CHAPTER 08

1466 Words
What have I done? Masaya akong naglalakad papasok ng eskwelahan. Paano ba naman kasi akong hindi sasaya eh napakasarap ng panaginip ko. Nag date na naman daw kasi kami ni Dj tapos ang daming marshmallows na opuffs at ice cream. Waaaaah! Maaga din akong nagising at kumain kaya, eto ako maaga ding nakapasok yehey! Saka isa pa, gusto kong abangan si Chelsea dahil hanggang ngayon ay nag-aalala parin ako sa kaniya dahil sa nangyari kahapon. "Good morning beshy!" Bigla namang sumulpot si Chelsea sa kung saan. Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa gulat. Aatakihen ata ako dahil sa babaeng ito. Pero infairness mukhang maganda din ang gising niya dahil totoong masaya ang mga ngiting lumalabas sa kaniyang mga labi. "Nagulat ba kita beshy ko? Hahaha," tanong niya. Ay wow! Sino ba naman kasing hindi magugulat doon? Saka hindi ba obvious sa facial reaction ko? Hmp. "Ay hindi beshy ahm obvious naman siguro sa mukha ko 'di ba?" sarkastiko ko namang tanong sa kaniya pabalik. Napatawa naman ito at saka ako pinisil sa pisngi. "Nangigigil ako sa iyo beshy grrr," Saad niya habang nakapisil pa rin sa pisngi ko. Ang sakit ha! Lukutin ko rin kaya iyang pisngi mo beshy para naman ma-exercise. "So, ano bang nangyari sa iyo kahapon ha Chelsea Chung? Hindi ka man lang nagsabi sa akin ayon tuloy nag-alala talaga ako sa iyo." Pag-aalala ko. Nakita ko naman ang bahagya nitong pagyuko at saka ako tinignan. "Sorry na po mama," natatawang paghingi niya ng pasensya. "Anong mama ka r'yan! Gusto mo bang kurutin kita sa singit babae ka? Iniiba mo pa ang usapan ha." Sermon ko. "Hehe, sorry na nga po. Bigla kasi sumakit ulo at puson ko siguro dahil na rin sa may dalaw ako kaya hindi na ako nakapag paalam at nagpasundo na agad ako sa driver namin. Sorry pooo." At tila ginaya pa nito ang eksenang kung saan humingi ng tawad si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla sa teleseryeng Got To Believe. Nakuuu alam talaga nitong babaitang ito ang makakapag palambot sa cute heart ko hahaha. "Sige na nga, sorry accepted na basta huwag mo na uulitin ha. Akala ko pa naman kung ano na nangyari sa iyo." Saka siya tinapik sa balikat. Napangiti naman ito dahil sa ginawa ko. "Oh tara na beshy, pasok na tayo. Mukhang ang aga natin ngayon ah! Bestfriend goals yieee," tila bata niyang saad. Ang cute talaga nitong babaeng ito, oo. Sana all po cute. Masaya kaming naglalakad ni Chelsea dito sa building at papunta na kami sa first sub namin. Konti pa lang ang estudyanteng nakikita namin dahil siguro maaga pa. Hays... Don't touch us we're so maaga today HAHAHA first time is real. Maya-maya ay may nahagip ang aking mga mata sa isang sulok. "Huh? Si Ethan ba iyon? Bakit mag-isa siya?" tanong ko sa aking sarili. Mukhang malalim ang iniisip nito at may lungkot sa kaniyang mga mata. Broken hearted ba ito? Ang Campus crush na ito broken hearted? Aish! Napaka imposible dahil siya mukhang siya pa ang nang h-heartbreak. Tinitigan ko pa ito lalo at tila nahawa ako sa kalungkutan niya. Ano ka ba Alex! So what kung mukhang may problema siya? Bakit kaba nag-aalala? Hindi naman kayo close. Isa pa, okay na iyan para hindi niya maharap na bwesiten ako para naman kahit papaano ay may peace of mind at good mood ako buong mag hapon sa eskwelahang ito. Nagukat naman ako at napaiwas ng tingin ng bigla siyang tumingin sa direksyon namin ni Chelsea. Nagkasalubong ang tingin namin at napaka seryoso niya. Ayan na naman parang tigre na namang gusto akong kainin. Umiwas ako at nagkunwaring hindi ko siya nakita. Baka, pag-initan niya pa ako kung sakaling makipag titigan pa ako lalo. "Nga pala beshy, bakit ang aga mo din ngayon ha?" tanong ko kay Chelsea para mawala ang kabang nararamdaman ko at mabilis na naglakad papalayo sa tingin ni Ethan. "Kasi syempre gusto kitang abangan dahil sa nangyari kahapon, pambawi hehe." Sabay kamot nito sa kaniyang ulo. "May kuto ka ba Chel? Joke hahaha." sabay tawa ko. "Nga pala beshy, di ba dapat kahapon ako pupunta sa bahay niyo para naman makita ko kung saan ka nakatira at para makita ko si tita kung hindi lang ako biglang umuwi?" tanong niya. "Oo nga eh, sayang. Sinundo pa naman ako ni mama kahapon at hinahanap ka dahil nabanggit ko sa kaniyang bibisita ka sa bahay," sabi ko. "Sayang talaga, kung h-hindi lang sumakit puson ko hehez." sabay kamot ulit niya sa kaniyang ulo. Aba! May kuto ata talaga si beshy. Kamot ng kamot. Halata sa kaniya na nahihiya siya dahil hindi siya nakapunta kahapon sa bahay kaya nginitian ko nalang siya para ipahiwatig na okay lang iyon dahil mas mahalaga naman ang kalusugan niya. "Saka beshy, marami pa namang next time. Sabi ko nga sa iyo di ba na hindi na kami lilipat kaya don't you worry 'coz I got you, baby." At saka ako humagalpak at kumindat dahilan para mapatawa rin siya. Nasa kalagitnaan kami ni Chelsea ng pagtawa ng may bastos na dumaan at binagga ako. Nawalan naman ako ng balanse at ng tutulungan na sana ako ni Chelsea tumayo ay tinanggihan ko ito at saka tumayo mag-isa at pinagpagan ang aking sarili. Sinamaan ko naman ng tingin ang naglalakad nang pang layo na uhuging unggoy na si Ethan. Oo tama kayo, si Ethan ang bumangga sa akin. Nakakainis! Pagkatapos ni Valerie pati siya rin? Bagay talaga sila. Hinabol ko ito at saka hinawakan ang kamay niya para hindi siya makalayo. Natigilan naman siya dahil sa ginawa ko. "Ano bang problema mo? Bulag kaba o sadyang bastos ka lang?" Hinihingal kong kompronta dito. Ang aga-aga nag-iinit na naman ang dugo ko dahil sa lalaking ito. Magkaka-high blood ata ako sa bata kong ito dahil sa mokong na ito eh. "Kung problemado ka, huwag kami ang pagbuntungan mo dahil wala naman kaming ginagawang masama sa iyo!" inis na sigaw ko rito. "Oh ano naman? Tapos ka na ba? Nasabi mo na ba ang gusto mong sabihin?" sagot nito at saka tinignan ang kamay kong nakahawak na ngayon sa braso niya. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak dito at bahagyang yumuko. "Minsan kasi, huwag kang paharang harang sa daanan kung ayaw mo naman pa lang mabangga. Naiintindihan mo ba?" Nakakainis talaga! Naawa pa ako kanina sa kaniya dahil nakita kong malungkot siya pero ang sama talaga ng ugali niya. "Alam mo, hindi ko alam ha pero hindi kaba tinuruan ng magulang mong gumalang at rumespeto? Siguro, hindi ka mahal ng magulang mo kaya ganyan ugali mo. Pwede ka namang mag-excuse at hindi yung nambabangga ka nalang ng basta basta dahil hindi rin naman sa iyo itong daanan. Siguro kung ako lang magulang mo dinisiplina na kita ng bongga tch," Sunod-sunod kong saad. Bigla siyang natigilan sa mga sinabi ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng makita ang mukha niya. Ang tanga tanga mo talaga Alex! Mukhang sobrang below the belt na ata ng mga sinabi mo. Bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty dahil dito. "S-sor–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng itinaas niya ang kaniyang palad na nagsisimbulong tama na at biglang ang maamo niyang mukha kanina sa may sulok at naging tila dragong anumang oras ay magbubuga na ng apoy. "Maybe you're correct. Siguro nga hindi nila ako mahal kaya naging ganito ang ugali ko at nagrerebelde ako. Pero kapag inulit mo pa– kapag narinig ko pa ulit ang mga salitang iyan mula sa iyo o sa kahit sino pa. I can't promise that I can control my self sa maaari kong magawa. No one know me well and what can I do." Naglakad na ito ng palayo habang ako ay nakatingin lang sa kaniyang likuran at hinihintay mag sink in sa utak ko ang lahat ng pangyayari. Siguro nga, sumombra ako. Pinalo ko naman ang matabil kong bibig at tinapik ang noo ko. Hindi ako sanay na may nasaktan akong tao sa salita man o pisikal dahil lang sa hindi ko na-control ang emosyon ko. Hindi kasi tumalab yung pag pitik ko ng goma sa sarili ko kanina sa sobrang inis. Hays. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon, puno ng galit at lungkot ang mga mata niya. Hindi ko inaakalang makikita ko ang ganoong side niya dahil akala ko palagi lang siyang mang-iinis dahil bored at trip niya. Lumingon naman ako sa likuran at nakita si Chelsea na naistatwa sa kaniyang kinatatayuan. Malungkot ko siyang tinignan habang siya'y hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. What have I done? Kailangan kong mag sorry kay Ethan. Yun lang ang tanging paraan. Madalas, kailangan ding babaan ang pride lalo na kung alam mo namang ikaw ang may kasalanan. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makabawi sa kaniya. Syempre yung bawi na mabuti at hindi masama saka kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD