Chapter 2: Coleen Dela Peña

2058 Words
SA ISANG liblib na lugar sa Maynila, maingat ang bawat hakbang na ginagawa ni Coleen, pasado alas onse na ng gabi. Makailang ulit na rin siyang nagpalinga-linga sa kaniyang paligid, sinisiguro na walang sinumang tao ang nakasunod sa kanila ng kaniyang ina. Tanging ang kumukurap-kurap na ilaw lamang mula sa isang lumang poste ang siyang nagbibigay tanglaw sa madilim at tahimik na gabi. Hindi naman nagtagal ay narating nila ng kaniyang ina ang mismong eskinita kung saan niya ipinarada ang isang kulay pulang Honda Civic. Marahan niyang binuksan ang kanang pinto at saka maingat na pinapasok doon ang kaniyang ina na tila isang bata, sa kung paano ito kumilos. Isang sulyap pa ang ibinigay ni Coleen dito bago naglakad papunta sa mismong driver's seat. She buckled her seatbelt and glanced at her mom one last time, making sure everything's all set. "Pupuntahan ba natin ang anak kong si Coleen? Naku, bilisan natin! Mag-isa lang siya sa bahay," ani matanda na walang ibang tinutukoy kundi siya mismo. Malungkot siyang napangiti, "opo. Pupuntahan natin si Coleen kaya behave lang po kayo ha?" Hindi na sumagot pa ang matanda at sa halip ay inayos nito ang mga candy sa loob ng isang bag. Mababakas ang matinding pananabik sa ekspresyon nito ngunit tila mga patalim na unti-unting tumatarak sa kaniyang dibdib ang nasasaksihan. "Alam mo? Pareho kayo ng anak ko... maganda. Siguro kung maging dalaga na rin siya, kagaya mo? Paniguradong magkamukha kayo." Gusto niyang maluha sa tinuran ng ina ngunit upang pigilan iyon, minabuti niyang kagatin na lamang ang pang-ibabang labi at mag-iwas ng tingin. Pagkuwa'y binuhay na niya ang makina ng sasakyan. She fixed the clutch of the car then hit the road. The deafening silence crawled upon them as she's now driving to the Northern part of the country. Diretso lamang ang kaniyang tingin sa daan ngunit ang kaniyang kaisipan ay lumilipad na kung saan. She was only eight years old when her mom was diagnosed with dementia. Nasa lahi nila iyon kung tutuusin ngunit mapalad siya dahil hindi niya iyon nakuha. Mas lumala ang sakit ng kaniyang ina mula nang pumanaw ang kaniyang ama. She was only 11 years old at that time. Isang dahilan na rin kung bakit napilitan siyang tumigil ng pag-aaral. At simula nang araw na iyon ay siya na ang tumayong magulang sa sarili niyang ina. Nakakatawang isipin dahil sa isang iglap, tila nagkapalit sila ng katayuan nito. Siya itong minor de edad ngunit kailangan na niyang umakto na parang isang matanda habang ang kaniyang ina'y tila bumalik sa pagkabata. Hindi naging madali ang buhay para sa kanilang mag-ina. Sunud-sunod ang dumating na pagsubok kung kaya't maaga siyang namulat sa mapait na reyalidad ng buhay. At the age of sixteen, she was forced to enter a job which she never dreamed to get involved with... and that's to lure and scam rich people, without getting caught. Taong 2011, sa isang lumang warehouse, sa lungsod ng Maynila. Kasalukuyan niyang sinusundan ang isang lalaki na siyang nangako sa kaniyang bibigyan siya ng makakain para sa gabing iyon. "Sa'n mo ba ako dadalhin? Hindi naman mukhang tindahan ito ng pagkain—" "Basta! Sumunod ka na lang," anito na siyang nagpatahimik sa kaniya. Bakas man ang matinding pag-aalala sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyo'y minabuti niyang huwag magpahalata. Ilang sandali pa ang lumipas at tuluyan na nilang pinasok ang naturang warehouse. "Hoy, Elias! May ipapakilala ako sa inyo!" ani ng lalaking nagsama sa kaniya sa lugar na iyon. Mula sa isang mesa ay natigilan sa kani-kanilang tawanan ang mga kasamahan ng lalaki. Sabay-sabay silang nilingon ng mga ito. Nakapamulsa ang lalaking kaniyang sinusundan habang palapit sila sa mga kasamahan nito. Maingat niyang pinagmasdan ang bawat isa sa kanila. Kung susuriin mabuti ay hindi hamak na mas maayos ang mga pananamit ng mga ito, kumpara sa kaniya na nakasuot lamang ng kulay pulang hoodie jacket habang nababahiran iyon ng samu't saring mantsa. Marahang umayos ng upo ang isa pang lalaking ang pangalan ay Elias. Kung susuriing mabuti, tingin niya'y lider ito ng grupo. Isang ngisi ang gumuhit sa katamtamang kapal na labi nito nang mapadako ang tingin sa kaniya. Pahiklat siyang hinila ng estrangherong nagsama sa kaniya roon upang iharap sa kanilang lahat. Maingat niyang pinagmasdang muli ang kabuuan ng lugar. Sa isip niya'y kailangan niyang matandaan ang iilang bagay sa loob niyon, kung sakaling may mangyaring hindi maganda at makuha niyang makatakas. Kailangan niyang magawa iyon nang hindi nahahalata. Nasa isa silang warehouse ngunit kumpara sa mga nakikita niya noon sa telebisyon, masasabi niyang malinis iyon at maayos. May tatlong computer sa isang mahabang mesa, kung saan kasalukuyang nakaupo ang ilan sa miyembro ng grupo. Sa likod naman ng mga computer ay nakasabit ang dalawang malalaking flatscreen TV kung saan naka-flash ang tila biodata ng ilang mga tao. Sa kanang bahagi ng warehouse nama'y may dalawang tent. Kung ano man ang naroo'y hindi na niya nagawa pang alamin dahil sa malakas na paghampas sa mesa ng naturang lider. Tumayo ito mula sa mesa at bahagya siyang nilapitan. "Saan'g lupalop mo naman nahanap ang isang 'yan, Danger?" tukoy ng isa pang lalaki sa taong nagdala sa kaniya sa lugar na iyon. May kahabaan ang buhok nito na maihahalintulad sa ilang aktor na nakikita niya sa telebisyon. Kapansin-pansin din ang maliit na pilat sa bandang kilay nito. Prente itong nakaupo sa isang silya habang nakataas ang dalawang paa sa mesa. "Sa isang convenience store. Nahuli kong kumukuha ng ilang de lata kaya sinama ko na—" "Ano'ng pangalan mo, bata?" sabat naman ng isang dalaga na sa tingin niya'y ahead lamang ng ilang taon sa kaniya. Maganda ito at magaling din magdala ng damit. Marahil ay ito mismo ang humaharap sa kanilang mga kliyente kung tama man ang kaniyang iniisip sa linya ng trabaho ng mga ito. Nanatili siyang walang imik at seryosong tinapunan ng tingin ang mga ito. "Hoy, bata! Tinatanong ka kung ano'ng pangalan mo—" "Hindi ba't isang kilalang Congressman ang taong 'yon?" pag-iiba niya ng paksa. Ang kaniyang mga mata'y nakatuon na sa malaking flatscreen. Sabay-sabay na napalingon doon ang lahat at saka siya muling binalingan ng tingin. Mababakas ang pagkagulat sa mga mukha ng lahat ngunit hindi sa lider ng grupo. "Paano mo nalaman na isang Congressman ang taong 'yon?" tanong muli ng lalaking may pilat sa kilay. Nagkibit-balikat na lamang siya. Sa isip niya'y kahit naman sagutin niya ang katanungan ng mga ito'y wala naman magbabago sa problemang kinakaharap niya ngayon — at iyon ay makahanap ng makakain para sa kanilang mag-ina. "Sinasayang niyo lang ang oras niyo sa isang 'yan," wika ng isang lalaki na sa tingin niya'y hindi nalalayo sa kaniyang edad. Nakaupo ito sa isang sofa habang nakapatong sa hita nito ang isang laptop. Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket at pabilog na salamin na may makapal na frame. "What the hell are you talking about, Trevor? Basta-basta ka na lang nagsasalita riyan," ani babaeng nagtanong ng kaniyang pangalan kanina. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng aroganteng lalaking nagngangalang, Trevor. Saka ito bumaling ng tingin sa mga kasamahan. Inilapag nito ang ginagamit na laptop sa kaniyang tabi at mabilis na tumayo upang lumapit sa kanila. "Wala naman maitutulong ang isang 'to sa trabaho natin kaya mas mabuti pang ibalik niyo na lang siya sa magulang niya—" "Paano ka nakasisiguro na walang pakinabang ang isang tulad ko?" Agaran ang naging pagputol niya sa sinasabi ni Trevor. Katunaya'y nakuha pa niyang makipagtitigan dito at tanging isang nakalolokong sipol lamang mula sa lider ang bumasag sa namumuong tensyon. "Whoa, chill lang!" awat ni Elias na nakuha pang pumagitna sa kanilang dalawa ni Trevor. "Palibhasa, parehong minor de edad kaya iisa ang tabas ng dila." Sandali pa siyang nakipagtitigan kay Trevor bago siya nito muling tinalikuran. Hindi nagtagal ay isa-isa nang nag-alisan ang iba pang miyembro ng samahan. Ang ilan ay nagtungo sa loob ng tent habang ang iba nama'y itinuon ang atensyon sa tila plano na nakalatag sa mesa. "Ibalik mo na kung saan mo napulot ang batang 'yan, Danger. Mamayang alas otso ang lakad natin kaya mabuti pa, maghanda na kayo," ani Elias bago ito tuluyang tumalikod at naglakad palapit sa kinalulugaran ni Trevor. Nagsimulang mangatal ang buong katawan ni Coleen. Pakiramdam niya'y nag-aaksya na lamang siya ng oras sa lugar na iyon. Maaaring mababa lamang ang kaniyang natapos ngunit hindi naman siya mangmang para hindi maintindihan kung anong uri ng trabaho mayroon ang mga taong ito. "Pambihira naman ang mga 'to! Ayaw lang magdagdag ng isa pang palamunin e." Ilang mahihinang mura pa ang pinakawalan ni Danger bago siya nito muling hinila sa braso. "S-sandali lang!" pagpupumiglas niya na siyang ikinabigla ni Danger. Kumunot ang noo nito, "ano'ng problema mo? Tara na't may mahalaga kaming lakad mamaya—" "G-gusto kong sumali sa grupo niyo!" Mariin siyang napapikit dahil sa ideya na bigla na lamang pumasok sa kaniyang isipan. Isang desisyon na maaaring pagsisihan niya sa bandang huli ngunit siya rin magliligtas sa kanila ng kaniyang may sakit na ina mula sa matinding kahirapan. Muli siyang nagmulat ng kaniyang paningin dahil sa sabay-sabay na paghagalpak ng tawa nina Elias. Tila ba para sa kanila'y isang biro lamang ang kaniyang tinuran. Unti-unti niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao at matalim silang tiningnan. "Marami akong maitutulong sa grupo niyo! Susundin ko lahat ng ipapagawa niyo basta tulungan niyo lang ako na magkaroon ng sariling bahay at ipagamot ang nanay ko—" Natigilan siya sa kaniyang sinasabi nang pasugod siyang nilapitan ni Elias at mahigpit na sinakmal ang kuwelyo ng kaniyang damit. Puno ng pinaghalu-halong emosyon ang mga mata nito ngunit hindi siya nagpatinag. "Gago ka ba?! At sa tingin mo naman, may maitutulong ang isang batang tulad mo sa grupo namin?" Bakas ang pagkasarkastisko sa tono nito habang diretso pa rin itong nakatingin sa kaniya. Napuno ng nakabibinging katahimikan ang buong warehouse. Walang nais pumagitna sa kanilang dalawa dahil na rin sa takot na tablahin sila ng itinuturing nilang lider. Puno pa rin ng determinasyon ang kaniyang mga mata. Iniisip niyang maaaring iyon lang ang tanging solusyon upang mabago ang buhay nila ng kaniyang ina. "Bigyan niyo ako ng isang linggo para patunayan ang sarili ko," aniya. "Pagkatapos ng isang linggo at hindi kayo kuntento sa kakayahan ko, hindi niyo na ako makikita pa." Sabay-sabay na napatitig ang lahat sa isa't isa matapos ng kaniyang naging pahayag. Sa huli ay unti-unting nawala ang tensyon at muli siyang binalingan ng tingin ni Elias. "Sige, pumapayag ako. Pero sa isang kondisyon... oras na pumasok ka sa grupong ito, buhay mo ang kapalit kapag bigla kang kumalas." TILA rumaragasang agos ng tubig sa dagat ang mga alaala sa isipan ni Coleen. Mahigit siyam na taon na'ng nakalilipas mula nang pasukin niya ang madilim na mundo ng grupo nina Elias. Maaaring umpisa pa lamang ay aware na siya sa klase ng buhay na kaniyang papasukin ngunit sa mga oras na iyon ay naging mas matimbang ang pagnanais niyang baguhin ang kapalaran nilang mag-ina. She learned how to lure rich people using her charms which she learned from Claire. She acquired the knowledge on how to pick a target from Elias and Danger. Dealing with those targets were easy as pie, thanks to Kai. Natutunan niya rin kung paano mang-hack ng iba't ibang bank accounts at systems dahil kay Trevor. And most importantly, she learned how to change herself based on the client they're bound to con. Working as a con-artist for almost nine years became her bread and butter. Sa tinagal-tagal nila sa ganoong uri ng trabaho, hindi sila kailanman nagawang ipatugis ng kanilang mga nabibiktima dahil ang salaping pagmamay-ari ng mga ito'y galing din mismo sa ilegal na paraan. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang naging pahayag ni Elias ukol sa nakaambang katapusan niya kung pipiliin niyang kumalas sa grupo. Humugot siya ng malalim na hininga at saka marahang sinilip ang kaniyang ina na tila bigla na lamang tinakasan ng kulay sa mukha nito. Puno ng pagtataka niyang sinundan ng tingin ang direksyon kung saan diretsong nakatingin ang matanda at halos sumubsob silang dalawa dahil sa agaran niyang pag-preno. Madilim ang paligid ngunit ang unti-unting paglakas ng kabog sa kaniyang dibdib ay malinaw na indikasyong maaaring katapusan na niya. "Kanina ka pa namin hinihintay..." nakangising bati ni Elias nang makalapit ito sa mismong bintana ng kaniyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD