Chapter: Two
VISTA…
HINDI ko alam pa’no ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sa wakas, nakalabas na ako ng bahay. Nakakalanghap na ako ng hangin na mula sa labas ng bahay namin.
Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng main door. Ninanamnam ang init na dala mg paligid ko. Hindi na buga ng air-conditioned ang malalanghap ko ngayon.
“Vista, male-late ka sa ginagawa mo. Baka ayaw mo pa talagang lumabas ng bahay. Pwede pa namang—“
Minadali ko na ang paglalakad, “tara na po, Uncle.”
Ngayon ang unang araw na nakalabas ako ng bahay. Ngayon ang unang araw na sasakay ako sa isang sasakyan. Ngayon ang araw na lalabas ako sa gate na dati tinatanaw ko lang mula sa loob ng bahay namin. Ngayon araw, makakasalamuha na ako ng ibang tao, papasok na ako sa totoong eskwelahan. May ibang lugar na akong mapupuntahan bukod sa kwarto ko, sa banyo, sa kusina, sa sala o sa library ni Uncle sa loob ng bahay namin.
Hindi ba ang saya ko?
“Ang bilin ko Vista,” ani Uncle habang busy ito sa pagmamaneho.
Ako naman busy sa paglingon-lingon sa paligid. Manghang-mangha ako sa mga bagong tanawin na nakikita ko. Dati sa TV o sa computer ko lang nakikita ang mga ito. Ngayon natatanaw ko na talaga silang lahat, personal ko na silang nakikita ngayon.
Quota na ako sa salitang ngayon, ngayon araw na ito. Ang daming beses ko nang nasabi ang salitang ngayon. Kasi naman ang dami kong bagong experience ngayong araw na ito. Lahat ngayon ko lang talaga nagawa sa tanang buhay ko.
“Vista, hindi ka na naman nakikinig sa akin.” Tawag sa pansin ko ni Uncle.
“Sorry Uncle, overwhelm lang po masyado. I can’t believe that I’m actually out from our house,” mangha pa rin na sagot ko.
“Just be careful, Vista.” Paalala na naman ni Uncle sa akin.
Pumasok kami sa parang gate pero hindi ako sure. Basta matataas na building na ang nakikita ko.
“I can’t walk you inside Vista,” ani Uncle ng ihinto na niya ang sasakyan.
Alam ko na ito, na-briefing na ako ni Uncle dito. Bago ang araw na ito, madaming bilin si Uncle sa akin. Bukod sa bilin pinakabisado niya sa akin ang lahat ng building na pupuntahan ko. May trabaho kasi si Uncle at kailangan na rin nitong pumasok sa trabaho nito. Sabi nga ni Uncle para mabuhay kaming dalawa kailangan nitong magsipag sa pagta-trabaho.
University of Santo Tomas.
Dito ako mag-aaral ng college. At ngayon papasok ako bilang freshmen student. Wala pa akong napiling course, pero ang suggestion ni Uncle mag-law daw ako o kaya naman accounting. Pero binigyan ako ng laya ni Uncle na mamili kung ano talaga ang gusto kong kunin na kurso.
“Bye Uncle, mag-iingat po akong mabuti. Promise, see later.” Paalam ko kay Uncle.
I kiss him goodbye at hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa. I push the door open and get out of the car in no time. Baka magbago na naman isip ni Uncle. Biglang iuwi na ako ng bahay at ikulong na naman.
“Wow!”
Simula ng sabihin sa akin ni Uncle kung saan ako mag-aaral. Panay ang research ko tungkol sa school na ito. Madami akong nabasang article, mga nakitang pictures at mga videos. Pero nothing can compared in what I research in this reality infront of me now. No one can justify how beautiful this place is.
“Vista right?” boses ng isang lalaki na pumukaw sa atensyon ko.
And there and then, I saw the most handsome men in the whole universe.
………………..
WAYLON…
ANG HIRAP MAGING MAHIRAP.
Mahirap ka na nga mas lalo ka pang ibabaon sa hirap ng sitwasyon ng pamilya namin.
“Kuya, huwag ka nang umalis.” Pakiusap ng kapatid ko.
Kung ano ang papipiliin ayoko sanang umalis. Ayokong iwanan ang kapatid ko. Pero kailangan, mataas ang pangarap ko sa buhay. Iyon ay ang maging abogado at yumaman. Maialis ko sa hirap ang Mama at ang kapatid ko. Ang iwanan ang magaling naming ama na walang ginawa kung hindi magsugal at uminom.
“Babalik naman ako kapag bakasyon. At saka mag-aaral lang naman ako Nica. Hindi ako mawawala sa inyo,” pagpapatahan ko sa kapatid ko.
Niyakap niya ako ng mahigpit, siya lang ang tao sa bahay. Nasa inuman ang Tatay namin habang nagtatrabaho naman ang Mama namin. Tinaon ko talaga na wala ang mga magulang ko para sa pag-alis ko.
Kaso hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Ayokong iwanan na mag-isa ang kapatid ko. Alam kong malaki na ang kapatid ko at kaya na niyang mag-isa sa bahay. Sixteen na si Nica, dalaga na. Pero may pagkaisip bata kasi ito, nasanay na palagi akong nasa tabi nito.
“Nica, basta uuwi ako palagi kapag may chance na umuwi ako. Ingatan mo ang sarili mo at si Mama. Babalikan ko kayo, kapag mayaman na si Kuya kukunin ko kayong dalawa ni Mama at mabubuhay tayo ng masaya,” paalam ko sa kapatid ko.
Niyakap ko ito at hinalikan sa noo, hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Agad akong bumitaw sa kanya at binuhat ang bag ko, deretso akong lumabas ng bahay namin at hindi na lumingon pa.
May naghihintay nang tricycle sa labas ng bahay namin na maghahatid sa akin papuntang bus station. Luluwas ako ng Manila, doon ako mag-aaral para tuparin ang pangarap kong maging abogado. Swerte kong may isang taong mabuting puso ang magpapaaral sa akin, tutustusan niya ang pag-aaral ko kapalit ang alagaan ang pamangkin nito.
Hindi ko nakilala ang sponsor ko, nakakausap ko lang siya thru text o email. Dahil sa desperado akong makaahon sa hirap kahit parang kahina-hina ang lahat pinatos ko ang offer nito sa akin. Kapit sa patalim makatapos lang ako, madali lang naman ang ipapagawa nito sa akin. Bantayan ang pamangkin nito at huwag hayaan na masaktan. Iyon lang ang bilin nito sa akin, kapalit ng libreng pag-aaral ko.
Ang maganda pa nito, sa isang taon ko pa makikilala ang pamangkin ng sponsor ko. Sa isang taon pa magsisimula ang trabaho ko na magbantay ng isang babae. Parang bodyguard ang labas ko nito pero wala sa akin ‘yon. Ang mahalaga makakapag-aral ako ng kurso na gusto ko.
Nang nasa bus na ako hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Tinignan ko ang litrato namin nila Mama at Nica, “babalik ako Mama at Nica. Babalikan ko po kayo, pangako ko po ‘yan.”
Habang nagtitingin ako ng mga litrato ng pamilya ko nahagip ng mata ko ang litrato ng babatayan ko. Isang cute na batang babae, hindi naman mahirap bantayan ang isang batang babae. Parang kapatid ko lang ito, mukha naman siyang mabait at masunurin.
“Vista,” tawag niya sa pangalan ng babantayan niya.
Iyon lang ang alam niya tungkol sa babantayan walang kahit na anong apilyedo. Just Vista.