Kabanata 2

1177 Words
Georgia "Kumapit kang mabuti," Boyd reminded while looking over his shoulder. Tinaasan ko siya ng kilay nang maitago ko ang nadaramang kilig. "Bakit ako kakapit? Eh, hindi ko naman gustong sumakay dito sa kakaragkarag mong motor?" He sighed. Maya-maya ay napasinghap ako nang hawakan niya ang magkabila kong kamay saka ako hinatak. Napasubsob ako sa kanyang likod nang iyakap niya ang mga braso ko sa kanyang baywang. He even rested my palms on his toned tummy as if he wanted me to feel how firm his ab muscles are! Jesus, they are. Ilang oras ba 'to nag-eehersisyo sa isang araw? Yes, I know he's got a nice built but I didn't expect him to be this sexy! "Kumapit ka, Madam bago kita itali sa akin," he warned. Lumunok na lamang ako't hindi nagpahalatang gustong-gusto ko naman itong pwesto ko ngayon. I could smell his cheap yet manly perfume mixing with his deo. Hindi masakit sa ilong. In fact, I found myself sticking the tip of my nose on his shirt just so I could sniff him secretly. Nawala sa isip ko ang takot sa bibigay na niyang motor. I was too lost in his scent that I spent the entire ride admiring how good he smells is. Idagdag pang lapat na lapat ang mga palad ko sa hulmado niyang tiyan. I wonder, how good does it look like without a cover? Nakagat ko ang ibaba kong labi sa naisip. My thoughts, why are they becoming wild? "May session ako dito," ani Boyd nang mai-park niya ang motor sa harap ng isang condo building sa BGC. Bumaba ako ng motor at pinanood siyang i-stand iyon bago niya hinubad ang helmet na suot ko. Napatulala pa ako noong sinuklay niya ang aking buhok gamit ang mga daliri niya dahil nagulo sa pagtanggal ng helmet. "Mag-aaral ka habang nagta-tattoo ako. Magtatanong ako habang gumagawa. Gets mo?" he asked. Parang ginagawa akong bata kaya tumaas na naman tuloy ang kilay ko. "Pwede ba, Boyd? Pabayaan mo nga ako kung ano ang gusto kong gawin? It's not like you're gonna get your trashy bike upgraded if I'd pass all of my exams!" Bumuntonghininga siya. "Tigas talaga ng ulo mo, Georgia." Hinawakan niya ang likod ng aking ulo saka ako inakay patungo sa entrance ng condo. Nagreklamo ako ngunit talagang hindi ako pinakawalan hanggang sa narating namin ang condo unit ng kliyente niya. The guy smiled at him then asked for a high five. "Akala ko hindi ka na sisipot, pare," anang lalake kay Boyd. Boyd glanced at me. "May dinaanan lang ako kaya natagalan." Makahulugang ngumisi ang lalake. "Shota? Ganda, ah?" Umismid si Boyd. "Gago, masyadong bata. Utol ng tropa 'to. May katigasan ang ulo kaya binitbit ko na muna rito. Ayos lang ba?" Gusto kong mainis. Bakit ba iyon ang tingin niya sa akin? Kung hindi masyadong bata, kapatid lang ni kuya o kaya ay matigas ang ulo. Is that everything he sees in me? Mature naman ako manamit! My boobs are bigger than my friends! I have a pretty face! Tapos ay iyon lang ang tingin niya sa akin?! "Sure, sure walang problema. Pasok kayo." Ibinukas na nang tuluyan ng lalake ang pinto para makapasok kami. He led us to the living room where Boyd will do the tattoo on the man's back. Nag-set up siya ng mga gagamitin. Nang matapos ay bumaling sa akin at pinapwesto ako roon sa sofa na malapit sa uupuan niya mamaya kapag nagsimula na ang session. Napatingin ako sa notes na inilapag niya sa aking kandungan. "Ginawan kita ng reviewer. Simulan mo na." I pursed my lips to suppress the sudden burst of emotion in my heart. Really? Nag-effort siya para magkaroon ako ng reviewer? Kinikilig na ako nang umepal ang isang bahagi ng isip ko. What if he made me a reviewer because he really thinks I'm dumb? I was about to throw a fit when Body held me by my chin to make me look up. Nagtama ang tingin namin habang nagwawala ang dibdib ko dahil sa pakiramdam na dulot ng pagkakahawak niya sa aking baba. "Kapag may 'di ka maintindihan, tanungin mo ko. Huwag matigas ulo mo, Georgia," banta niya bago binitiwan ang aking baba. I sighed as I watched him sit on the stool. Nakatagilid siya mula sa aking pwesto kaya kahit paano ay may kalayaan akong pagmasdan siya. Boyd started applying the stencil while chitchatting with his client whose name I didn't catch. Pinagmamasdan ko ang galaw ng may kanipisan niyang mga labi at bawat pagkurap ng mapang-akit na mga mata. The tips of his front hair is sort of reaching the upper part of his eyelids, making his side feature look ethereal. No. Parang . . . bad boy nga. Tipong handang sunugin ang buong mundo para sa taong mahal. Gusto ko tuloy tawanan ang sarili ko. Si Boyd, magiging bad boy? Eh, hindi nga nakakatulog na hindi naggu-goodnight sa nanay? He grabbed the tattoo machine and was about to pour some ink on the small container when he realized that I was just watching him. Dali-dali akong napababa ng tingin sa reviewer nang magbalik sa sarili. Even my cheeks burned red when I realized that he caught me nearly drooling over his side feature. Nakakainis naman kasi! Why does he have to be this f*****g attractive in the first place?! Nadinig ko ang pagbuntonghininga ni Boyd. "Wait lang, pare ha? Kakausapin ko lang 'tong alaga ko." Umismid ang kliyente niya. "Sige lang." Boyd stood up and walked towards me. Maya-maya ay tumalungko siya sa aking harap at ipinirmi ang mga palad sa magkabilang gilid ng aking inuupuan. His eyes stared into mine as if warning me, making my heart thrum faster than a festival drum. "Mag-re-review ka ba o huwag na tayong mag-usap kahit kailan?" hamon niyang nakapagpaawang sa aking mga labi. I faked a scoff even when fear flickered in my eyes. "W-What? Pake ko kung hindi na tayo mag-usap kahit kailan--" "Seryoso ako, Georgia." Gumalaw ang kanyang panga at naging mapagbanta ang titig niya sa akin. "Tutal 'di ka rin naman nakikinig. Ano pang point na mag-usap pa tayo, hmm?" Humigpit ang hawak ko sa reviewer. "You're being controlling." "Only because you're too out of control." He poked my forehead with the tip of his index and middle finger. "Palambutin mo naman 'to kahit konti bago ako mawalan na ng pag-asa sa'yo." My ego battled with my heart, until my ego slowly drifted in the background when I realized that he meant what he said. Umiwas ako ng tingin at humugot ng hininga. "Fine." "Ano'ng fine, hmm?" he asked with a gentle yet warning tone. Matalim ko siyang tinitigan. "Magre-review na, okay?" I hissed. "See?" He sighed while standing up until he's already towering me as if he knew he's the only one capable of taming me. "'Di mo rin naman pala kaya." Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi kaya ang alin?" My heart pounced when the corners of his lips slowly lifted for a meaningful smirk. "Ang hindi na ko makausap . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD