“Nine, you should rest na. kanina ka pa nandyan sa pool, baka sipunin ka na.” suway ko sa anak kong ayaw pa rin umalis sa pool. Halos dalawang oras na s’ya nandon, ayaw pa rin umahon kahit pinag sasabihan na. “Let him, Preets. Minsan lang naman s’ya nandito.” Napa-tingin ako sa momma ni Dylan na masayang naka-tingin sa anak ko na lumalangoy. “Kung sipunin s’ya ay ako na bahala mag paliwanag sa anak ko.” Tumango nalang ako bago tumingin ulit sa anak ko, sigurado na pag tumagal kami dito ay magiging spoiled at titigas ang ulo nitong si Nine at hindi na makikinig. “Ma, ihahanda ko po muna ang ang gamit niya sa taas.” Paalam ko, tumango naman siya at hinigop ang hawak niyamg juice. Pumasok ako sa loob ng bahay, habang ang mga katulong ay busy sa pag aayos ng buong bahay kahit wala naman k

