She did not expect to like the company of Zeus. Masaya ito kasama at may sense of humor. Hindi niya akalain na sa bawat sinasabi niya may sagot talaga ito na nakakatawa. "Kahit naman mahubaran ako sa harap ng maraming tao, maglalaway pa rin sila," sabi nito kaya natawa siya. "Weh? Hindi ka mahihiya kahit kaunti?" "Share your blessings. Hindi pwede na sa nakaka-s*x ko lang ang makakita ng katawan ko," birong sabi nito. "Sabagay." "Huwag mo sabihing maghuhubad ka?" nanlalaki ang mata na tanong nito. Natatawang umiling siya at inambahan na sasaksakin ang mata nito gamit ang coffee spoon niya. Nilinga niya ang paligid dahil mukhang napalakas ang tawa niya at baka nakaagaw siya ng atensiyon sa mga naroon. Nalingunan niya matang nanlilisik na nahagip ng mata niya. Hindi niya napansin n

