Chapter 1

1156 Words
Trixx' POV Pagkamulat ko ng aking mga mata tumambad sa'kin ang puting paligid. Marahan pa akong napapikit dahil sa silaw na magmumula sa kung saan. "Patay na ba ako?" Bulong ko sa sarili. Kung patay na nga ako, mawawala na ba ang sakit na nararamdaman ko? Maglalaho rin ba ang mga alaala na gustong-gusto ko nang kalimutan? "Trixx... Omygad! Salamat at nagising ka na... Tatawagan ko lang sina tita." Sabi ni Sam papalapit sa'kin sabay kuha ng cellphone sa bulsa niya. Ngayon lang ako natauhan na nasa ospital lang pala ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Tila na-amnesia ako. Walang maalala. Si Samantha Saavedra ang bestfriend kong 'di ako iniwan at 'di umaalis sa tabi ko nang kailangan ko ng makakaramay. "Sam bakit ako na'ndito sa ospital?" Tanong ko. Wala na kasi akong maalala bukod doon sa parang nahihilo ako nang umulan ng malakas at sa kamalas-malasan wala ka na ngang dalang payong wala ka pang dalang kotse. "Nahimatay ka sa gitna ng kalsada... Ano ba kasing ginagawa mo sa park na alam mo namang umuulan? Buti nalang 'di ka nasagasaan at dinala ka pa ng taong nakakita sayo." Sagot niya. Namumula pa ang buong mukha. Siguro dahil sa galit at pag-aalala. "Sino yung nagdala sa akin dito?" Tanong ko ulit sakaniya. " Y-y-yung c-concern citizen na nakakita s-sayo. Ay basta! Ang importante ngayon gising kana at walang nangyaring masama sa'yo." Sabi niya habang nag-iiwas ng tingin sa'kin. "Nakaalis na ba sya?" Curious kong tanong. "Ahm.. O-oo." Hindi ko alam kung bakit biglang naging malikot ang mga mata niya. "Sayang naman at 'di ako nakapagpasalamat man lang sakaniya." Sabi ko na lang. "Hayaan mo na. Nakapagpasalamat naman na ako sa kaniya. Ikaw?Maayos na ba pakiramdam mo?Sobrang nag-alala ako sayo..." Sabi niya at niyakap ako. "Okay naman na ako." Nginitian ko siya para siguraduhin na ayos lang ako. Ngumiti na lang din siya. "Huwag ka kasing nagpapagod ng sobra, ayan tuloy, nahimatay ka sa sobrang pagod. Uso rin kasi ang pahinga!" Inirapan niya pa ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kong concern lang naman siya. "Okay na nga kasi ako." Totoong okay lang ako kahit hindi ang puso ko. Biglang bumukas ang pinto at pumasok na si Mommy. Dali-dali naman siyang lumapit sa'kin. "Anak... Musta kana? Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo? 'Wag ka na ulit aalis ng walang payong at kotse... Pinag-alala mo ako anak, " alalang-alala na sabi ni mommy. "Sorry mom. Napag-alala ko pa kayo. 'Di na po 'yon mauulit. Okay naman na po pakiramdam ko ngayon." Nginitian ko nalang si mommy at niyakap naman niya ako. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. "Excuse me po. Pwede na pong makalabas ang pasyente." Pagkatapos 'yon sabihin ng doktor ay lumabas na din siya agad. - - - - - - One week na ang nakalipas nang maospital ako. Hanggang ngayon 'di ko pa rin nakikilala 'yong tumulong sa'kin. Parang gusto ko talagang makilala 'yong taong 'yon. Gusto ko kasi siyang pasalamatan. Simula kasi nang mangyari sakin 'yon parang naging mas maingat ako at pinahahalagahan ko na ang buhay ko. Paulit-ulit ko ngang tinatanong kay Sam kung sino ang nagdala sa'kin sa ospital pero parang iniiwasan niya ang tanong ko. Sabi niya lang na nagmamadali na daw 'yong tao kaya 'di na niya natanong 'yong pangalan. Nagmadali lang nga daw hanapin ang number na pwedeng tawagan para bantayan ako sa ospital. "Trixx gala naman tayo oh... Boring sa bahay e." Sabi ni Sam na bigla nalang pumasok sa opisina ko. Yeah. May opisina na ako. Pagkagraduate ko kasi ako na ang namahala ng kumpanya ni lolo. Magreretire na daw kasi siya at dahil sa edad niya kailangan niya na daw magpahinga. "At kailan ka pa 'di kumatok?" Sarkastiko kong tanong. Umakto naman siyang parang nag-iisip. "Well... Palagi?" Sabi niya na parang 'di pa sigurado. Napairap nalang ako sakaniya. "Sabi ko nga." "Oh ano na? Gala na tayo?" Tanong niyang halatang excited ng gumala. "Oo na. Kawawa ka naman kung walang kasama." Sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit ko. "O sige hintayin na lang kita sa labas." Sabay labas niya. ********* "Alam mo Trixx... Minsan sana maisipan mo namang magsaya 'di 'yong work lang palagi." Sabi ni Sam. Kasalukuyan kaming nasa fastfood sa mall at nag-uusap. "'Di ba kayo na rin ang nagsabi sa'kin dati na i-focus ko na lang 'yong sarili ko sa kumpanya kaysa isipin pa 'yong nakaraan." Pinaalala ko sa kaniya 'yung mga araw na pinagsasabihan nila akong magtrabaho na lang kaysa umiyak ng umiyak sa sulok. Kung hindi ako magpapakabusy, maaalala ko lang lahat ng nangyari. "Pero 'di naman 'yong sobra. Nakakatanda 'yan saka kalimutan mo na ang nakaraan." Sabi niya pa. Sana nga gano'n kadaling kalimutan na lang. Naglibot-libot lang kami sa mall. Kain dito, shopping doon. "Trixx punta tayo doon sa boutique oh. Baka may bagong design ng damit!" Aya niya sa'kin sa isang boutique. Nang malapit na lang sana kami nag-aya umuwi. Mukang napagod na daw siya. Pero parang may mali eh. Titingin na nga sana ako sa boutique pero pinigilan niya na agad ako at hinila na palayo doon. ******************** Ang weird ni Sam lately. Tinatanong ko nga kung ano'ng problema? Sabi niya wala naman daw. Minsan makikita ko na lang siya na nakatulala at malalim ang iniisip at 'di na din sya nag-iingay. Alam kong may problema siya. Hahayaan ko muna siya at hintayin kung kailan siya handang magkuwento. "Sam, okay ka lang ba talaga?" Tumango lang siya at ngumiti. Nagpaalam na din siyang uuwi daw muna. Sa pagkakatanda ko nagkaganiyan siya pagkatapos niyang makausap ang gustong maging business partner namin. "Good morning po maam Trixxie at ma'am Samantha... Excuse po maam.. may gusto pong makausap kayo..." Sabi ng secretary ko. "Sino daw ba?" Tanong ko sakaniya. "Mr. Madrigal po." Sagot naman niya. Natigilan naman ako ng sandali. Umiling na lang ako. Hindi ako dapat nagpapaapekto sa personal na buhay ko kapag nasa trabaho na. "Ah gano'n ba... Dami ko pa kasing ginagawa.. Pwede po bang pakitanong na lang kung pwede magpaappointment na lang siya?" Tumango siya at aalis na sana nang pinigilan siya ni Sam. "Ako na lang ang kakausap." Pag presenta ni Sam. Nginitian ko lang siya at umalis na siya. Pagkalipas ng isang oras bumalik na si Sam. "Kamusta pag-uusap niyo?" Mukha kasi siyang 'di mapakali. "Ah.. o-okay n-naman," iwas tingin niyang sagot sa'kin. "Ano ba'ng napag-usapan niyo?" Tanong ko ulit. "Ah.. g-gusto niya daw maging business partner natin..." "Iyon lang pala.. Kinabahan ako sayo." Ako "Gusto ko siyang i-meet bukas tutal kaunti nalang naman ang gagawin ko." Dugtong ko pa. "Pwede pa namang pag-isipan mo muna kung kailangan pa ng business partner... 'Di naman daw siya nagmamadali.." "Okay." Nagtataka man sa kaniya ay hindi na ako nag-abala pang magtanong nang magtanong. Masyado pang marami ang gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD