Pagkapark niya ng kanyang sasakyan ay binuhat niya ako hanggang makapasok kami. Hindi niya ako hinayaang maglakad dahil linalamig na daw ako ng sobra. Naghanda siya agad ng pampaligo ko dahil ang lamig ko na daw. Habang tinitimpla niya iyong pampaligo ko ay yinakap ko siya mula sa likod at naluha na lang bigla. "Sweetie are you crying?" Hinarap niya ako at sinapo ang mukha ko. "Hey...ssshhh tahan na. Wag ka ng umiyak." Umiling lang ako "No, I’m sorry Aeros. Dapat hindi ako lumabas ng hindi nagpapa-alam. Alam mo sobra akong kinakabahan dahil akala ko hindi na ako makaka-uwi. Pasensiya na at pinag-alala kita." Sabi ko na umiiyak "No worries, sweetie. No need to apologize. Though, for a second there akala ko nakidnap ka na. Sa susunod na lang kung gusto mong mamasyal gisingin mo ako kahit

