Busy si Jethro na nagdidisseminate ng impormasyon tungkol sa pagseset-up kay Quinzel. “I already called Kysler again and it’s the same. Wala pa rin silang mahanap na leads kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Kysler is planning to come here tomorrow.” “Do you think that it’s them?” tanong ko sakanya habang busy siyang nagtitipa sakanyang laptop. “I’m positive. Kung hindi sila, sino naman ang gagawa ng ganitong ka-risky na news? Unless may naka-away ka noon na hindi namin kilala.” I sighed. Parehas kaming naupo sa sofa ng mag-ring bigla ang cell phone ko. Number lang ang nakarehistro at mukhang number pa sa ibang bansa. Si Earl? No, that’s not possible kaaalis niya lang kanina. Tatanungin ko sana si Jethro pero busy siya sa kung ano mang ginagawa niya at nakakunot pa ang noo niya.

