BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 24 MGA BATA Bawat Nanny sa TWIN and TWINS CHILDREN ay may dalawa hanggang tatlong batang inaalagaan tatlong taon at apat na taon. Iba ang mga nag-aalaga sa mga inabandonang sanggol sa mga hospital, ang mga nag-aalaga sa mga sanggol lamang ay may narses. At kapag sumapit na sa ika-tatlong taon hanggang apat o limang taon ay may mga sarili ng nanny o yaya. Kasama ng mga nanny sa kwarto ang mga alagang bata. Malaki at malawak ang TWIN and TWINS CHILDREN orphanage. May malaking kusina ito, may mga mahabang mesa. At may mga nakatoka sa kusina, may tagapagluto at may tagahugas ng mga plato. Maraming nagtatrabaho dito. Masayahin din ang mga ito. “Sabina, magpahinga ka muna, mamaya sasamahan kita sa opisina ni Ma’am Lulu.” wika ng babae. “Salamat, Cheche.” naka

