BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 21 RANDALL Habang nakahiga sa malambot na kama si Randall, bumalik sa kanyang ala-ala ang babaeng na nasa loob ng simbahan. Hindi sana siya makikibig sa hinanakit ng dalagang ‘yon, ngunit naagaw na ng pansin ito. Hindi sila nakakilos dahil sa iyak ng babae, naghalo ang galit sa puso ng babae, takot at pag-iisa. Gusto niya itong lapitan ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. May naramdaman siyang awa para sa babaeng ‘yon. “Bakit hindi ko siya napansin, kung lumabas siya ng simbahan.” tanong sa isip nito. Nausal na lang siya sa kanyang sarili na “Sana ligtas siya saan man siya magpunta.” Napabuntong hininga ito ng maalala naman niya ang kakambal na si Rado. Naalala niyang bigla ang namagitan sa kanila noon. Kung paano nagkaroon sila ng galit sa isat-isa. H

