Episode 3: West Continent

2089 Words
Nasa isang bubong ng isang gusali, di kalayuan sa nangyaring pag libing ni Warden ang dalawang nakasuot itim na babae. Nakatayo si Dami na nakatanaw sa nag iiyakang mga kaklase ng binata habang inaalon ang kanyang buhok ng malamig na hangin. Ang kasama niya'y nakaupo, nanonood sa seremonya ng paglilibing gamit ang telescope na dala. Inaalon rin ang buhok nito habang hinahayaang matuyo ang mga luha dala ng bugso ng damdamin. "Poor guy, cute pa naman sana.." Bulalas ni Amara at binaba ang telescope. "Hey, girl from the future.." puna niya sa katabing babae na seryosong nanonood ng burol. Ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilaang bulsa ng suot na blazer. "Dami.. Call me that way." Seryoso ani nito at tinignan si Amara. Ngumisi si Amara at tumayo na rin, parehong katanggad ang dalawa, pareho ring hubog ng katawan. Mas matanda ng tatlong pung taong pag-iisip si Dami dahil nanggaling ito sa hinaharap. "You let him die, don't you?" Sabi ni Amara, "Alam mo ang magiging consequence kapag ginulo mo ang tadhana, no one could change the future." Babala ni Amara. Siya ay isang metahuman, specialty niya ang pagbura ng isipan ng tao at mabasa ang nakaraang buhay nito. Hindi kumibo si Dami, mga ilang segundo bago ito nagsalita. "I'm very much aware, Amara. Hinayaan kong mabago ang kapalaran ng dalawa kung ang nakasalalay dito ay ang kaligtasan ng milyong buhay at ng mundo." Napangiti si Dami at tumalikod nang mapunang nagsisiuwian na ang mga bisita sa libing, oras na rin ng kanyang pag alis. Bumaba ito ng walang kahirap hirap habang si Amara naman ay nakasunod lamang sa kanya nang hindi bumababa sa itaas ng mga nakapaligid na gusali. Ang dalawang kamay nito ay nasa likuran habang nakanguso at nag iisip ng sasabihin. "Ibang klase ka, hindi ko akalain makikilala kita, Dami." Buong pusong sabi ni Amara na nakangiti, "I can only see ordinaries and metahuman's pasts, hindi ko talaga ma predict kung anong mangyayari sa hinaharap pero you're from the future..." Tumingin si Dami sa kanya at nagtaas ng kilay. Her mission is to save someone who could save the world, pero alam niyang hindi niya magagawa iyon na nag iisa lamang siya. Until she met Amara. "Your past will eventually be our future. By just reading it, I can tell how awful it will be for us.." Nabasag ang mga salita niya at bumaba, pumantay sa kinatatayuan ni Dami. Napalunok at malungkot na tumingin kay Dami. Naramdaman ni Dami ang pag aalala nito sa hinaharap ng mundo, marahil ay nakikita ng dalaga ang nangyari netong nakaraan sa mga alaala niya. Tinapik niya ng marahan ang balikat, sa ganoong paraan umaasa siyang maiibsan ang nararamdaman ni Amara. "Kaya sayo ako lumapit, I know I could trust you. You won't tell anybody about this." Confident na ani ni Dami.  Malugod na tinanggap ni Amara ang kundisyon nito, ang tulungan ito sa kanyang mission. Para sa mundo, para rin sa kanilang lahat. "Oo naman, bihasa ako sa pagtago ng sekreto, kahit ang ibang metahumans kagaya kong abilidad ay nahihirapang basahin ng nilalaman ng aking isip." magmamalaking sagot ni Amara. "Talaga lang ha," ngising ani ni Dami. Kumindat naman si Amara at tuluyan na silang lumakad palayo. Napahinto ang dalawa nang mapuna ang pag akyat ng buwan sa kalangitan. "You've altered someone's death to another's death. You didn't actually change it." biglang sabi ni Amara sa seryosong tono. Dami's capability as human is on another dimension. Marami itong alam na walang sinumang metahumans ang makakapantay. Ang tatakbuhin pa lang ng kasalukuyang metahumans ay natapos na niya, ang aalamin pa lang nila'y unti unti na niyang nalilimutan, dagdag pang bihasang kakayahan dahil nanggaling ito sa hinaharap. Hindi niya kailangan ang abiso ng kahi na nino man galing sa kanyang nakaraan. Marahan itong tumawa at ngumiti ng matamis kay Amara, kagaya ng ngiting binigay niya kay Shin nang harapin niya ito sa gitna ng ulan. "That's why I chose YOU to help me. Pero ikaw ang may utang na loob ka sa'kin." Ani ni Dami na may halong kaunting panunuya. "Mas katanggap tangap ang kamatayan ng simpleng nilalang kaysa sa iyo.." Napako sa kinatatayuan si Amara sa kanyang mga narinig. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Dami, "A-anong ibig mong sabihin?" Utal na tanong nito. Hindi sumagot si Dami dahil alam niyang alam na ni Amara ang ibig sabihin nito. 'Death is to death' Panuntulan ng kanyang mundo upang manatili itong balanse lalo na sa mga nagtatangkang baguhin ang kapalaran. Ilang segundo bago tuluyang na proseso sa utak ni Amara ang mga sinabi ni Dami. Siya sana ang pinaglalamayan ngayon hindi ang ordinaryong tao. Kaya unang lumapit si Dami sa kanya dahil alam nito ang magiging kapalaran niya. Isang paraan ni Dami upang mailigtas si Amara, isang metahuman na makakatulong sa kanya. Pero ang malaking katanungan sa isip ni Amara kung bakit ni isang pahiwatig ay wala siyang nabasa sa likod ng isipan ni Dami tungkol sa kanya. Paano nangyari iyon? ~*~ "Someone's manipulated what happened at magbabayad siya." Sabi ni Shin sa kanyang sarili isang gabi sa kanyang higaan. Ilang araw matapos ang burol ng kaibigan, hindi matanggap ni Shin ang nangyari at patuloy niyang sinisisi ang sarili dahil hindi niya ito na protektahan. Galit nama'y dahil duda siyang may ibang taong nasa likod nito, lalo na't isang malaking palaisipan kung bakit biglaan ang pagkawala ng kanyang mga alaala. Bakit hindi siya ang patayin? Ang kaibigan ay tagapakinig lamang... Ilang araw na rin siyang nagkukulong sa kwarto. Hindi makakain ng wasto at purong tubig na lang ang iniinom. Tuyong mga luha sa mukha at tulalang mata. Magulong buhok at magulong isipan. Tinaas niya ang kanyang tuhod at sinandal ang noo rito nang biglaang pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto. "Duda ko isang hapunang inihanda ko naman ang mapapanis." Lumapit ang kanyang lola Estrella na may dalang tray ng pagkain. Bitbit nito ang susi, dahilan kung bakit ito nakapasok. "Wag ka ng maghanda kung alam mong mapapanis." Sabi nito ng hindi gumagalaw sa posisyon. Naramdaman niya ang pag upo nito sa kama katabi niya. "Nagbabakasakali akong kainin mo." Bakas sa boses ng matanda ang pag aalala sa apo. "Shin, kung nabubuhay ang kaibigan mo hinding hindi niya gusto ang ginagawa mo ngayon." Hindi kumibo si Shin. Paulit ulit na linya, hindi ba siya nagsasawa kakapangaral? Sabi niya sa kanyang isipan. Tinapik ng matanda ang kanyang likuran. "Matalino ka, shin. Mabilis mong maunawaan ang pangyayari sa iyong isipan. Pero huwag mong hayaang lamunin ang talino mo ng iyong emosyon." Tinapon nito ang hawak na susi sa isang study table katabi ni Shin upang makuha ang atensyon nito. "Lumabas na kayo at magpahinga." sabi niya. "Matanda na ako Shin, sampong taon na lang siguro ang nalalabi ko rito sa mundo." patuloy ng matanda, hindi pinansin ang sinabi ni Shin. Umangat ang ulo ni Shin na nakakunot ang noo. "..Wala na akong magagawa, hinihintay ko na lang ang aking kamatayan." Nakangiting ani nito. "Ano bang sinasabi niyo?" Mas lalong lumapad ang ngiti ng matanda dahil sa pag aalala ng apo sa kanya. Sa wakas nakuha niya rin ang atensyon nito. "Ba't kailangan mo pang hintayin kung pwede namang mangyari ngayon din." Patuloy na sabi ni Shin. Nawala ang ngiti sa mga labi ng matanda dahil sa sinabi ng apo. Agad naman niya itong binatukan. "Gaya ng sabi ko, wag mong hayaan balutin ka ng emosyon lalo na't ambabastos ng lumalabas sa bibig mo pag nagagalit ka." Natahimik ang matanda at direkta ang mga mata nito sa binata nang hindi kumukurap "Punyeta ka," Patuloy ng matanda. Lumingon si Shin sa kabilang sulok at ngumisi. Ang tao talaga, kung sino pang magaling mag advice siya pa itong hindi na a-aaply sa sarili ang mga pinapayo sa iba. Ani Shin sa isipan. Saan ba siya nagmana? Walang iba kundi sa kanyang lola. "Habang buhay ka na lang bang magkukulong dito, bata?" 'bata' bata ang tawag ng kanyang lola kapag nagagalit ito. Pero hindi gaya niya, magaling itong humawak ng emosyon. "Sa tingin mo mabubuhay ang kaibigan mo pag patuloy kang ganyan? Sa tingin mo din ba magiging CWPO agent ka sa lagay na yan?" Mabilis na lumingon si Shin sa matanda at nanlaki ang mata sa narinig. Alam niyang hindi kagustuhan ng matanda ang magkaroon siya ng koneksyon sa mga metahumans. Kung masusunod ay gusto niyang manatili si Shin katulad nya, isang neutral na walang pakealam sa mga pangyayari. Dahil alam niyang takot ang matanda na maging kapareho ang kanyang sasapitin sa kanyang Amang namayapa. "Akala ko ba..." Bulalas ni Shin. Umiling ang matanda ang tinaas ang kilay. "Gawin mo kung ano ang dapat. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng iyong kaibigan." Hindi niya alam kung ano ang nakain ng matanda pero isa lang ang pumapasok sa isipan niya. Ang pagbibigay nito ng kalayaan sa kanya. "Kababata mo iyon, Shin. Hanapin mo kung sino may gawa non' Shin pero sa oras na mahanap mo, wag kang magtanim ng galit." Napayuko ang matanda ang huminga ng malalim, "Isang dahilan kung bakit namatay iyong Ama, buhat ng galit." pagaalalang payo ng lola sa kanya. Napayuko rin si Shin, hindi niya eksaktong alam kung bakit nagalit ang kanyang ama pero kilala niya itong hindi maglalabas ng galit kung walang tumulak sa kanyang upang magalit. At sa wakas, gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Shin, "Salamat lola!" Niyakap niya ang matanda. Isang magandang balita ito para sa kanya, ang kagustuhang maging isa sa mga CWPO ay hindi lamang upang makakuha siya ng prihibeliyo sa mundo kung hindi upang matupad ang pangarap ng kaibigan at hustisya para rito. "Ay, teka.." ani ng matanda at may inabot kay shin. Makapal na plastic na Card at may barcode na nakaukit ang binigay niya sa apo. Nagtatakang tinanggap ito ni Shin. "Sa papa mo yan, Erudite Card." sabi nito. "Para saan 'to, lola?" tanong niya. "Sa pagkakaalam ko, ginagamit yan ng papa mo noong nabubuhay pa siya tuwing pupunta siya kahit saang sulok ng West Continent." tumingala ang kanyang lola na parang may naisip. "Ahh, ang sabi niya'y free access for human to any establishment. Ikaw na bahalang umintindi pagnakarating ka roon." Nakangiting ani ng Matanda. Tumango si Shin 'free access', VIP passes.' Aniya sa isipan. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kapag nakarating siya sa kabilang kontinento. Pero inaasahan niyang malaking pagsubok ang haharapin niya kung mangangarap siya maging isang CWPO Agent o mas higit pa. Hustisya para sa kaibigan, at para sa lahat ng mga ordinaryong patuloy na nagpapaalipin sa makapangyarihan. Ilang araw ang lumipas, nakapaghanda sa bagong yugto ng kanyang buhay si Shin. Lumanghap ng hangin sa lugar na pinanggalingan dahil kahit na anong oras, ibang hangin na ang malalanghap niya. "Mag iingat ka!" Kaway ng matanda sa kanya bago siya tuluyang mapasok sa tren. Ang nag iisang transportasyon ng East Continent, upang makarating sa kontinento ng mga hindi ordinaryo... Ang west continent. ~*~ “Magiging CWPO din tayo balang araw nang hindi pumapasok sa Unibersidad na yan.” Narinig niya ang sariling boses sa kanyang panaginip. "Pero kailangan." tugon niya sarili. Napadilat siya dahil sa ingay gawa ng ummandar na tren. Inangat niya ang kanyang ulo upang tingnan ang nasa labas ng bintanang katabi niya. Umagaw ng kanyang atensyon ang naglalakihang gusali sa giliran ng dagat, may isang gusali pang abot ang ulap sa langit at naliliparang transportasyon. Pagkayuko niya'y namangha siya nang makita ang mga naglalakihang isdang lumalangoy sa ilalim ng tulay kung saang tumatakbo ang tren. Ganito ang pinagkait sa mga pangkaraniwang tao, nilagay sila sa isang lugar kung saang walang makikitang kagamitang ginagawa ng mga metahuman. Teknolohiya, modernong pasilidad, iba't ibang uri ng transportasyon. Bagamat gustong sisihin ang namayapang ama, kung hindi dahil sa kanyang mga imbento ay makakaranas siya at ng kanyang lola ng ganito. Naisip niya tuluyan ang kanyang lola, kung sana'y dinala niya ang matanda... "First time?" Sa isang iglap, nagsalita ang kaharap na stranghero. Nakasuot ito ng kayumangging tuxedo at kulay pulang kurbata. Hindi makita ang buong mukha dahil sa suot na sombrero at malaking sunglasses. Kapansin pansin naman ang pusyaw na kulay ng kanyang balat. Akala niya'y nag iisa siyang pasahero. Hindi niya napansin kanina'y dahil sa dyaryong binabasa na tumatakip sa buong mukha nito. "Uhper Vertanico," Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Saktong paglahad ng kamay nito ang paghinto ng tren hudyat ng kanilang pagdating. 'Never talk to stranger' naalala niya ang sinabi ng kanyang lola. Tinignan niya lang ang kamay nito, at umangat ang kanyang pagtingin sa stranghero at ngumisi. Tumayo siya at inayos ang bag na dala bago tuluyang bumaba ng tren. Naiwan naman ang stranghero sa upuan nito habang ang kamay niyang nakalutang pa rin sa ere. Nang maproseso sa isip ang hindi pagtanggap ng binata sa kanyang kamay ay agad niya itong binaba. Lumingon siya rito nang tuluyan ng makababa ng tren at ngumisi... "Welcome to hell, kiddo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD