Di ko pa rin talaga makalimutan 'yung naggrocery ako sa mall nung isang linggo.
Siya nga kaya yun?
O baka hindi.
Namamalikmata lang nga siguro ako.
'Di ko na nga kwenento kay Sam e.
Hayyyyy... Na-iistressed lang ako lalo kakaisip dun... Stressed na nga ako dahil mukhang 'di na gano'n karami ang gustong magbigay ng shares samin dahil doon sa letseng Imperialle Company na 'yun.
Mukhang kailangan ko ng makausap 'yung nag alok na maging business partner namin ni Sam.
Hanggang ngayon kasi 'di ko pa 'yun nakakausap.
Naging busy na rin kasi ako these past few weeks... Kaya medyo nakalimutan ko na rin.
Sasabihan ko na lang si Sam na kailangan na naming makausap yun.
"Hello Sam."
["Napatawag ka ata Trixx?"]
*******
Nanlaki ang mata niya at halos 'di man lang makagalaw sa pwesto.
'Yan reaction ni Sam no'ng sinabi ko sakaniya na kailangan na naming makausap yung nag-alok samin kasi baka magback-out pa 'yun at doon na lang mag-alok sa kabilang kumpanya at kapag nangyari 'yun lagot na ang Kompanya.
"S-sigurado ka?" Sam
"Oo naman... Paki appointment nalang sakanya." Sabi ko.
"Okay." Nag-umpisa na siyang tumipa sa cellphone niya. Siguro sinabi niya na.
"Bukas daw, mga 9am sa Starbucks na lang daw magkita." Saad ni Sam.
Tumango na lang ako at bumalik na sa tinatrabaho ko.
This is it! Sana matulungan ako ng taong to.
Nag-ayos na ako dahil ang usapan namin ni Sam ay dapat before 9 AM nandun na kami.
Dapat mauna kaming dumating sa kaniya kasi pangit naman kung siya pa mauna 'di ba?
Mga 8 AM palang ayos na ako. Kaya tinawagan ko na si Sam.
"Hey Sam... Ready ka na ba?"
[ "Yeah... ready na ako... Actually papunta na ako diyan..." ]
"Ah. Okay. Ingat sa pagdrive Sam. Hintayin kita sa labas ng gate. Bye."
[ "Okay ." ]
Then I ended the call.
Bumaba na ako.
"Good morning 'nak. Kain na."
"'Di na po ko kakain mom. Sa Starbucks na lang po siguro. May importante pa po kasi akong kauusapin doon."
Nakangiting aso si mommy habang ako naman nakataas ang kilay.
"Mom, it's not what you think okay? 'Bout business matters ang pag-uusapan namin and 'di lang naman ako ang pupunta, kasama ko si Sam." Speaking of her narinig kung may bumusina na sa labas kaya nagpaalam na ako kay mom. Baka saan pa mapunta 'yung usapan namin.
Pagkalabas ko pumasok na agad ako sa kotse niya.
"Akala ko ba hihintayin mo ko sa labas ng gate n'yo?" Pagmamaktol ng isang 'to.
Medyo natagalan kasi akong lumabas dahil nang-asar pa si mom.
"Nangasar pa kasi si mom... tsk."
"HAHAHA... Ganun ba?" Pagtawanan pa daw ba ako.
*********
Pagkadating namin sa Starbucks ay agad naman akong umorder.
8:30 AM palang naman kaya kakain na lang muna ako. Tutal maaga pa naman at saka gutom na din kasi ako. Remember? 'Di na ako kumain sa bahay.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentohan ni Sam wala pa kasi yung hinihintay namin.
Nanlaki ang mata ko.
That is my reaction when I saw him walking towards our table.
Tiningnan ko reaction ni Sam pero mukhang alam niya naman na nandiyan nga siya
Nakayuko lang siya.
Nung malapit na siya sa'min pakiramdam ko biglang bumagal ang mga kilos niya. 'Di ko rin maalis yung titig ko sakaniya na para bang nastuck up ako. 'Di ako makagalaw sa pwesto ko.
Parang hindi na'ko makagalaw.
"Nice meeting you AGAIN... Trixx."
----------------------------