NAHIHIRAPAN si Caleb na makitang sinisira ni Serena ang sarili. At dumagdag pa sa paghihirap niya ang katotohanan na siya ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Hindi naging maingat si Caleb. Maaari naman na nasira ang condom nang maihagis niya at hindi habang inaangkin niya si Serena. Pero ang posibilidad na puwede pa rin niyang mabuntis ito ay malaki ang impact sa asawa... "Hindi ako puwedeng magkaanak! God, ayaw kong magkaanak!" Umiiyak ng wika ni Serena. Pakiramdam niya, ano mang oras ay maglulupasay na ito. Natataranta ito. Pinakalma ni Caleb ang asawa. Niyakap niya ito. "Hush. There's just a little chance na---" "Pero may chance pa rin!" Sinuntok ni Serena ang dibdib niya. "Niloko mo ako! Ang sabi mo ay ikaw ang bahala sa lahat! You should take care of it!" "Serena..." "H

