Chapter 2

2077 Words
"Senyor, maniwala po kayo wala akong ginagawang masama," humihikbi na saad ng isang dalagita kay Fernandino. "Putang ina! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Lumayas ka!" Namumula na sa galit at tila sasabog naman si Fernan. "Papa! Ano bang nangyayari?" Bigla naman ang pagdating ng unica hija na si Guia. Suot ang manipis na bestidang puti na tila pantulog. "Senyorita, wala po akong ninanakaw!" saad muli ng babaeng katiwala. "Ninakaw mo ang ibinigay kong alahas kay Sandra. Paanong walang ninanakaw?" May gigil ang tono ng pananalita ng Senyor. "Sandali, nakasisiguro ka ba, Papa na siya nga ang kumuha ng alahas ng magaling mong kirida?" sarkastikong tanong ni Guia. "Guia!" suway ng kan'yang ama dahil sa tabas ng pananalita nito. "Bakit hindi mo tanungin ang magaling kong madrasta?" Sabay lingon nito sa madrastang hindi na maipinta ang mukha. Muhing-muhi na nakatitig sa kan'ya suot-suot ang bestidang kulay pula. "Sandra, ano ang sinasabi ni Guia?" tanong ng ama ni Guia. Lunok lamang ang isinagot ni Sandra. Ang tinutukoy na alahas ay ang k'wintas na Ruby. Simbolo bilang isang pangalawang asawa. "Ayoko ng Ruby, Fernan. Hindi ako pangalawa lamang," nanggigilid ang mga luha ng madrasta. "Tsk! Ni hindi pa nga kayo kasal," singit ni Guia. "Sandra, nasaan ang k'wintas? Kung ayaw mo ng ganoon, I'll fix it for you. Ipapagawa kita ng bagong Emerald." Pumalakpak ang tainga ni Sandra habang tinubuan naman ng sungay si Guia. "Hibang ka na talaga, Papa. Wala na akong masabi!" Padabog itong umalis sa harapan nila at nagtungo sa kusina. Wala na siyang kahit anong amor sa ama simula nang mabaliw sa lintek na kabit. "Bwiset!" sigaw nito. "You really love to cuss," dinig nito sa likuran. Nilingon kung kanino nanggagaling ang boses at hindi siya nagkamali, ito lang naman si Fabian, ang kan'yang ninong na nakadek'watrong-upo mismo sa tapat ng mesa at nagbabasa ng diyaryo. Hindi ito pinansin ng dalaga, sa halip ay binuksan ang refrigerator at kumuha ng gatas. Binuksan niya ito at biglang tinungga, nabigla siya nang matapon ang ilang patak sa manipis niyang puting bestida. "Tsk!" asik niya nang matapon ito sa mismong dibdib niya na wala namang pang suporta kun'di ang manipis na tela lamang. Bilang nabuhay ang dalawang korona nito nang mabasa ng gatas. Inilapag niya ang hawak na gatas at lumingon para kumuha ng malinis na tela upang patuyuin. Hindi na sana niya ginawa ang paglingon at nagsisisi siya dahil bumungad si Fabian na napaangat ng tingin mismo sa kan'ya nang ganoon ang kalagayan. Natigil ang kanilang mundo Kitang-kita ang paglunok ng binata nang dumapo ang mga mata sa bumabakat na mga korona ni Guia. Nang bumalik sa ulirat ang dalaga, kaagad niyang tinakpan ng dalawang braso ang mga ito at niyakap ang sarili. "What are you looking at?" malditang tanong sa kan'yang Ninong. "Damn!" pabulong na mura ni Fabian at umiwas ng tingin. Hindi nakatagal, iniwan ang iniinom na kape sa mesa at umalis nang walang lingon-lingon. Hindi naman magkamayaw ang puso ni Guia. Napasandal na lamang ito sa pader at sinapo ang noo atsaka ipinikit ang mga mata. GUIA: Kailan ba aalis ang Fabian na iyan? Kung hindi dahil sa kasalang magaganap sa papa at kay Sandra hindi siya mananaliti rito. I hate him. Hindi ako kumportable sa kan'ya. Hindi ko maiwasan ang pagkagat ng sariling mga labi. Napalunok ako at hinawakan ang leeg na pakiramdam ko ay masusunog na sa sobrang init. Kailangan ko nang maligo, hindi maganda ito. Hindi talaga maganda. Kinuha ko ang tela at itinakip sa aking mga dibdib. Umakto akong normal. Wala naman talagang problema, pero bakit ako nagkakaganito? Hindi ko ito naranasan kailanman. Ang mailang mismo sa lalaki. Pumanhik ako papunta sa aking kuwarto. Nawalan ako ng ganang kumain. Bigla na lang kasing bumaliktad ang sikmura ko. Iyon bang hindi sa masamang paraan, para bang bumaliktad sa kilig na hindi malaman at ayoko ng ganitong pakiramdam. Nilinis ko ang sarili nang maayos. Hindi na ako sumabay ng umagahan sa kanila dahil alam ko na ang mangyayare. Mabubuwiset lamang ako kay Sandra at malulunod na naman sa mga tingin ng Fabian na iyan. Matapos ang pagligo ko ay kaagad na nagpatuyo ng buhok. Inayos ang sarili, nagsuot ng itim na t-shirt at maong na shorts. Hindi na muna ako lalabas ngayong araw. Wala akong gana at mas gugustuhin ko na lang lunurin ang sarili sa malambot na kama. Ilang oras pa ang lumipas. Alam ko na ang mangyayari at tumama nga ang hinala ko. Kumatok ang isa sa mga kasambahay namin para tawagin na ako sa tanghalian. Hindi kasi ako sumabay ng umaga kaya alam na alam ko na ipapatawag ako ng papa. "Senyorita?" "Bababa na ako," Ayoko nang pahabain ang usapan. Hindi ako sanay. Wala akong gana. Umalis na ito at doon pa lang ako bumangon. Naglakad na papalabas ng k'warto. Tahimik lang akong lumabas hanggang sa may nakita akong babae na lumabas mismo sa kuwarto kung saan ang silid ng Ninong. Napakunot ang noo ko. Napatingin sa akin ang babae na naka-uniporme pa na pangkatulong. Maiksi ang palda ng uniporme kaya naman, napataas ang kilay ko. Pawis na pawis ito na parang nanggaling sa pagtatalik. "Ano'ng ginagawa mo riyan?" inis na tanong ko. Napayuko ang bagong katulong sa akin na tantiya ko'y mas matanda ng ilang taon. "Uhm.." Hindi makasagot ang katulong. Inobserbahan ko ito nang mabuti. Napalapit ako ng ilang hakbang nang biglang bumukas ang silid at sunod naman na iniluwa ang Ninong. Kagagaling pa lang nito sa pagligo at walang saplot sa pang-itaas. Pinupunasan niya nang maliit na tuwalya ang buhok nang madatnan kami sa ganoong eksena. "Kaya naman pala..." pataray na sabi ko. Buwiset na lalaking 'to at may gana pang gawing parausan ang mga katulong dito. "Hoy, babae! You're fired!" pataray ko na saad. Bigla naman ang pagkaputla nito at naiyak sa sinabi ko. Ang magaling na Ninong ko naman ay nagulat at nakatitig lang sa akin. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila. "Senyorita..." "H'wag kang magsasalita kung ayaw mong kalbuhin kita!" Hindi ko na muli hinarap ang mga ito matapos kong bitawan ang mga katagang iyon. Bumaba akong nakasimangot at nagtungo sa hapagkainan. Tahimik lang na kumakain si Sandra at wala naman ang papa. Tsk! This b***h again! "Nawalan na ako ng gana." I rolled my eyes. Hindi na muna ako kakain dahil sa babaeng ito. "Kumain ka, Guia. H'wag mong hintayin na kaladkarin kita rito." Pumitik sa pandinig ko ang binitawang salita ng magaling na babaeng ito. Lumingon ako nang walang anumang makikitang emosiyon sa aking mga mata. Nagkatitigan kami hanggang sa siya na ang unang sumuko at napadako sa iba ang paningin. Hindi naman pala uubra. Tiningnan lang akala mo parang asong ulol. Umalis ang papa dahil sa pamamalakad nito sa pabrika. Ganoon naman ang nangyayari kadalasan dahil marami kaming sariling negosiyo. Habang ang magaling na si Sandra, heto, walang ginawa kun'di ang mag-inarte sa hacienda. Umakyat ako dahil sa pagkabuwiset. Maghanap na kaya ako ng trabaho? Tutal ilang buwan na lang at ga-graduate na ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko hanggang sa maabutan ko ang ninong sa salas ng pangalawang palapag. Nanonood lang s'ya ng TV at nagkrus pa ang mga mata naming dalawa. Ano'ng ginagawa niya? Seryoso lamang niya akong pinapanood maglakad habang umiinom ng alak. Tsk! Kay aga-aga alak agad. Nakakasira talaga ng araw ang mga tao rito. Hindi ko ito pinansin at pumasok sa k'warto ko atsaka padabog na sinarado.  KINABUKASAN ay araw ng klase. Kasalukuyan akong naghahanda ng aking uniporme. Nakatingin sa malaking salamin at isinuot ang head band. Naglagay din ako ng kaunting lipstick para hindi ako namumutlang tingnan. Paglabas ko ng kwarto'y nakita ko ang isa sa mga katulong namin, kahalikan lang naman ang ninong habang nakasandal sa tapat ng kuwarto nito. Napakuyom ang mga kamao ko. Ayokong makita sila sa ganoong eksena. Hindi ko alam pero makakagawa ako ng kasalanan dahil dito. "Get a room!" sigaw ko nang malakas na parehas nilang ikinatigil. Nag-igting ang panga ko habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa babaeng maganda, bata at maiksi ang kasuotan. "You!" duro ko rito. "You're fired!" Nagulat sila sa sinabi ko. Alam ko na, pangalawang beses na ito pero wala akong pakialam. Nabubuwiset talaga ako kapag ganito ang nasasaksihan. "Senyorita... huwag po," "Wala kang karapatang magsalita," walang emosiyong sambit ko atsaka tumalikod. Napahagulgol na ito ng iyak at wala na akong pakialam. Kailangan nilang sumunod sa akin dahil alam nila kung gaano ako ka-demonyo. Walang katao-tao sa hacienda dahil sabado ngayon pero may saturday class ako. Nasa pabrika ang papa at alam ko na isinama nito ang magaling niyang kabit. Pababa na sana ako ng hagdan nang hagipin ng kung sino ang braso ko atsaka mabilisang ipinasok sa loob ng silid. "What are you doing? Ilang katulong na ang pinalayas mo!" It's Ninong Fabian. May kataasan ang boses nito at hindi ko na iyon nagustuhan. "Ang hanap namin katulong, hindi prostitute," walang galang na saad ko. Wala na akong pakialam kung mabansagan akong pinakabastos ng taon. And besides, mas bata siya sa papa ng ilang taon. Treinta y tres ang papa samantalang vientesiete lang ang edad niya. Napatingin siya sa ibang direksyon at napahilamos ng mukha. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o ano. Wala, ang hirap niyang basahin. Nagkrus ang dalawang braso ko habang nakataas ang kilay. Gustong marinig ang paliwanag niya na kung bakit halos lahat na yata ng bagong katulong ay sinisiping niya. Oo, sinisiping. Nagtatalik. Na dapat ay ang mga mag asawa lang ang gumagawa. Apat na araw na ang inilagi niya rito at sa tatlong gabing iyon ay palagi kong naririnig ang bawat ungol na nanggagaling sa kan'yang silid. Sa sobrang kapal nga ng mukha, pati sa umaga at tanghali ay ginagawa na rin niyang gabi. "Kaya ba pinalayas mo ang lahat ng baguhang mga katulong? What's your problem, Guia?" kunot-noo niyang tanong. "Wala, ayoko lang ng makati rito. Kaya ikaw, kung gusto mong magpakamot maghanap ka sa labas, hindi rito!" "What?" takang tanong niya. "Tsk." At napangisi na ito, tinitigan ako nang malalim. Ang tingin na ginawa niya noon. Ito na naman ang mga titig na mahirap iwasan. "Tell me, are you jealous?" tanong nito. Nag-init ang magkabilang mukha ko dahil sa hindi ako handa sa tanong niya. Ano bang iniisip niya? Hinawakan niya ako nang marahas. Napapikit ako sa sakit nang itulak n'ya ako sa pader saka hinawakan ang panga ko. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata sa takot. Anong ginagawa n'ya?! Kumabog nang husto ang puso ko. Natatakot ako sa mga susunod n'yang gagawin. Lumingon ako sa ibang direksyon ngunit marahas niyang hinawakan ang magkabilang pisnge ko gamit lamang ang malaking kamay nito. "Ano ba!" Nagpumiglas ako pero malakas ito. Itinapat sa gawi niya ang mukha ko para magpantay ang mga tingin naming dalawa. Sinamaan ko na ito ng tingin kahit na ang totoo'y natatakot na ako. Bakit niya ginagawa sa akin ang mga bagay na ito? Tinitigan lang niya ako habang humihinga nang malalim... malalim na para bang nahihirapan. Dumako ang kan'yang tingin sa aking mga labi na nakaawang. Nanlalamig ang mga palad ko sa takot. Napakagat ako sa ibabang labi at napapikit nang mariin. "Dammit!" pabulong na sigaw niya nang gawin ko iyon. Ramdam ko pa rin ang haras nang pagkakahawak nito nang bigla niyang hawakan ang buhok ko at pasabunot na hinila pababa para tumingala ako. "Bitiwan mo ako!" Sinikap kong maging matapang ngunit tinanggal n'ya ang isang piraso ng butones ko at lumantad ang aking balat. Matapos no'n ay idinikit niya ang mga labi sa 'king leeg. Narinig ko ang sunod-sunod nitong paghinga nang malalim at ramdam na ramdam ko mismo ang init ng hangin. "Bitiwan mo ako!" Takot na takot ako nang maramdaman ang labi n'ya sa 'king leeg. At hindi nagtagal ay naramdaman kong lumandas ang mainit n'yang dila sa 'king balat. Hindi ko napigilan ang sarili sa takot at pumatak ang butil ng aking mga luha. At dahil doon ay tumigil siya sa kanyang ginagawa hanggang sa binitawan ako. "Higit diyan ang aabutin mo sa akin kapag nakialam ka pa!" Napatulala ako nang bitiwan niya ang mga katagang iyon. Hindi na niya ako nilingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Napahawak naman ako sa 'king dibdib. Ramdam na ramdam ang pagtambol ng puso. Ngayon lang nangyari sa akin ang bagay na ito buong buhay ko, at siya pa ang kauna-unahang lalaking nangahas sa 'kin. Napaluhod ako at ibinuhos ang maraming luha. Walanghiya siya. Ano'ng karapatan niyang gawin sa akin ang ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD