TBW SERIES5: SIX

531 Words
Hindi man niya gusto na pumayag sa pag-iimbita ng mag-asawang Wilson sa bahay ng mga ito ay napilitan siya pumayag . Mabait ang mag-asawang propesor kaya nahihiya siya tanggihan ang mga ito. Hindi siya sanay na may mga tao na enteresado na makausap siya at maging kaibigan. "Good evening,Hija..salamat at pinaunlakan mo kami," nakangiti salubong ni Mr.Wilson sa kanya. "Walang anuman ho Mr.Wilson.." magalang niya tugon rito. Agad naman niya binata ang asawa nito ng makapasok siya tuluyan sa loob ng malaking bahay. "Tamang-tama! Nakahain na ko,kumain muna tayo bago ang lahat," magiliw na saad ng ginang sa kanya. "Your son?" anang ni Mr.Wilson sa asawa. "Pauwi na raw.." Ah,their son. That annoying mankind. Iginiya siya sa magarbong dining room ng bahay ng mga ito. Kakaupo pa lamang nila ng dumating ang lalaki. "Good evening!" nakangiti nito bungad sa kanila. "Good evening po,Tita! Tito!" bati naman ng kasunod nito lalaki. Agad na nagkasalubong ang mga mata nila ng huling lalaki. Natigilan ito at mukha nashock. Tinapik ito ng katabi. Nakangisi ito bumulong. She heard him. "Sabi ko sayo eh..at ako si Ken!" nakangisi nito bulong sa lalaki . Pinatili niya blanko ang ekspresyon sa mukha niya. "Oh mga Hijo,maupo na kayo," strikto utos ng ginoo sa dalawa lalaki. "Siyanga pala hija,Ito ang pinsan ni Gil..si Allan.." anang ni Mrs.Wilson sa huling lalaki. Tinanguan niya ito. Nakaawang pa rin ang bibig nito. "Tama na yan,Insan..hindi ko gusto ang tingin mo sa kanya," bulong ni Gil sa pinsan na katabi lang nito sa upuan. Doon lang nabago ang reaksyon ng Allan. Nakangisi ito bumaling Kay Gil. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa mag-asawa na ngayon ay nagbubukas na ng topic na tungkol sa mga libro binenbenta niya at kinokolekta niya. "f**k! Totoo nga sinabi mo,para talaga siyang barbie doll!"untag ni Allan. Magkatabi sila nito sa mini-bar nila. Sinama niya ito para patunayan rito na totoo ang ikinuwento niya sa pinsan tungkol sa babae. Nasa library ang kaniya magulang kasama ang bisita nila. Gusto man niya sumama sa mga ito kaso maa-out of space lang siya di siya makakarelate sa pag-uusap ng mga ito. " I told you!"nakangisi niya saad at sinalinan ang mga baso nila ng alak. "Uy,baka magalit si Tito..pinakielaman mo yang wine na yan?!" sita nito ng makita ang bote na hawak niya. "No worry ,good mood yun kasi may bago kaibigan na natagpuan!" aniya. Napailing ang pinsan. "Sinasamantala mo naman!" Nginisihan niya ito. "Uh-huh! Anyway,ano? Sa tingin mo madali pormahan?" pagbabago niya ng usapan. "Hmm..sa tingin ko hindi," anito. "Why is that?" Nagkibit ito ng balikat. "Kasi sa aura pa lang niya masasabi ko ng hindi madali Makuha ang atensyon niya..don't you see her? Wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya? Tas ang weird pa ng kulay ng mga mata niya? Creepy!" turan nito. Uminom muna siya sa kanya kopita. "I guess so,masyado siya misteryosa at hindi lang yun may something sa kanya na humahatak sakin na kilalanin siya,"matapat niya saad. "DahiL maganda siya? O dahiL challenging siya?" anang ng pinsan. Nagkibit siya ng balikat at sinaid ang alak na nasa kopita niya. "I like her so gagawa ako ng paraan para makilala siya," puno ng konbiksiyon niya saad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD