Maaga akong gumising para mag ayos sa pupuntahan ko-ang parents ni Kurt at si Dylan na mag hahatid sa akin. Maaga na kinuha nila Leah si Nine para igala kaya naman ay hindi ko na siya kailangan pang dalhin. “Are you sure na hindi na kita kailangan samahan?” nag aalala niyang tanong bago pinisil ang kamay ko. Nandito na kami ngayon sa parking lot nang restaurant na kung saan pangalawang beses na lumuhod sa harap ko si Kurt. “Ayos lang, gusto mo ay sumunod ka nalang mamaya sa loob.” Naka-ngiti kong sabi bago hinalikan siya sa labi. “Alis na ako” sabay labas ng sasakyan. Alam ko naman na nag aalala sa akin si Dylan at inamin niya na natatakot siya pag tapos namin ma-usap ng parents ni Kurt na baka iwan ko siya, kaya kanina ay ilang beses ko pa siya nilambing para sabihin na siya na ang gu

