Nakapikit ang aking mga mata habang dinadama ko ang magandang ambiance kahit nasa loob kami ng sasakyan. Ilang segundo din ay dumilat ako. Nasa Buho na kami. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kanta pinapatugtog ni Flare sa stereo.
"And I... I hate to see your heartbreak..." Hindi ko mapigilang sabayan ang kanta.
"Are you a Paramore fan?" Bigla niyang tanong sa akin pero nasa highway ang kaniyang mga tingin.
Before I speak, I pressed my lips. "Hmm, yep! Why?" Sagot ko pero nanatiling nakadungaw sa labas thru window pane. Nasa Dasmariñas kami ngayon at papunta na kami ng Tagaytay.
"Hindi halata sa iyo na mahilig sa rock music." Sabi pa niya. "I wanted to hear your voice, soon."
I smirked. "Naku, baka mainlove ka sa boses ko kapag narinig mo akong kumanta." Wooh! Ang hangi ko po. Bwahaha. Di, joke lang. Sa totoo lang, gusto ko lang maging light lang ang conversation namin.
Rinig ko siyang tumawa. "Sige nga, kanta ka nga. Let's try carpool karaoke!" May halong excitement, lalo na't panghahamon nang sabihin niya iyon.
"Ay, seryoso ka sa panghahamon mo, ser? Aba, 'wag ganyanan. Joke lang naman 'yun. Mahilig ako sa music pero ang music ang ayaw sa akin." Dagdag ko pa ang jolly voice ko para maibsan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"Oh sige. May utang ka sa aking isang kanta ha?" Sabi niya na hindi mabura ang ngiti sa kaniyang mga labi kahit nakaside voice lang siya't medyo madilim. Gayunpaman, nasisilayan ko lang iyon dahil sa ilaw mula sa mga sasakyan na nakakasalubong namin. "By the way, why Batangas?"
Pinutol kong titigan siya. Muli akong dumungaw sa labas. "May bibisitahin ako." Ang tanging nasabi ko.
Totoo, may bibisitahin ako. Isa sa mga importanteng lugar kung saan ang mga alaala ni mama. Pareho naming paborito ang lugar na iyon. Ang ayos din ay hindi alam ni papa ang lugar kaya malayang malaya ako makapunta ngayon. At saka, busy siya masyado sa bruhilda niyang asawa ngayon! Mabigat ang loob ko sa babaeng iyon. Masyado siyang epal. Puna dito, puna doon. Sumbong dito, sumbong doon. At heto naman ang tatay ko, nagpapauto naman. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa babaeng iyon para maging ganyan siya.
"Sinong bibisitahin mo?" He asked again.
Ngumisi ako. "My favorite place."
"Favorite place?" Ulit pa niya.
"Yep. Bastaaa, makikita mo rin naman."
Nagkibit-balikat siya. "Alright, then."
After hundred years.
"Sigurado ka bang heto na 'yun?" Paninigurong tanong ni Flare habang binabagalan pa talaga niya ang kaniyang sasakyan.
"Oo naman. Basta yung puting bahay na iyon." Sabay turo ko sa may dulo. Kahit gabi ay natatanaw ko na ang white wooden bungalow house.
Hanggang sa tuluyang huminto ang sasakyan ni Flare sa tabi ng bahay. Nasa harap na namin ngayon ang dalampasigan. Pinatay niya ang makina. Napangiti ako dahil ang sumalubong sa amin ay ang tubog ng alon. Ahh! Namiss ko 'to!
"Tara!" Sabi ko sa kaniya sabay kalas ng seatbelt at lumabas na sa kaniyang sasakyan.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya nang sumunod siya sa akin pag-akyat ko sa batong hagdan.
Sa mga gilid ng hagdan ay may mga paso na may mga halaman. Cactus. Haha. Iyon kasi ang naisip ni mama na halaman na pwedeng ilagay dahil hindi daw nito masyado kailangan ng tubig para madiligan.
Nang nabuksan ko na ang main door ay nilakihan ko ang awang at kinapa ang pader para buhayin ang ilaw. Napangiti ako nang tumambad sa akin ang loob ng bahay. Humakbang ako papasok doon. Bigla ko naramdaman ang nakaraan. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi para mapigilan ang aking sarili na mapaluha. Humarap ako kay Flare na may ngiti sa aking mga labi. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagtataka sa nangyayari. Alam ko iyon. I extended my hands. "Welcome to my favorite place, Flare!" I said cheerfully.
Sinabi ko kay Flare na magpahinga na siya. Dahil may dalawang kuwarto na meron dito, sa kabila ko siya pinatulog. Para na din makapagpahinga siya. Sumang-ayon naman siya. Para akong natatawa na ewan nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng silid. Para ko siyang kinidnap… Ah, basta! Hahah.
I washed myself first and returned back to my room. Dinalo ko ang cabinet and thankful ako dahil narito pa ang mga damit ko, hindi ako mahihirapang makapagpalit ng damit. Pero ang problema ay bitin ito.
Biglang sumagi sa aking isipan si Flare. Good thing is may maluwag akong t-shirt dito. Pwede ko munang maipahiram sa kaniya.
Lumabas ako ng kuwarto saka kumatok sa kabila. Agad naman binuksa ni Flare ang pinto. Mabilis kong inabot sa kaniya ang damit. "Buti may ganyang damit pa ako. Gamitin mo muna. Sagot ko mga damit mo tomorrow, okay? Goodn--"
"Okay ka lang ba?" He suddenly asked.
Ngumuso ako. "Oo naman, bakit? May problema ba?" Ako naman ang nagtanong.
He shook his head. "Nothing, goodnight din." Then he close the door.
Nagkibit-balikat ako. Anong problema nun? Aba, may saltik ba ito?
Makatulog na nga lang.
I woke up early that morning. Dahil kailangan kong umalis sandali para mamalengke. Pero bago iyan, nakatanggap ako ng iilang text message at missed calls galing kay Naya. She looks worried and surprised na bigla kaming nawala ni Flare kagabi sa birthday party ni Russel.
I pouted and give responsed na kasama ko ngayon si Flare kagabi at mah pinuntahan kami. Hindi ko binanggit na kasama ko 'yun hanggang ngayon baka mawindang siya ng bonggang-bongga!
After that ay umalis na ako sa rest house. Sasamantalahin ko na habang tulog pa si Flare. He's my guest by he way. Syempre, kailangan maging homey ang bahay na ito para sa kaniya.
Gamit ko ang bisikleta habang papuntang palengke. Medyo malayo nga lang mula sa rest house. Dadaan pa ako ng highway pero syempre sa gilid lang ako dadaan para iwas-disgrasya.
"Good morning po, Mang Kiko!" Maligayang bati ko sa matandang lalaki na nagtitinda ng meat goods.
"Oh, naparito ka pala, Elene! Kailan ka nakabalik?" Tanong niya na hindi makapaniwala na nandirito na sa kaniyang harap.
Since I was a kid, madalas akong sinasama ni mama dito sa palengke. Noon ay palaging nasa ibang bansa o out of town si papa kaya naman kapag may pagkakataon ay dinadala ako ni mama sa Batangas. My mother is very outgoing. Kaya kilala si mama sa lugar na ito at iyon din ang isa sa mga ugali na namana ko sa kaniya. Ang maging friendly. Hehe.
"Kagabi lang po, Mang Kiko. Pabili po ng itlog, ham, bacon at kalahating kilo ng manok at baboy po." Sabi ko sabay pumili ako ng mga paninda niya pagkatapos ay inabot ko sa kaniya para timbangin ang mga iyon.
"Kasama mo ba ang mama mo sa pag-uwi dito?" Tanong niya. "Anong hiwa ang gagawin?"
"Pang-adobo po. Ah, hindi po… May kasama po ako." Maagap kong sagot.
I heard him chuckled. "Siguro nobyo mo." Biro pa niya.
Maski ako ay natawa. "Ay, hindi po. Kaibigan ko lang."
Pagkatapos kong mamalengke ay bumalik na ako sa rest house para makapagluto na ako. Hindi naman ako mahihirapang magdala ng mga pinamili dahil may basket sa harap ng bisikleta ko. Hindi mawala ang mg ngiti sa aking mga labi. I feel homed. Kahit na probinsya ito ay may peace of mind naman ako. Sarap mag-unwind.
Itinigil ko ang bisikleta sa gilid ng bahay. Nakita ko si Flare na nakaupo sa may terrace. Nahagip ako ng kaniyang paningin kaya agad siyang kumilos para puntahan ako. Ang akala ko pa naman ay tulog pa siya sa oras na babalik ako.
"Akala ko iniwan mo ako." Salubong niya sa akin. Dumapo ang mga tingin niya sa aking mga dala. "Let me help you."
"Ay, salamat. Hehe. Namalengke kasi ako. Hindi na kita ginising pa." Nakangiting sabi ko.
"Anong lulutuin mo?" He asked when we reached the kitchen.
Sumulyap ako sa kaniya. "Sunny-side-up and ham for breakfast. Magsasaing lang din muna ako. For lunch naman, chicken adobo." Sagot ko.
"Really? Can you cook?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Wala sa hitsura mo." Hindi ko matukoy kung biro ba iyon o sarkastisko ang pagkasabi niya pero wapakels ako.
"Oo naman. Kasangga ko lang ay ang sarili ko." Tipid akong ngumiti. Nilagay ko sa chiller ang manok at baboy. "Habang nagluluto ako, pwede ka munang magmuni-muni d'yan sa labas."
Bago siya ulit nagsalita ay may lumingon siya. "You have a guitar…"
Napatingin ako sa direksyon kung nasaan ang gitara. Hilaw akong ngumiti. Tulad ni Flare ay mahilig din ako kumanta pero ang pinagkaiba nga lang, ay hindi ko hilig iexposed o ipakita iyon. Nahihiya kasi ako.
"Can you play?" He asked.
"Hmm, m-medyo." Mahina kong sagot.
Ngumiti siya. "You are really something, Elene. Gustong gusto ko na talaga marinig singing voice mo."
"Eh, mahilig lang ako kumanta pero hindi ako magaling." I said shyly. "Sige na, lumabas ka na muna para naman maasikaso ko na ito."
"Alright." Wala na siyang choice kungdi lumabas.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang lumabas. Dala niya ang gitara. How I wished hindi pa sira ang instrumentong iyon.
Abala ako sa pagluluto ng breakfast ay naririnig ko ang tunog mula sa gitarang iyon. Mukhang inaayos ni Flare ang tono ng gitara ko. Kung sabagay, matagal na ring hindi nagagamit iyon. Sana ay okay pa ang mga strings nun.
The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah
But I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go I worry I won't see your face Light up again
Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind I somehow find You and I collide
Natigilan ako saglit. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon kung nasaan nakaupo si Flare. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong sandok. Nakatitig siya sa akin. Hawak niya ang gitara at patuloy na pinapatugtog iyon habang nakaupo sa isa sa mga upuan ng coffee table.
Sa mga titig niya… Biglang nagwala ang puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig! What the hell?!