Natapos ang konting salo-salo nila ay sinabihan ni Mrs.Sarmiento(ina ni Cyan) ang kanyang anak na may pag-uusapan sila at doon sila sa study room.Habang patungo roon ay tinatanong na niya ang kanyang ina kung ano ba ang pag uusapn nila.
Anak napag-usapn namin ng mga magulang ni Lavender na tuluyan na kayong ipagkasundo sa isa't-isa sakatunayan ay mga bata pa lang kayo ay naipagkasundo na namin kayo.Ano po ma!!! nagugulantang na bulalas ni Cyan.. Bakit di niyo sinabi ng maaga? Iho relax, di namin pinaalam sa isa man sa inyong dalawa dahil gusto pa din namn namin na malaya kayong makahanap ng magugustuhan at mamahalin.Ma sana kahit ako man lang sinabihan niyo nang may karapatan naman akong bakuran ang babaeng lihim kong minamahal kahit na magmukha akong defensive na kaibigan. Pasensya ka na iho...
Samantala bago paman ang graduation nila Cyan at
Lavender ay natuklasan ng dalaga na dindala niya sa kanyang sinapupunan ang bunga ng isang gabing pagpaparaya nila ng kaibigan.Hindi muna pinagtapat ni Lavender sa kaibigan dahil gusto niyang gawing graduation gift ito.
Ang tagal naman nina tita at Cyan mapuntahan nga at para masabi ko na rin ang sorpresa ko sa bestie ko.Narating ni Lavender ang studyroom at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naka awang ang pinto tama lang para marinig ng konti ang usapan sa loob.
NGUNIT.... (balik sa study room)
Anak anong plano mo sa fiance mo? Pakakasalan ko siya ma ora-mismo.Sa loob ng dalawang buwan kaylangang maikasal na kami.Nakakasiguro ka bang papayag ang fiance mo anak? Absolutely ma papayag .Okay iho pangako at sa loob ng dalawang buwan ay kasal na kayo at pakiusap namn bigyan niyo kami agad ng apo o mga apo gusto ko maraming apo Cyan nang magkabuhay at magkaingay namn itong mansyon natin.
Sa narinig na iyon ni Lavender ay agad siyang napahawak sa kanyang tiyan sorry baby ko mukhang imposibleng makilala at makasama natin ang tatay mo.
Luhaang umalis agad si lavender nang hindi tinatapos ang pakikinig.Inayos muna niya ang sarili baoo bumalik sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.
Sa pagpapatuloy ng pag-uusap nina Mrs.Sarmiento at Cyan ay pinagtapat din ng binata na minsan ng may nagyari sa kanila ni Lavender.Dahil sa naging abala din sila sa kanilang mga activities sa campus ay di pa nila napag-uusapang dalawa ang nangyari.Ano.....? anak naman Cyan Lawrence anong ginawa mong bata ka? Kaya nga po ma mas may dahilan akong agaran siyang pakasalan tandana na talaga ang gumawa ng paraan para maitali ko siya sa apelyido ko habang-buhay.
Tara na anak balikan na natin sila at nang mapag-usapan na natin ang inyong nalalapit na kasal.Pagbalik nang mag-ina sa sala ng kanilang bahay ay tanging ang kanyabg ama na lang kay nanilang naabutan.Pa nasaan na po sina tito,tita at lavender? Naku iho nakauwi na biglang sumama ang pakiramdam ni Lavender napagod yata sa buong araw niyong ganap sa inyong graduation.Bukas na lang natin sila kausapin anak gabi na at pagod din tayong lahat.Ano bang dapat mong sabihin sa kanila anak? Pa nasabi na kasi sakin ni mama na itutuloy niyo na daw po ang napagkasunduan niyong ipagkasundo kami ni Lavender.Hihingi din po kasi ako ng tawad dahil sa kalapastanganang nagawa ko kay Lavender.Salubong ang kilay ng ama ni Cyan.Anak wag kang magbiro ng ganyan di ka naming pinakaling tarantado.Totoo po pa may nangyari samin ni Lavender isang beses sa treehouse. Blaàaaag... sabay bagsak ni Cyan dahil sa suntok ng kanyang ama.. Bukas na bukas mamamanhikan tayo sa pamilya ni Lavender.
Sa bahay ng dalaga ay kasalukuyang kinakausap ni Lavender ang mga magulang tungkol sa kagustuhan niyang mag-aral sa Bali.Doon niya gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa iba't-ibang scents ng mga bulaklak upang gawing perfume. Hindi muna niya pinaalam sa kanyang mga magulang ang kalagayan na dindala niya ang anak nila ng kaibigan dahil natitiyak niya na hindi papayag ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama malamang ay baka ipakasal pa sila ng biglaan ni Cyan.Hindi niya pwedebg sabihin dahil rinig na rinig niyang may fiance na ito sa dalawang buwan lang ay ikakasal na sila.Saka na muna niya pag-iisipan kung paano ipagtatapat kay Cyan na may anak sila kapag handa na siya at may napatunayan na sa sarili.
ANG HINDI ALAM NI LAVENDER NA ANG NARINIG NIYANG FIANCE NI CYAN AT SIYA AY IISA..