Kababata 02

1023 Words
Hanggang sa may narinig na itong sigawan ng mga tao,,, Nagmadali na itong lumabas ng bahay nila Consuelo at dali daling tumalon ng mataas sa mga puno,,, upang hindi na sya maabutan ng mga galit na kapitbahay nila Consuelo... Nalungkot ang lahat noong makita nilang nakahandusay ang asawa nito at ang manggagamot na si nana Sabel,,, anila, wala na raw natitirang manggagamot sa lugar nila,,, yung dalawang magagaling na mang gagamot ay sabay pang namaalam... At noong makita nila si Consuelo at ang bagong silang na anak na si Berting,,, ay agad nila itong inasikaso hanggang sa magkaroon na ng kamalayan itong si Consuelo,,, Simisigaw itong hinahanap ang kanyang asawa na hindi alam ang mga nangyari,,, nakita nyang nakapalibot ang mga kapitbahay nila sa kanya at may lungkot sa mga mata,,, tanong ng tanong itong si Consuelo kung nasaan ang kanyang asawa,,, ngunit noong nagsalita na ang isa sa mga ito,,, ay bigla na lamang tumulo ang kanyang luha,,, agad nitong niyakap ang bagong silang na sanggol... Galit na galit itong si Consuelo sa mga pangyayaring iyon,,, nanumpa itong ipaghihiganti ang ang nangyari sa kanyang asawa,,, Hanggang sa unti unti nang lumalaki si Berting at naging isang mabuting bata ito,,, Tinuturuan din sya ng kanyang ina ng mga kaalaman nito sa pang gagamot. Hanggang sa nag binata itong si Berting at nakilala nya ang isang babae na bumihag sa kanyang puso,,, si Rosita, Napaka gandang babae nito,, At ito ang unang beses na makikita sya ni Berting,,, tila bagong lipat sa kanilang lugar itong si Rosita na nakita nyang naglalaba sa isang batis.. Agad nya itong nilapitan,,, ngunit tila ba umiiwas ito sa kanya,,, hindi nya na ito nakausap noong agad itong umais sa batis,,, at nagmamadaling makauwi,,, Sinundan naman ito ng palihim ni Berting,,, nakitang pumasok sa isang kubo na malapit lamang rin sa batis na yon,,, tila bagong gawa lamang ang kubo na yon,,, Dahil nga sa nabighani sya sa kanyang nakitang dalaga,,, ay nagtungo sya sa bahay at inalam kung sino ang kasama nito.. Dito nga ay lumabas ang isang matandang lalaki,,, at kinausap si Berting... "Ano bang sadya mo dito iho" tanong ng matanda "Ahh... Magandang araw po lolo, itatanong ko lamang po sana,,, kung sino ba iyong babaeng nakita kong naglalaba sa may Batis,,, dito ko po kaso sya nakitang tumuloy." tugon naman ni Berting na may ngiti sa kanyang mga labi "Ahh .,, si Rosita, apo ko sya,, kami lang dalawa rito,,, tuloy ka iho, magkape ka muna" wika ng matanda Yung itsura ng matanda na ito,,, kulukubot na ang balat,,, puti na rin ang buhok nito,,, at yung mga kilos nya,,, ay tila ba normal lamang na kilos ng isang malakas na lalaki,,, ni hindi ito mabagal maglakad na katulad ng sa isang matanda,,, kung tatansyahin ang edad nito ay aabot na sa mahigit otsentay anyon,,, ngunit ang pagkikos nito ay parang nasa edad kwarenta pa lamang,,, sa madaling salita,,, malakas pa sya kung pagmamasdan.. Pagpasok ni Berting sa kubong iyon,,, nakita nya si Rosita na naghuhugas naman ng balanga,,, yun ang gamit nila upang magluto ng kanilang pagkain,,, Nginitian nya ito,,, ngunit tulad noong una,,, hindi ito gumanti ng ngiti,,, at tila umiiwas pa rin sa kanya... At nang ilang sandali pa,,, bumalik ang lolo ni Rosita,,, at may dala dala na itong pagkain,,, pinakain nya agad si Berting ng isang karne ng baboy ramo,,, Habang tinitikman ito ni Berting ay bakas sa mukha ng matanda ang ngiti na parang mayroong hindi magandang gagawin,,, Yung ngiti nya ay masyadong nakaka kilabot kung pagmamasdan,,, ngunit si Berting ay iniluwa ang karne na iyon,,, wala raw kasi itong lasa,, at hindi sya sanay sa mga pagkain na walang asin,,, tulad din ng bilin ng kanyang ina,,, wag kakain ng mga pagkaing bigay ng ibang tao,,, lalo na kung wala itong alat,,, Hindi naman talaga ito kakainin ni Berting,,, tinikman nya lamang ito kung mayroon ba itong asin,,, kaya naman parang nagalit ang lolo ni Rosita sa ipinakita ng binata sa kanya... Ngunit hindi pa ito natapos,,, nagpaalam itong muli na magtitimpla ng kape,,, siguradong ito hindi na tatangihan pa ni Berting,,, sapagkat isa lamang itong inumin,,, Ngunit noong nagtitimpla na ito ng kape,,, ay palihim na sinundan ito ni Berting,,, dito nga ay nakita nyang mayroong inilagay itong lolo ni Rosita,,, Ngunit dahan dahan syang bumalik sa kanyang upuan,,, at nagkunwaring walang nalalaman,,, Noong iniabot na nito ang kape sa kanya,,, Ay ibinuhos ito ni Berting sa matanda,,, naghuhumiyaw sa sakit ang matanda at nagmadaling humawak ng patalim,,, at tinangkang tagain itong Berting,,, mabilis namang nakatakbo si Berting palabas ng kubong iyon,,, Magdadapit hapon na noon,,, At napadpad si Berting sa isang masukal na lugar,,, hindi na sya pamilyar sa lugar na yon,,, sa pagmamadali nyang makalayo ay hindi nya na alam kung saan na sya nakarating... Hanggang sa sumapit na ang takipsilim,,, hindi parin mabagtas ni Berting ang daanan na pamilyar sa kaniya,,, Hanggang sa may nakita syang kubo,,, may ilaw ng sulo rito,,, at siguradong mayrong nakatira,,, dali dali syang kumatok doon at nakikiusap na sabihin sa kanya ang daan patungo sa kabayanan ng Sa Nicolas,,, Yun nga pala ang pangalan ng Bayan ni Berting,,, ngunit noong bumukas na ang pinto,,, laking gulat ni Berting nang makita nya ang isang lalaki na may hawak hawak na sibat,,, Nanlilisk ang mga mata nito at tila ba may nais gawin sa kanya,,, Unti unti itong lumalapit kay Berting at dahan dahan naman umaatras si Berting,,, sapagkat natatakot ito sa lalaki na nasa kanyang harapan,,, May kalakihan ang katawan at may kataasan rin ito,,, May mga nakasabit na tila ba medalyon sa kanyang leeg,,, at mga proselas sa kanyang mga braso... inilabas nito ang kutsilyong nakasabit sa kanyang baywang,,, At dahan dahang sinisipat si Berting,,, at muka sa kanyang kinatatayuan ay balak nitong ihagis ang kutsilyo at balak na tusukin si Berting,,, Nang biglang sumigaw ito" "DAPA! DUMAPA KA!" Ano kaya ang dahilan? bakit pinadadapa nito si Berting? At Sino ang lalaking iyon? Malalaman natin yan sa susunod na kabanata ng Lolo Berting Hangang dito po muna ang Unang kabanata,,, Sa susunod ay malalaman natin ang mga nangyari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD