Bea
The moment Kreige got our tickets, Khalid's eyes flickered with so much excitement. Halos hatakin niya kami ni Kreige patungo sa entrance ng carnival sa sobrang tuwa niya sa mga nakikitang rides.
"Fastew na!" Khalid said. Sa katitingin sa amin habang hinahatak kami ay nabunggo pa siya ng isang binatilyong hindi tinitingnan ang daanan.
"Hey!" Kreige shouted that startled the teenage boy before he lifted Khalid.
"Kreige, huwag mo nang patulan," suway ko saka na sila niyaya ni Khalid na magtungo sa rides.
"Bobo, hindi tumitingin sa daanan. Paano kung natapakan niya 'to?" inis niyang sabi habang hatak-hatak ko palayo sa binata.
"Kreige. . . "
He sighed. "Fine. I'm shutting up now."
Umiling-iling na lamang ako habang bumubuntonghininga. Hindi pa niya alam na anak niya si Khalid ngunit ganito na siya ka-protective. Paano pa kung malaman niya na ang totoo? Diyos ko, baka nanuntok ang isang ito!
"What do you wanna ride first?" I heard Kreige asked Khalid. Tumingin-tingin si Khalid sa paligid saka niya itinuro ang horror train. Nang makita kong tila namutla si Kreige saka lumunok ay napakunot ako ng noo.
"Uh, you know what? We should ride the ponies. Mas bagay ka ro'n kasi maliit ka," pangungumbinsi niya sa bata saka ito pwersahang idinala sa carousel.
Nakasimangot tuloy si Khalid at parang bored na bored habang nakasakay sa pekeng kabayo.
"Come on, Khalid. This is so fun!" ani Kreige.
I pursed my lips and shook my head. Nang matapos ang oras namin sa carousel ay muling itinuro ni Khalid ang horror train ngunit kaagad na dinala ni Kreige ang bata sa ferris wheel. Nakasimangot na naman tuloy si Khalid sa buong ride habang ang magaling ang tatay, panay ang ngisi habang sinasabing masaya ang pagsakay sa ferris wheel.
I stared at Kreige the whole time. Nang mapansin kong parang totoo ang tuwa niyang makasakay sa pambatang rides ay hindi ko naiwasan ang magtanong nang makababa kami mula sa panlima naming rides.
"First time mo?" I asked while Khalid is sitting on his shoulders.
Tumingin siya sa akin saka tila nahihiyang sumagot. "Uh, yeah. We never got the chance to go to places like this when we were kids."
"Why? You have the money to do so."
He sighed and looked away. "Our family was a mess back then. Dad was grieving because he thought kuya and Mama died. Our Mom never really cared for us. Walang magdadala sa amin sa mga ganitong lugar."
Tila kinurot ang aking puso. "I'm sorry for my insensitive question."
He flashed a small smile, and by the look on his face, I knew it was genuine.
"Nah, it's fine. We may have had a rough childhood but somehow, our past made us who we are now. I get to live in this moment with you and Khalid because this is my first time. Somehow, my lack of ability to visit places like this when I was young, made me appreciate this night."
Ibinaba niya si Khalid at hinayaan ang batang hawakan ang aming mga kamay. Para kaming buong pamilya kung titingnan, at hindi ko maiwasang maging maligaya para kay Khalid dahil doon.
"Where do you wanna go next?" Kreige asked.
When Khalid pointed the horror train again, Kreige let out a heavy sigh before he turned to me, seeking my help.
"Kayo na lang ang sumakay," aniya. Nahihiya.
"Takot ka sa horror train?"
"A horror movie called Shutter traumatized me when I was seven. I swear to myself I'd never watch horror nor try haunted houses or trains since then."
Nagpigil ako ng ngisi. "Maybe it's time to overcome that fear you have. Come on. Kasama mo naman kami."
He sighed. "Nah. You guys go. I'll just wait for you to finish the ride."
Hindi ko na pinilit. Nang makasakay kami sa horror train ay kinandong ko si Khalid, ngunit dahil bakante ang aking tabi, may lalakeng umokupa roon.
Wala lang naman sana iyon sa akin, ngunit bago nakapagsimula ang ride ay ganoon na lang ang gulat ko nang lumapit si Kreige sa aming pwesto saka tila nagseselos niyang sinabihan ang lalakeng katabi namin ni Khalid.
"Pre, sa kabila ka na umupo. Baka matakot mag-ina ko kaya sasakay ako."
As if the guy got scared of Kreige's expression, he immediately went out and tried to find another seat. Nanatili naman ang titig ko kay Kreige, ang puso ay nagwawala dahil sa sinabi niyang "mag-ina ko".
Does he know? Hindi naman, 'di ba?
"Bakit mo sinabi 'yon?" tanong ko sa halatang ninenerbyos na si Kreige.
"Para umalis."
Oh, thank God.
"Akala ko takot ka?"
Umusog siya sa akin at inagaw si Khalid. May balak pa yatang gawing human shield ang bata!
"Basta," aniya.
Nang magsimulang umandar ang tren ay muntik ko pang mapalo ang bibig niya nang hindi niya napigilang magmura dala ng sobrang takot.
"Sorry naman. Takot nga 'di ba?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa rason niya. Hindi ko na lang din pinansin at nag-focus ako sa ride. I know those inside the fake cave were just people dressed in scary costume so it didn't really scare me, ngunit ang magaling na si Kreige, sigaw nang sigaw sa tuwing lalapitan ng nananakot. He was even hiding his face on Khalid's shoulder!
I sighed and shook my head. "Kreige, naka-costume lang 'yan."
Hindi niya ako pinakinggan. He kept screaming inside the fake cave, and when someone approached him, Kreige did something that stopped the ride's operation.
"Bakit mo sinuntok?!" asik ko.
"He's goddamn scary, alright! I panicked! I'm a goddamn MMA fighter. My reflexes kicked in and the next thing I knew, nakabulagta na," depensa niya saka nilingon ang lalakeng sinuntok niya. "It's his fault. He scared the s**t out of me."
"He works at a horror train for Christ's sake, Kreige! It's his job to scare people like you! God!"
Nakasimangot siyang umiwas ng tingin. "Fine. Sorry, alright?"
I sighed. Nahimasmasan din ako at naalalang may phobia nga pala siya sa horror movies kaya nakunsensya rin ako. Oo nga naman. Mahirap nga namang labanan ang phobia. Hindi ko lang talaga akalaing sasapak siya ng crew.
I ended up talking to the management about what happened. Pinagbayad na lang kami ng danyos at sinabihang banned na si Kreige sa lugar kaya wala kaming choice kun'di ang umalis. Dahil halatang masama ang loob nila ni Khalid, niyaya ko na lamang sila sa sea side para roon ubusin ang oras namin.
Nang makabili kami ng ice cream at nakaupo sa harang ng sea side ay dama ko ang pagtitig ni Kreige. Halatang hiyang-hiya pa rin siya sa nangyari kaya nang magtama ang aming tingin ay tinapik ko siya sa balikat.
"Don't get yourself into trouble. Kapag palagi kang may demanda, palagi mo rin akong makakasama, sige ka," I joked.
He smirked. Mayamaya ay hinaplos niya ang buhok ni Khalid saka siya nagsalita.
"Thanks for having my back earlier. Sorry I ruined our night."
Tumitig ako sa kanya't payak na ngumiti. "Still, we had a great night. That's what matters."
Tinuwid niya ang kanyang likod. "So uhm, paano 'yan? Tapos na kaso ko. Will you. . . busy yourself with other people's cases?"
"Of course. Why?"
Umiwas siya ng tingin saka umiling. "Wala." He licked his lips. "Kapag may kaso na naman ako, pupunta ulit kayo ni Khalid sa bahay?"
My brows furrowed as I smirked. "Why? May kaso ka na naman bang paparating?"
"Wala pa." He smirked. "Baka bukas pa."
Pabiro ko na lamang inirapan. Mayamaya ay tumingin sa amin si Khalid saka itinuro ang pisngi.
"Tis? Mama tis?"
Walang pagdadalawang-isip akong yumuko para halikan si Khalid sa pisngi, ngunit biglang yumuko ang magaling kaya aksidenteng lumapat ang mga labi namin ni Kreige sa isa't isa. Sa gulat ko ay hindi kaagad ako nakakilos. Nagwala nang husto ang dibdib ko't nanlaki ang aking mga mata.
Nang mahimasmasan ay aatras na sana ako, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang hawakan ni Kreige ang aking batok saka niya ako hinalikan nang may kalaliman kaya pulang-pula ang aking mukha nang pakawalan niya ang aking mga labi.
Khalid giggled. Nakipag-apir pa sa magaling na ama kaya pinaningkitan ko ng mata si Kreige. The brute smirked, and when I heard what he said, my heart nearly broke my ribs.
"Uwi na tayo mayamaya, Khalid. Hahanap pa ako ng pwedeng magsampa ng kaso sa'kin. . . "