TBW SERIES5: TWO

575 Words
Inaantok-antok pa na bumaba ng kabahayan si GIL WILSON,ang dalawapu't-walong taon gulang na binata,kaisa-isang anak ng mag-asawang kilala sa larangan ng Edukasyon. Pareho Professor ang mag-asawa sa isang kilala unibersidad sa Manila. "Good morning,Dad! Mom!" pagbati ng binata sa magulang na nasa hapag-kainan na. "Saan ka na naman ba galing? Madaling araw ka na naman na kauwi?" istrikto pagtatanong agad ng kanya ama. Hindi pa nga siya nakakaupo eh,sabagay sanay na siya sa ama,matanda na siya pero kung ituring siya nito ay parang teenager pa lang siya. Bakit naman hindi magiging ganun ang mga ito sa kanya,kaisa-isa siya anak na hindi sumunod sa yapak ng mga ito. Ang maging propesor din. Pinaglaban niya ang kurso kinuha dahiL doon siya masaya at ng makagradweyt agad siya nagtayo ng business kasosyo ang pinsan niya si Allan. Ang Car shop na ngayon ay nakikilala na sa larangan ng pagnenegosyo. Ngunit sa hayaan siya ng mga ito sa gusto niya ang kapalit nun ay ang manatili siya sa kanila bahay hanggang sa mapangasawa siya. Gustong-gusto na niya bumili ng condo unit niya pero hindi niya magawa dahiL may usapan sila ng kanya mga magulang at may isa siya salita. Pero pinagsisihan niya na nga iyun sa pagtagal kasi hindi siya makapagdala ng chicks sa kanila kaya sa labas na lang niya ginagawa. Yeah,lalaki pa rin siya. May pangangailangan at nag-iingat naman siya kapag hindi matatapos agad ang pagiging pagkabinata niya dahiL sigurado siya mangingielam ang parents sa usapin pampamilya. Haist,kinikilabutan nga siya kapag naiisip niya mag-aasawa siya,ni pumasok nga sa seryoso relasyon hindi niya ginagawa eh yun pa kaya? "Uhm,dad..galing po ako sa birthday party.." sagot niya. "Napapadalas na yan,may usapan tayo,ayoko gagawa ka ng iskandalo tulad noong nakaraan or else,mawawala ang pinaghirapan niya magpinsan" mariin nito saad. Napabuga na lang siya ng hangin. Kaya iyun gawin ng kanya ama. Saka hindi naman niya gusto masangkot sa guLo noong nakaraan buwan hindi naman niya alam na may syota pala ang babaeng lumalandi sa kanya,sinugod siya dahiL nasaktan siya lumaban siya hanggang sa kulungan siya bumagsak dahiL napatulog niya ang mayabang na lalaki iyun. Sa kahihiyan niya sa ama nagkaroon sila ng usapan at dahiL masunurin siya at mabait na anak,ayun todo ingat siya masangkot na naman sa gulo. "I'm careful this time,dad..don't worry,tutupad ako sa usapan," aniya. "Siguruduhin mo lang,Gil.."anang ng ama. Tahimik lang ang ina at may simpatya na nakatitig lamang sa kanya,he just smile at his mom. To assure her na ayos lang sa kanya ang paghihigpit ng ama. "Anyway,daanan mo sa bookshop ang binili ko libro bago ka umuwi,sinabi ko na anak ko ang Kukuha dun,ibibigay ko sayo ang resibo.."maya-maya saad ng ama. "Yes,dad.." tugon na lang niya. Maliit na bagay lang yun. Naging abala siya sa Car shop nila dahiL dumating na ang inorder nila bagong piyesa ng mga sasakyan. Namalayan na lamang niya pasado alas y otso na pala ng gabi,naghahalungkat siya sa desk niya ng makita ang resibo ng SEN bookshop&library. "s**t! Damn! Nakalimutan ko na!" aniya. Yare siya sa ama niya kapag hindi niya iyun Nakuha ngayon. Nagmamadali kinuha niya ang susi ng kotse niya,s**t,sana bukas pa! "Oy,Insan! Saan ka pupunta?!" Habol ni Allan sa kanya. "May pupuntahan lang ako!" nagmamadali siya sumakay ng sasakyan. "May party kina Amy! Punta daw tayo!" "Sige! Mauna ka na dun,sunod na lang ako may gagawin lang ako sandali," sagot niya at pinaharurot na niya ang sasakyan. Putsa,sana bukas pa kundi sermon na naman siya nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD