Defensive Sa kabila ng stress na dumadaloy ngayon sa akin ay nagawa kong mapangiti ng makitang wala pa ang English Teacher namin. Yes! Thank you very very much! Akala ko mal-late na ako sa pagkakataong ito dahil sa pag-eksena na naman ni Valerie eh. Inayos ko na ang gamit ko at bigla akong napalingon-lingon ng mapagtantong wala pa pala dito si Chelsea. Shemay rice! Iniwan ko nga pala siya kanina kasama yung tatlong lalaki. Hala baka naman mamaya siy ang pag-initan ng Ethan na 'yon, huwag naman sana dahil kapag may ginawa yung unggoy na iyon sa best friend ko patitikim ko talaga siya ng suntok na gaya ng kay manny pacquiao at siguradong tulog iyong mokong na iyon. Hinalikan pa ng mabilis ni Alexis ang kaniyang kamao dahil sa iniisip. Isa pa, andoon naman si Harvey at Tristan ka for s

