DAPAT ay naisip na ni Caleb na gulo ang dala ni Serena. Pero nababaliw na nga yata talaga siya. Hindi na tama ang ginagawa niya. Nagkamali na naman siya nang payagan niya si Serena na pumili ng lugar kung saan sila puwedeng mag-dinner. Iyon nga lang, hindi siya sanay na makipagtalo. Matagumpay na tao na ngayon si Caleb. Hindi maiiwasan ang pakikipagtalo para mapunta siya sa lagay niya. Pero hangga't maaari ay iniiwasan niya iyon. Ayaw niya na makipagtalo, lalo na sa isang babae. Palagi kasi niyang naalala ang namayapa niyang Mama. Bilin nito na irespeto niya ang mga kababaihan. Lahat raw ng babae ay deserved na irespeto dahil mahirap raw ang pinagdaraanan ng mga ito. Mama's boy siya kaya mahalaga para sa kanya ang mga payo at bilin nito. Kaya kahit pakiramdam niya ay hindi na

