves me and he would surely throw away his morals to punish the people who did this to me. Pareho sila ni Boyd. Puno ng galit ang mga mata nila. Siguro kung wala ako rito sa ospital ay kanina pa sila umalis para hagilapin ang grupo ni Ron. Hinawakan ni kuya ang kamay ko saka siya nagtanong kay Boyd. "What happened?" "Nakita ng isang waiter na nagyoyosi sa labas na may humatak kay Georgia papasok ng van. Tinawag ako kaagad, Mabuti na lang inabot ko pa sa intersection kaya lang no'ng hinagis siya palabas, hindi na ko nakasunod." "Nakuha ba ang plate number ng van?" tanong ni kuya. Halatang nagkokontrol lamang ng sarili. I sniffed. "I know who did this to me." Tumingin sila sa akin. Tila hinihintay ang sasabihin ko. I tried to wipe my tears. Nilunok ko rin muna ang bara sa lalamunan ko bago ako nagsalita. "Sina Ron. There's at least five of them. Grethel already warned me earlier about Ron's plan but it was too late." Dumilim lalo ang mukha ni Boyd. "Tang ina ng lintik na 'yon." Akmang aalis si Boyd nang pigilan ni kuya. My brother shook his head as if he's asking Boyd to not do anything stupid. Boyd let out a sigh before he went next to me. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo bago niya hinawakan ang kamay ko. "Sumama ka muna kay Israel pauwi. Doon ka na muna sa inyo." Gumapang ang kaba sa dibdib ko. "B-Bakit? A-Anong gagawin mo?" Hinaplos niya ng hinlalaki ang likod ng palad ko habang mariing nakaigting ang kanyang panga. Napupuno siya ng galit at hindi niya iyon maitago. I've never seen him this furious. Kung nakakatakot na ang galit niya noong tinarantado kami ni Cerilla ay triple pa ang ngayon. Tila iyon ang galit ng isang taong handang pumatay makaganti lang. "B-Boyd?" tawag ko nang hindi niya ako sinagot. He kissed the back of my hand before he forced a smile. "Uuwi ka rin sa apartment. Basta ngayong gabi, sa inyo ka muna magpahinga." "Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?" "Basta." "Boyd, please . . ." Hinaplos niya ang buhok ko. "Hindi ko mapapalagpas 'to, Georgia." His eyes glistened with so much anger. "Walang pwedeng tumarantado sa'yo." "Boyd, please no--" Hinalikan niya ako sa mga labi bago siya tuluyang umalis. Kahit na anong tawag namin ni kuya Israel ay hindi niya na kami binalikan pa ng tingin. "Kuya, please don't let him do anything na pwede niyang ikapahamak," naiiyak kong pakiusap sa kapatid ko. Kuya Israel sighed. "Ipapasundo kita kay Rocco. Bubuntot ako kay Boyd. Dad is waiting at home at nasabi ko na sa kanya ang nangyari." My tears fell. Diyos ko. Ngayon pa talaga nangyari lahat ng ito kung kailan alam na rin ni Daddy ang tungkol sa relasyon namin ni Boyd. Kuya's phone rang. Dinukot niya iyon sa bulsa at sinagot. "Dad. Yes, I'm with her. No, nakatakas ang muntik gumahasa sa kanya." Tumingin sa akin si kuya. "Okay. I'll tell Georgia. Please send someone to pick her up once the doctors allow her to leave the hospital. I have to stop Boyd from doing something he might regret." I sniffed. "Anong sabi ni Daddy?" Kuya sighed after ending the phone call. "Daddy doesn't want us to let kuya Russia and Mommy to find out about this. He said he will handle the problem." Hinaplos ni kuya ang buhok ko. "Pag-uwi mo, kakausapin ka raw niya tungkol sa nangyari. Huwag kang matatakot magkwento. He's our Dad. He knows what to do. Sa lahat ng tao, siya ang pinakamapagkakatiwalaan mo dahil tatay natin siya." Nalunok ko na lamang ang bara sa aking lalamunan. "Bakit hindi pwedeng malaman nina kuya at mommy?" "Hindi ko alam but maybe Dad just didn't want to worry them." He sighed. "Magpahinga ka na muna at hintayin ang ipapadala ni Daddy na susundo sa'yo. Susundan ko muna si Boyd." I shut my eyes when kuya pressed a brotherly kiss on my forehead. If only we knew the real monster was the one he said I could trust the most . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD