"Bilisan mo namang kumilos jan, Roseanne." Iritang saad ng kaibigan ko sa akin.
Bumuntong hininga ako habang nag-aayos ng mga gamit ko nakakailanganin ko sa pagpasok ko. Buti na lang at wala akong duty ngayon dahil kung meron ay mabibigatan na naman ako sa dadalhin kong gamit. Pinagmamasdan ako ng kaibigan ko habang nag-aayos ng gamit kanina pa siya nakatayo jan sa pintuan ng kwarto at kanina pa siya tapos mag bihis at maghanda ng gamit niya. Hinihintay na lang niya ako napakainipin pa naman nitong babaeng ito. Siya si Samantha kaibigan ko at kasama sa condong tinitirhan ko.
Hindi na yata kami naghiwalay nitong babaeng ito. Simula ng magkakilala kami ng kinder eh magkasama na kami lagi at hanggang ngayong college na kami ay magkasama pa rin. Nasa iisang university kaming dalawa anim kaming magkakaibigan kaso nasa ibang university ang apat. Kung saan sila nag-aaral.
Inis kong binalingan ng tingin ang kaibigan ko. Bakit niya ba ako pinagmamadali? May date ba siya? O may kikitain sa university namin? May hindi ba siya sinasabi sa akin?
"Bakit ba nagmamadali ka jan? May date ka ba? Ang aga aga pa minamadali mo ako sa ginagawa ko mamaya niyan eh may makalimutan akong ilagay sa backpack ko." Iritang saad ko dito.
Tumayo siya ng tuwid at inayos ang backpack niyang nakasakbit na sa kaniyang likuran at may hawak hawak na project niya.
"Bahala ka jan. Kailangan ko pang ipasa itong ginawa kong project na plates ngayong umaga," saad niya sabay talikod hudyat na iiwan na niya talaga ako.
Natatarantang dinampot ko ang backpack ko at suklay para ayusin ang buhok ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa pala naaayos simula ng ayusin ko ang gamit ko.
"Kinakabahan ka 'no?" Tanong ni Samantha ng maabutan ko siyang pasakay na ng elevator. Para pumuntang parking lot. Iyon kasi ang service namin pagpasok sa araw araw sa aming university.
Nakangiti akong umiling sa kaniya bilang sagot. Pero ang totoo ay sobrang kinakabahan ako. Nalalapit na kasi ang pagseseminar sa amin at exam. At ang alam ko ay mahigpit at istrikto ang mga magseseminar sa amin. Kaunting mali mo lang ay pagsasabihan ka na o pagagalitan. At maaari rin mawala ang scholar ko kapag hindi ko na ipasa ang kursong kinuha ko. Isa akong scholarship sa pinapasukan kong university. At kinakabahan akong mawala ang pagkascholar ko.
"Tss huwag ka ng magdeny pa. Alam ko kung kailan ka kinakabahan at kung kailan hindi." Umiiling niyang saad sa akin. Ngumiti na lamang ako sa kaniya.
Nasa second year college na kaming dalawa at ganun din ang apat kong kaibigan kaso iba iba nga lang ang kursong kinuha naming anim. At mahigit 4 years and 4 months na akong nag-aaral dito sa Little Star University. At ang masasabi ko lang ay napakahirap.
Napakahirap maging isang college student dahil kinakailangan mong makisama sa mga iba't ibang kaklase mo sa bawat subject na meron ka. At kailangan mo ring makisama sa mga professor na iba-iba rin kada subject. Hindi ko nga alam kong paano ako nakakasurvive sa sitwasyon kong ito.
Mabuti na lang at sa mga ibang subject ko ay kaklase ko ang mga ibang naging kaklase ko noon. Kaya kapag may hindi ako naiintindihan masyado ay nagpapatulong ako sa mga ito. Hindi naman kasi ako matalino na kagaya ng iba, noh. Hindi rin naman ako bobo na kagaya ng iba. Charot lang! Slight lang naman akong matalino at slight lang din naman akong bobo. Hehe. Basta alam mo yun. Yung parang sakto lang talaga ang IQ mo para maintindihan ang mga lesson.
"Ahh oo nga pala pagkatapos ng klase mo ng hapon wala ka naman ng klase diba non? At duty?" Tanong bigla ng kaibigan ko ng makarating kami sa aming university. "At wala na rin akong masyadong gagawin nitong hapon na ito. Kaya pwede na akong uminom o kaya ay gumala," dagdag nito.
Natigilan ako sa sinabi niya at dahan dahan ko siyang nilingon ng marinig ko ang pinakamahiwaga sa aking pandinig.
"Inom? Gala? Saan naman?" Tanong ko dito.
"Sa paboritong bar nila Ellaine at Kierra. Sa Pop Star Park." Nagsalubong agad ang kilay ko ng sabihin niya kung saang bar mag-iinom. Bakit naman doon? Wala na bang ibang pwedeng pag-inuman namin? Ang mamahal kaya ng alak doon. Tss iba na talaga kapag big time. Napakagastusera talaga ng dalawang babaeng iyon kahit kailan. Basta pagdating sa inuman si Ellaine at Kierra ang sponsor namin jan.
Sila kasi ang medyo galanti sa aming anim. Afford nila ang alak na mamahalin na gusto nilang tikman o inumin. Hindi ko naman maitatangging masarap nga naman kapag mahal ang alak at masarap rin uminom kaso nga lang masama ang epekto nito sa kalusugan kapag nasobrahan ka kakinom.
"Bakit naman doon? Wala na bang iba? Ang layo at ang mamahal ng alak doon, ah." Iritang saad ko.
"Ewan ko sa dalawa nating kaibigan. Ang sabi nila sa akin ay mas maganda daw doon dahil maraming gwapo at marami din daw pwedeng landiin doon. At saka ilang araw na din tayong hindi nag-iinuman na magkakasamang magkakaibigan, noh. At ilang araw na din akong hindi nadidiligan, noh. Hindi naman masama kung humarot ako kahit papaano." Malanding saad niya sa akin.
Napailing ako at inikot ko ang paningin ko dahil sa sinabi niya at sa paraan ng pagsasalita niya. Aminado din naman akong malandi pero slight lang. Hindi yung kagaya sa mga kaibigan kong inaraw araw yata.
Napailing ako at inikot ko ang paningin ko dahil sa sinabi niya at sa paraan ng pagsasalita niya. Aminado din naman akong malandi pero slight lang. Hindi yung kagaya sa mga kaibigan kong inaraw araw yata.
"Atsaka huwag ka na magreklamo jan dahil sagot na nilang dalawa ang gastos, noh. Pinairal mo na naman ang pagkakuripot mong babae ka." Singhal niya sa akin.
Kuripot agad? Hindi ba pwedeng nagtitipid lang ako? Hindi kaya ako kagaya nilang kasing yaman o may kaya ang pamilya sa buhay. Nasa gitna lang naman ako ng mayaman at sobrang hirap. Yes! Ako talaga ang pinaka kuripot sa aming anim. Hindi ko naman itatanggi. Dahil totoo naman. Hindi na ako nagsalita dahil talo lang ako sa kaniya kapag nagtalo pa kami.
Nang makapasok na kami ng gate ng university ay naghiwalay na kaming dalawa ni Ashley magkahiwalay kami ng building. Architecture kasi ang kurso niya at ako naman ay medisina kaya naman magkaiba talaga kami ng building.
Dumating ang hapon at tapos na ang klase ko. Nakakapagod ang ganitong araw araw ang ginagawa. Pero masaya naman dahil kahit nakakapagod at nakakastress sa mga subject ay nag-eenjoy ako. Dumertso ako sa canteen namin para bumili ng paborito kong ice cream na cookies n cream. Pagkatapos ay pumunta ako sa tambayan ko kung saan maaari akong makalanghap ng sariwang hangin ang aming garden. Doon ako madalas pumunta o tumambay.
"Tapos na klase mo?" Tanong ng isang nilalang hindi ko na ito liningon dahil alam ko naman na ang aking kaibigan lang ito. Alam niya kung saan ako madalas dito sa aming university. Kaya madali lang niya akong mahanap kapag hindi niya ako nakita sa aming building. Dito ako malimit tumambay sa garden.
"Hmmm," tanging sagot ko dito habang patuloy sa pagkain ng sorbetes ko.
"Kamusta araw? Nakakapagod maging architect student," saad ni Samantha sabay buntong hininga. Sino ba ang hindi nakakaramdam ng pagod kapag college? At stress? Lahat naman siguro ay nararamdaman ng mga college student iyon.
"Ano sa palagay mo?" Masungit kong tanong. Ayaw ko kasi sa lahat yung guguluhin ako habang kumakain ako ng pagkain.
"Ang sungit mo, ah. Moody? Meron ka 'no? Parang nagtatanong lang, eh." Mataray niyang saad sakin. Siya ang pinaka close ko sa aming magkakaibigan. Madalas ganito ang tratuhan namin pero magkasundo kami.
"Tara na, susunduin pa natin sila Aaliyah at Franchesca sa university nila. Baka matraffic tayo kung magtatagal pa tayo dito," saad niya. Nangunot ang noo ko. Wala ba silang sasakyan? Ang alam ko bawat kaibigan ko may kaniya kaniyang sasakyan, eh. Ako lang ang wala. Eh! Bakit naman magpapasundo pa sila?
"Bakit? Bakit natin sila susunduin? Edi mapapalayo pa tayo niyan. Sayang gas, noh. Napaka gastusera niyo talagang lima. Matuto nga kayong magtipid kahit minsan man lang. Sayang ang mga perang pinaghihirapan nila tita at tito. Jusko po!" Stres na stress kong saad dito kay Samantha pero tinawanan lang niya ako hanggang sa makasakay kami ng sasakyan niya.
Sa pagkakaalam ko ako ang bunso sa aming magkakaibigan pero kung makapagsalita ako eh daig pa na ako ang nanay nila o nakakatandang kapatid. Hindi pinansin ni Samantha ang mga sermon ko sa kaniya hanggang sa masundo namin ang dalawa naming kaibigan nasa iisang university din sila. Magkasama sila doong dalawa.
"Hoy! Ano ba nakikinig ba kayo, ha?" Singhal ko sa dalawa kong kaibigan.
"Ano ba naman yan, Roseanne. Baka pwedeng itikom mo ang bibig mo. Nakakarindi na kasi, yan." Singhal pabalik sa akin ni Aaliyah.
"Oo nga, Roseanne. Ang sakit sa tainga yang marinig yang boses. Baka naman pwedeng tumahimik ka kahit papaano. Kung ano ang kinaingay mo yun naman ang kinatahimik mo kapag may ipapakilala kaming lalandiin mo." Singhal din sa akin ni Franchesca. Grabe hindi talaga ako mananalo sa mga kaibigan ko.
"Hindi talaga sayo bagay na maging doktora in the future. Alam mo kung ano? Bagay sayong maging abogado masyado kang madada, eh." Natatawang saad ni Samantha. Sige pagtulungan niyo ako. Napairap na lang ako.
"Hoy kayong dalawa balita ko may hinaharot kayo doon sa university niyo. Ano kamusta? Heaven ba?" Tanong ko dito sa dalawa si Aaliyah at Franchesca.
"Eh, ano pa nga ba, Roseanne. Natural heaven nadiligan pechay ko, eh." Taas noong saad sa akin ni Aaliyah. Tss. Ano pa nga ba aasahan ko dito sa babaeng ito. Napapailing saad ko sa isip ko. Lumingon ako kay Franchesca ng hindi ito sumagot sa tanong ko.
"Hahaha huwag mo ng tanungin yan, Roseanne. Naghost siya ng hinaharot niya." Natatawang saad ni Rebecca kaya natawa ako ng malakas ganon din si Samantha. Di nga? Si Franchesca na ghost? Parang napaka impossible naman yata yun?
"Ayyy weh! Totoo ba? Hahaha" Tawa ko sa harap ng Khloe. Hindi ako makapaniwala na ghost siya. Parang ito yata ang unang beses na maghost siya ng hinaharot niya.
"Nang-aasar ka ba?" Inis na tanong sa akin ni Franchesca kaya napatigil ako sa tawa ko ng pagkalakas lakas. Pati sila Samantha ay napatigil sa nakakatawa. Eh kasi naman hindi ako makapaniwala na naghost siya. "Tss mamaya ka sa akin kapag lasing ka. Hahanapan kita ng haharutin mo mamaya. Ang lakas pa naman ng loob mo kapag lasing ka. Ang balita ko kay Ellaine eh doon madalas ang mga taga Saint Mary Heart University," saad niyang nakangisi sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya.
"Ayyy ayaw ko ng taga SMHU. Mayayaman ang mga iyon ayaw ko ng mga mamayaman. Kapag kasi mga mayayaman manloloko ang mga yan." Tanggi ko aagad. Tinignan niya ako ng may ekspresyon na gulat at pagtataka.
May mga iba pang alak na inorder sila Fritz at Ellaine hindi ko alam kung anong klaseng alak ang mga binili nila ang tanging alam ko lang sa mga binili ay yung San Mig Light at Gin Bar. Hindi naman kasi ako manginginom kaya hindi ko alam ang pangalan ng ibang alak na nasa lamesa namin ngayon. Nagkwekwentuhan na sila tungkol sa lalaki. Sa mga lalaking naharot nila o yung natitipuhan nila sa university na pinapasukan naming anim.
"Hoy! Franchesca sabi mo may pogi kang hinaharot. Binibida mo nga iyon sa gc natin. Ano na? Magkwento ka naman kung anong nangyari sa inyo ng pogi na sinasabi mo sa amin sa group chat." Biglang saad ni Ellaine kaya nabuga ko ang iniinom kong alak sabay tawa ng malakas. Ganon din ang ginawa ni Samantha at Aaliyah tumawa kami ng malakas. Kaya naman tinignan kami nila Kierra at Ellaine na nagtataka. Hindi pa nga pala nila alam ang nangyari kay Franchesca.
"Bakit tumatawa kayo? May nakakatawa ba sa tinanong ko?" Nagtatakang tanong sa amin ni Ellaine. Kaya lalo kaming natawa ng malakas. Wala kaming paki kung tinitignan na kami ng ibang taong malapit sa amin dahil sa lakas naming tumawa.
Hindi pa sana kami titigil kung hindi kami tinignan ni Franchesca ng masama na akala mo ay papatay ng tao. Iniba na lang namin ang topic dahil mukhang ayaw ipaalam ni Franchesca kala Ellaine ang nangyari sa kaniya. Nag patuloy pa rin kami sa pagkukwentuhan.
"Ayy oo nga pala Roseanne Margaret. Diba wala ka namang manliligaw? O nagugustuhan ngayon." Tanong sa akin bigla ni Kierra. Umiling ako bilang sagot habang hindi nakatingin sa kaniya dahil nagsasalin ako ng alak sa baso ko.
"May irereto ako." Kaya napatingin ako dito at ganon din sila Samantha.
Hindi ako nagsalita at hinihintay ang susunod niya pang sasabihin. "Para naman maranasan mong madiligan. Tingin ka sa may bandang kanan natin."
Napairap ako sa sinasabi niya. Okey na sana, eh. Pero sumunod pa rin ako sa sinabi ni Kierra. Pagkatingin ko sa tinuturo ay ay nakita kong isang grupo ang nakaupo sa may bandang kanan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampu silang lahat na lalaki. Magkakaibigan din yatang katulad namin o magkakaklase lang yata sila. Hindi ako sure.
"Sino dyan ang irereto mo kay Roseanne? Para makilatis natin kung magaling sa kama o hindi." Natatawang tanong ni Samantha. Napapailing na lang ako sa sinasabi nila. Mga kaibigan ko ba talaga sila? Bakit parang ako lang ang normal sa aming anim. Mga walang filter ang mga bibig nila. Jusko po!
"Yung pogi na kulay itim ang suot," sagot ni Kierra sa tanong ni Samantha. Kaya naman hinanap ng mata ko ang sinabi ni Kierra. Pero nangunot ang aking noo ng mapagtantong lahat sila ay naka itim.
"Eh, lahat naman sila nakaitim, tanga." Singhal at sabay batok sa kaniya ni Franchesca.
"Tss.. Pwede ba patapusin niyo muna kasi ako.. Nakasuot siya ng sumbrero na itim." Inis na dagdag ni Kierra.
Pasimple akong sumulyap sa sinabi niya at nang makita ko ang sinasabi ni Kierra. Tama siya pogi nga pero ang mas kaagaw ng pansin ko ang kakadating lang na lalaki. Tinitignan ko siya ng maigi habang umiinom ng alak sa baso ko.
Nakasalamin ito na itim at may pagka messy hair ang ayos ng buhok nito na bagay na bagay sa postura niya. Nakasuot siya ng long sleeve na itim at pants na itim rin. Simple lang ang pananamit niya pero nakaka agaw ng pansin.
May relo din itong suot na itim mahilig siguro siya itim na kulay o di kaya ay paborito niya itong kukay. Hanggang sa suot niyang sapatos ay kulay itim rin. Gusto ko sanang tumawa ng malakas e. Para kasi siyang dadalo ng burol. Puro itim.
Napailing na lang ako sa naisip ko at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasang lumingon ulit sa lalaking tinitignan ko kanina. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya at hindi ko maiwasan mapasulyap dito.
Pero natigilan ako ng may grupo ng babaeng kakarating lang ang lumapit dito. Tumayo ang lalaking kanina ko pa tinitignan para alalayin ang isang babaeng umupo sa inuupuan niya kanina.
Napaiwas ako ng tingin at napasimangot. Ano ba yan! May girlfriend pa yata siya. s**t! Sayang! Napapikit ako sa aking naiisip. Ano bang nangyayari sa akin?
"Hoy! Roseanne ayos ka lang? Bakit ang sama naman yata ang tingin mo sa kabilang lamesa na tinuro ko sayo ng grupo ng mga lalaki?" Tanong ni Kierra sa akin sabay batok ng mahina. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nakangunot ang aking noo at salubong ang kilay ko. Nagtataka ako sa aking expression sa aking mukha.
"Ha? Hindi, ah." Pagtanggi ko.
Hanggang sa naubos na ang inunim namin ay uwuwi na kami dahil umalis na si Kierra at Ellaine na taga libre namin ng alak. Wala ng bibili ng alak kaya umuwi na lang din kaming apat. Kinabukasan ay ang aga kong gumising. Para pumasok at ipasa ang project kong ginawa. Pagkatapos ay dumaan ako sa LS ospital upang ipasa ang medical chart na kailangan kong ibigay sa head doktor.
Sumakay ako sa elevator para pumuntang fourth floor. Doon kasi ang office ng head doktor na pupuntahan ko. Para ibigay ang medical chart. Kaso wala ang head doktor hindi raw pumasok kaya. Wala akong dahilan para manatili dito dahil hindi rin ako nakaduty ngayon.
Sumakay na ako sa elevator at pasara na sana ang elevator ng merong kamay ang pumigil doon. Nang tignan ko kung sino ito ay napaawang ang aking labi at nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya.
Hindi ako maaaring magkamali siya iyon. Siya yung tinitignan ko sa Pop Star Park. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? Napaatras ako ng pumasok siya. Kaya nasa unahan ko siya at ako ay nasa likuran.
Pinagmasdan ko ulit siya. Katulad kahapon ay naka all black na naman siya. Araw araw ba may dinadaluhan siyang burol? Ang gwapo niya pala sa malapitan. Nakasalamin na naman siya at nakamessy hair na naman ang ayos ng buhok niya.
Nilanghap ko ang pabango niyang umaabong sa bango. Ang bango niya. Ano kaya ang binibili niyang pabango? Nakaka addict kasing amuyin. Napaayos ako ng lumingon siya sa akin. Napapalunok akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Naramdaman niya yatang inaamoy ko siya at pinagmamasdan siya.
Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas. Lumabas rin ito. At parang sinusundan niya ako. Tss, Roseanne. Huwag kang mag-assume baka papauwi na rin siya kaya huwag kang mag-ilusyon. Napahinto siya ng may isang babae na huminto sa harapan niya. Siya yung babaeng inalalayan niya kahapon umupo. Bakit nandito sila? Paki mo ba Roseanne kung nandito sila?
Dahil sa kagustuhan kong malaman ang pinag-uusapan nilang dalawa ay binagalan ko ang paglalakad. Alam kong para akong tanga pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.
"Dr. Dela Vega tapos na duty mo? Uuwi ka na?" Tanong ng babae dito. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Mr. Pop Star Park. Hindi na ako nakinig pa dahil baka makahalata sila na nakikinig ako sa kanila.
Doktor? Doktor siya? Duty? Dito siya nakaduty? Sa LS ospital? Sa ospital ng university namin.
Dela Vega pala ang apelyido niya. Bagay sa kaniya, ah. Ang lakas ng dating. Ang cool.