Chapter Ten

1016 Words

Ayon sa napagtanungan ni Marian gawing dulo na ng lane ang dalawa. Medyo may kalayuan din ang nilakad niya. Nakita niyang namamahinga ang dalawa sa ilalim ng isang malaking punong-kahoy. May mga batang kasama pa ang dalawa. "O, nakita ko si Kuya Tray a. Ba't 'di mo kasama?" salubong sa kanya ni Catherine. "Andoon sa kubo, kasama iyong childhood sweetheart niya," kaswal niyang sagot. Mahinang natawa si Pia kaya sinamaan niya ito nang tingin. "Sino? Si Aliyah?" tanong muli ni Catherine. Tinanguan lang niya ito saka bumaling sa mga bata. "Hi!" bati niya sa mga ito. "Hello po, Ma'am," sabay-sabay na sagot nila. Tinanong niya ang mga pangalan ng mga ito at nagpakilala naman sila isa-isa. Iyong payat ngunit matangkad na lalaki ay si Jeric. Grade 3 pa lamang ito ngunit 13 years old na. Humin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD