Chapter 31 WAYLON… “TARGET ON SITE, be ready Hades and Apollo,” sabi ni Fortress. Kanina pa naman ako ready, nakahanda na ang gamit ko, maging ang mga mini bomb na naka-install sa lugar. Si Keiran rin nasa pwesto na kanina pa, hinihintay lang naman ang go signal ni Fortress. Matutuloy rin sa wakas ang assignment namin na hindi natuloy noong isang linggo, thanks to Poseidon. Nahanap niya ulit ang location ng target naming isang milyunaryong drug lord. “Hoy Apollo ayusin moa ng trabaho mo,” sabi ko pa kay Keiran. “Hoy kailan naman hindi naging maayos ang trabaho ko?” tanong nito na hindi ko na pinansin. Itinuon ko na lang ang paningin ko kung nasaan ang mga mini bomb na inilagay ko kanina. I’m just inside the building, kailangan ko lang na makitang nasa loob rin ng building ang targe

