"WOW lola dito po ba talaga ako titira kasama ninyo?" Manghang turan niya
"Oo naman apo, alam mo bang mababait ang tao rito? " Ani ng lola niya habang inililibot siya nito
"At alam mo bang may bata rin dito, tiyak na magkakasundo kayo" dagdag pa nito
" Talaga po lola, sino naman po ang batang iyun lola? Saka paano nyo po nalaman na magkakasundo kami?" Sunod-sunod na tanong niya
Bagama't makulit at palatanong na bata si Criza hindi na niya napigilan pang huwag itanong iyun sa lola niya dahil sabik siyang may makakalaro siya sa mansiyon.Bago pa man sumagot ang lola niya ay nakarating na sila sa isang hallway, dalawang palapag kasi itong mansiyon. Mayroong garden, swimming pool, maliit na palaruan at may malalaking painting na nakasabit sa bawat sulok ng mansiyon.
" Lola, sabi ko po sino yung bata" kunot-noo niyang tanong sa lola niya
" Si Lyle apo, anak siya ng amo ko sina Don Paulo at Donya Patricia"
" E, sino naman po sina Donya Patisya at Don Paulo?" Utal niyang tanong
" Ang mga magulang ni Lyle" maikling tugon ng lola niya
" Pero lola bakit naman po Don at Donya ang tawag? Hari at Reyna po ba sila lola?" Busangot na tanong niya
Agad na napakamot sa ulo ang lola niya dahil sa dami niyang tanong. Saglit na napatigil ito sa paglalakad at ibinaba ang mga gamit niya ng kumirot ng kaunti ang balakang nito.
"Jusmiyo kang bata ka, bakit ba ang dami mong tanong?" Hingal na ani ng lola niya
"Kaya Don at Donya kase mayaman sila, may mga business kasi sila. Madami silang pera saka nakatira sa Mansyon, nasagot ko na ba apo? Wala ka na bang tanong riyan?" Paliwanag nito
"Ahhh ganun po pala, saka na lang po ulit ako magtatanong lola pag di na kayo hinihingal" natatawa niyang sabi
"Aba, at talagang nagrereserba kapa ng itatanong sakin, napaka kulit mo talagang bata ka" pinisil nito ang kanyang mukha sabay halik sa noo niya
Saglit na napatigil silang dalawa ng makita ni Criza ang isang maliit na bola na tumama sa paa niya. Nakita rin niya ang isang batang lalaki na hinahanap ang bola niya. Kinuha niya ito. Napatingin sa kanya ang batang lalaki marahil ito ang tinutukoy ni lola na nagngangalang Lyle.
"Akin nayang bola ko bata" ani ng bata sa kanya
"Apo iabot mo kay Lyle ang bola" utos sa kanya, sa sobrang kaba niya napatago siya sa palda ng lola niya sa likod inabot nito sa lola niya ang bola na ipinahihiwatig na siya na ang mag-sauli nito sa bata.
"Pagpesensyahan mona itong Apo ko Lyle, marahil ay nahihiya sa iyo"
"Lola Minda sino naman po siya? Anong pangalan niya?" Tanong ni Lyle
" Siya nga pala si Criza, sana ay magkasundo kayo ng Apo ko Lyle" Saglit na nagtama ang tingin nilang dalawa.
"L-lola ano po itong pinto?" Aniya niya, ang tinutukoy ang nakasaradong kwarto mula sa kaliwa nila.
"Yan ba, ayan apo ang magiging kwarto mo, pasalamat tayo sa Papa ni Lyle dahil binigyan ka ng kwarto"
"San po kayo lola natutulog?" Kunot-noo nyang tanong
"Dun ako apo sa mga kasamabahay natutulog kasama ko sila. Halika at pumasok kana sa kwarto mo, maliit man pero ayus na ito sa iyo" Binuksan ng lola niya ang kwarto at inilapag ang mga gamit niya
Naupo siya sa isang maliit at malambot na kama. Komportable iyun para sa kanya. Sumunod sa kanila si Lyle at pinagmasdan ang buong kwarto.
"Criza apo, ako ay may gagawin lamang saglit dun sa kusina ha, maiwan muna kita diyan kasama mo naman si Lyle e"
"B-babalik kapo ba lola?" Malungkot na pagkakasabi niya
"Oo naman apo, magluluto lamang ako ng tanghalian. Huwag kang pasaway kay Lyle makulit ka pa naman" aniya ni lola sabay gulo sa buhok nito
Tumango lamang ito biglang pagsang-ayon, lumapit ito sa kanya at binulungan ng lola niya.
"Huwag kang pasaway Criza alam na kita, mainitin pa man din ang ulo ni Lyle. Huwag kang palatanong ha" bulong at bilin ng lola niya bago tuluyang isara ang pinto ng kwarto niya
Naiwan silang dalawa sa kwarto. Naupo si Lyle sa kama ngunit kasabay nito ang pagtayo ni Criza para ayusin ang gamit nito.
"Criza ang pangalan mo di'ba?" Tanong sa kanya ni Lyle.
"O-oo" tugon niya, matapos niyang maayos ang gamit niya naupo siya muli sa kama, umisod siya ng kaunti papalayo kay Lyle. Umisod si Lyle palapit sa kanya. Umisod naman muli siya. Napatawa si Lyle sa ginawa niya.
"Takot kaba sakin Criza?" Tanong muli nito.
"Hindi naman" ani niya habang nilalaro-laro ang isang manika na bigay sa kanya ng namayapa niyang ina. Ang manikang iyun na lamang ang tanging ala-ala niya sa kanyang ina, dahil wala itong litrato sa kanilang bahay. Nakita kasi niyang pinunit at sinunog ng Stepmother niya ang mini album ng Mama niya nung dalaga pa lamang ito.Nahiga si Lyle sa kama at napatingin sa kanya ng bahagya, napakatahimik sa loob ng kwarto ng magsalita muli ito.
"Hindi ka naman pala takot sakin e, ilan taon kana ba?"
"S-seven, ikaw ba?" Sa wakas ay nagtanong na rin ito.
"10 years old na, bakit ba hindi ka masyado nakikipag-usap sakin? Naiilang kaba?"
" Hindi naman, sabi kasi ni lola kanina madali daw uminit ang ulo mo e. Sabi pati niya huwag daw akong palatanong" paliwanag niya.
"Ano kaba, ayus lang na magtanong ka ng magtanong. Hindi naman ako nangangain ng bata e. I'm not a monster because i'm so handsome" papuri niya sa sarili sabay tawa.
Sa katatawa niya hindi niya namalayan na may ipot ng butiki ang pumatak sa kanyang kaliwang pisngi muntik pa niya itong makain kung hindi dun pumatak. Napansin yun ni Criza nang magpunas ito ng mukha at inamoy-amoy ang kamay. Hindi na niya napigilan pa na mapatawa sa hitsura ni Lyle na animo'y diring-diri sa ipot ng butiki.
"Bakit mo ako tinatawanan, inaasar moba ako?" Iritadong tanong nito.
Agad na napatahimik si Criza, at bumalik sa paglalaro ng manika.
"Kadiri naman ang butiki na iyun sakin pa talaga tsk tskk.."
"Bakit ba kasi hindi mo napansin na may butiki?" Pigil tawa niyang tanong.
"Di ko nga napansin kasi sayo lang ako nakatingin " pang-asar niya, nag-init ang pisngi ni Criza. Nakaramdam siya ng hiya bigla, "bolero" aniya sa kanyang isip.
Hindi siya umimik sa sinabi nito sa kanya. Tumayo si Lyle at saglit na nagpaalam na lalabas muna siya para hugasan ang ipot na nahawakan niya.
KINAUMAGAHAN, nagising si Criza dahil sa lagapak ng pinto mula sa kwarto. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng makita niyang sobrang gulo ng mga gamit niya, ganun na rin ang damitan niya. Ang mas ikinagulat niya nawawala ang pinaka-iingatan niyang manika. NAWAWALA ANG MANIKA NIYA!!
Agad na tinungo niya kung nasan naroroon ang lola niya at naabutan ito sa garden na nagdidilig. Hindi pa man siya nakaka-pagsuklay at nakakapag-punas ng laway agad niyang tinungo iyun.
"L-lola, lolaa" balisa niyang sabi.
"Bakit ka naman sumisigaw diyan, saka bakit kaba nagpapa-padyak riyan naiihi kaba?" tanong ng lola niya.
"Hindi lola, nawawala po ang manika ko" busangot na turan niya sabay kamot sa ulo niya.
"Hanapin mo at baka nandun lamang iyun sa kwarto mo, saan naman pupunta ang manikang iyun?"
"Lola hanapin natin" tumulo ang isang butil na luha ni Criza, agad niya iyung pinahid.
" T-teka at tatapusin ko lamang ito apo, sandali na lamang ito" ani ng lola niya.
Dahil nababagot na siya sa paghihintay tumakbo siya papunta muli sa kwarto niya, nakayapak lamang ito. Pagdating niya agad niyang sinilip iyun sa ilalim ng kama nya ngunit wala siyang nakita. Dun na siya napaiyak dahil nawawala ang mahalagang manika niya. Dumapa siya sa kama niya at doon umiyak. Basang-basa na ng luha ang unan niya dahil sa kaka-iyak.
"Ito ba ang hinahanap mo Criza?" Tanong ni Lyle, pumunta pala ito sa kwarto niya dala-dala ang manika niya.
Agad na nilingon iyun ni Criza. Hinablot niya ang manikang hawak ni Lyle at niyakap ito ng mahigpit habang pinapahid ang kanyang luha.Natawa si Lyle sa hitsura nito,napaupo ito sa kama dahil sa kakatawa habang pumapalakpak pa.
"Criza ang cute mo para kang si Corazon ang unang Aswang" Sarkastikong turan niya, gulo-gulo kasi ang buhok niya pagkatapos may tuyong laway pa sa gilid ng labi niya.
"Kinuha mo yung manika ko Lyle?" Hindi naman siya galit ngunit may tensyon sa tono ng boses niya.
"Hey, lumang manika lang yan. Hiniram ko lang saglit kasi nagandahan ako. Tapos umiyak kana kaagad?" Tawa-tawa niyang sabi.
"Nagandahan?" Halatang naguguluhan pa ito, nag-isip muna ito bago ituloy ang sasabihin "bakit ka nagagandahan e pangbabae ito, ano ka bakla?" Malakas na turan nito.
"Hiniram lang bakla kaagad? Alam mo bang pede naman kita ibili ng bagong manika yung...manika na mas maganda pa riyan, luma na yan e."
"ayaw ko ngang palitan ang manika ko. Iniwan ito sakin ni mama ang sabi niya ingatan ko raw. Bakit ba kasi hindi ka man lang nagpaalam?" Tanong niya.
"Tulog kapa e, paano ako magpapaalam?" Pilosopong sagot nito.
"Sana ginising mo ako Lyle, papahiramin naman kita e..di naman ako monster" ani niya sabay upo sa tabi ni Lyle.
"Ano ba yan Criza ganyan ba ang hindi Monster e may muta ka pa e" pang-asar nito.
"Nakakainis ka Lyle, alam mo bang bad ang hindi nagpapaalam?" Panganagaral nito.
"Sorry na Criza, di na po mauulit lola basyang, huwag ka ng magalit please" pakiusap nito.Ang cute ni Lyle kapag ganun siya makiusap hindi lang cute pogi pa!
"Ok sige, bati na tayo" ani niya sabay ngiti.
"Talaga, can be friends?" Tanong ni Lyle sa kanya, napatingin siya dito ng matagal at sinuri nito kung sinsiridad ba ang mukha nito sa sinasabi niya, pagkuwan ay sumagot ito.
"Ok sige, friends na tayo Lyle" at iginawad niya ang kanyang kamay para sa peacebomb at tinugon ayun ni Lyle.
Ito ang simula ng pagiging magkaibigan nila. Ang isang mayamang batang lalaki na si Lyle Villaceran at si Criza Mercado na apo lamang ng isang katulong.