Kabanata 19

1194 Words
Boyd "Pare, baka may extra ka diyan. Short ako ngayong buwan." Binalingan ko si Jim, ang kasamahan ko sa pinapasukan kong cafe. "Pasensya na, pre. Wala sa ngayon. May pinag-iipunan, eh. Naideposito ko na sa bangko." "Gano'n ba? Sige, pre salamat." Tinapik niya ko sa balikat. "Una na ko. Tapusin mo na rin 'yan. Wala namang bayad overtime dito." Tumango ako. "Geh, ingat." Tinapos ko ang pagpupunas ng mga la mesa bago ako sumandal sa may bar counter. Dinukot ko ang phone ko't tiningnan kung nag-reply man lang ba si Georgia sa kahit isa sa chat ko pero wala talaga. I sighed and shook my head. Ilang linggo na 'to. Natatakot na ko. Sandali akong nag-isip bago nagpasyang tawagan si Mama. Alam kong paulit-ulit na ko pero gusto kong makasiguro na wala siyang nasabi na nakasakit sa damdamin ni Georgia. Maldita lang 'yon pero kilala ko 'yon. Madali 'yong masaktan ng mga salita. Kung si Mama pa ang makakapagpasama ng kalooban niya ay talagang magtatampo ako. Alam naman ni Mama kung gaano ko kagusto si Georgia. "Anak, napatawag ka," bungad ni Mama sa tawag ko. Umayos ako ng tayo. "Ma, sigurado ho ba talaga kayo na wala kayong nasabi kay Georgia? Hindi pa rin kasi ako pinapansin hanggang ngayon." "Naku, Boyd. Ilang beses ba nating pag-uusapan ito, anak? Nagtatampo na ako. Parang ayaw mong paniwalaan ang sarili mong ina." "Hindi naman ho sa gano'n. Napapraning lang ho talaga ako dahil hindi ko alam kung ano bang nagawa ko at ayaw na kong pansinin." "Anak, wala akong masamang sinabi kay Georgia. Pinagsabihan ko lang na hindi maganda ang nakikipag-away. Isa pa ay sinabi ko lang naman na hindi niya kailangang patulan si Leng dahil kung siya ang mahal mo ay hindi ka naman maaagaw ni Leng. Mali ba ako roon, Boyd?" Bumuntonghininga ako. "Hindi ho. Pasensya na ho, Ma." "Boyd, baka naman naisip niyang si Georgia na hindi niya kaya ang buhay rito sa atin kung magkatuluyan kayo? Tandaan mo, anak. Napakarangya ng pamumuhay ng mga Valentino. Hindi naman sa pinangungunahan ko si Georgia pero malay natin noong umuwi ng Maynila ay napagtantong mas gusto niya iyong buhay na gaya pa rin ng sa kanila?" Napalunok ako. Alam ko namang hindi kami mayaman ng nanay ko pero nagsisikap naman ako. Nag-iipon ako, nagsisipag dahil ayaw kong bigyan siya ng dahilan para hindi ako piliin. Kung kailangang pumasok pa ng ibang trabaho ay gagawin ko naman. I just need her to believe in me a little more. It might take some time but I'll make sure to give her a good life. Hindi kasing rangya ng kinasanayan niya pero sisiguraduhin ko namang kumportable. If she wants a more lavish lifestyle then I'd break my back to give her that. Kung gusto niya sa Maynila tumira ay dito kami bibili ng bahay. Kung gusto niya ng mayaman ay magpapayaman ako. Kahit gaano kamahal ay sisiguruhin kong makakaya kong bilihin. I'll push myself to my limits. Maybe even further than that just to deserve the spot next to her. Kung ano ang hilingin niya ay ibibigay ko. Kung saan niya gusto ay susunod ako palagi. I sighed. "Sige ho, Ma. May tatapusin lang ho ako sa trabaho." "Sige, anak. Mag-iingat ka diyan." "Oho. Kayo rin." Pagkababa ng tawag ay itinuloy ko ang mga kailangang asikasuhin nang maaga akong makapunta sa university nina Georgia. Baka sakaling kung agahan ko pa ay pagbigyan akong ako na ang maghatid sa kanya pauwi. Ipinarada ko ang motorsiklo malapit sa gate nang mabilis ko siyang makikita kapag lumabas na. Nag-chat din ako at sinabing nandito ako para sunduin siya kahit na may posibilidad na hindi pa rin siya mag-reply. I waited for about an hour, watching other students pass me by. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nabuhayan kaagad ako ng loob no'ng nakitang siya iyong nag-chat. Georgia: Umuwi ka na, please. Stop doing this. Isinara ko ang mga labi ko habang naninikip ang dibdib na nagtipa ng sagot. Boyd: Georgia, huwag ganito. Ano bang nangyayari sa'yo? Okay naman tayo bago ka umalis ng Tarlac. Georgia: Just please leave me alone. Bumuga ako ng hangin habang nagre-reply. Boyd: Miss na miss na kita, George. Hindi ba pwedeng pag-usapan muna natin kung anong problema natin? Nakakapanghina na kasi 'yong ganto. Hindi niya na ako sinagot. Nag-seen lang pagkatapos ay wala na. Nakakapraning. Ano ba talagang ginawa ko? Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa gate at inabangan siya kaya lang sinundo na naman ni Israel kaya wala akong nagawa kun'di bumuntot ulit. Sa pagkakataong 'to ay ipinarada ko ang motorsiklo sa banda kung saan tanaw ko ang bintana ng kwarto niya. Hinubad ko ang helmet ko saka dinukot ang cellphone sa bulsa para i-chat siya. Boyd: Silip ka sa bintana. Gusto lang kita makita ngayong araw. Papaalam lang ako. Ilang beses siyang nagtipa pero binubura rin. Ilang minuto na gano'n pero hindi ako umalis hanggang sa sa wakas ay sumagot. Georgia: Leave. Please. I'm begging you. Bumuntonghininga ako. Boyd: Aalis ako kaagad kapag nakita na kita. Sulyap lang, George. Miss na miss na kita. Tiningala ko ang bintana at naghintay pero ilang minuto na ay wala pa ring Georgia na sumisilip. Nawawalan na ko ng pag-asa kaya noong wala pa rin talaga pagkalipas ng limang minuto ay isinuot ko na ang helmet at binuhay ang motorsiklo. Paalis na sana ko no'ng naaninag ko siyang nagbukas ng bintana. Sumilip siya ro'n kaya mabilis akong naghubad ng helmet. Para akong siraulong ngumiti ng pagkalawak-lawak saka ko siya tinawagan. Georgia looked hesitant to answer my call. Kaya noong nasagot niya sa wakas ay parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa. "George . . ." She sighed. "Umuwi ka na, Boyd. It's getting late." Ngumiti ako. Titig na titig pa rin sa kanya kahit ang layo niya. "Na-miss kita. Na-miss ko boses mo." Hindi siya kumibo ng ilang segundo. Maya-maya ay bumuntonghininga ulit. "I have a lot of things to do. Umuwi ka na." Humugot ako ng hininga bago ngumiti. "Uuwi na ko maya-maya. Patitig lang muna kahit isang segundo pa. Sorry. Miss na miss lang talaga kita." "Boyd, please . . ." "Malapit na kong makabili ng mas maayos na motorsiklo. Kaunting ipon na lang. Kung mabili ko na, pwede na siguro kitang ihatid ulit? Hindi na kakarag-karag ang ipanghahatid-sundo ko. Hindi ka na . . . mahihiya na makita ka ng mga kaibigan mong nakaangkas sa'kin." Natahimik siya habang nakatitig pabalik sa akin. Pero kahit malayo siya, halatang 'yong mga mata niya, malungkot. Humugot ako ng hininga. "Georgia . . ." I smiled. "Alis na ko, ha? Bukas ulit. Kahit sulyap lang hanggang sa . . . makabili ako ng motor na hindi mo ikakahiyang sakyan." I saw her purse her lips before she shut the window. Bago niya napatay ang tawag ay narinig ko rin ang impit na paghikbi. Nanikip ang dibdib ko. May nasabi ba kong nakasakit na naman sa kanya? Isinuot ko na lang ulit ang helmet ko saka ko siya pinadalahan ng mensaheng sigurado ko sa sarili kong tutuparin ko. Boyd: Mahal kita, George. Aabutin kita kahit ga'no ka pa katayog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD