ITO NA ANG pinakamasayang araw ni Serena. Well, almost. Dream come true para sa kanya ang makita ng malapitan ang crush na si Siwon Choi. Nahawakan pa nito ang kamay niya. Pero nang matapos ang concert at mapansin na mukhang hindi masaya ang kasama niya ay nakonsensya siya. Hindi nagsasalita si Caleb sa kabila ng mga pagkukuwento niya rito tungkol sa sayang na-experience niya. "May problema ba?" wika ni Serena sa asawa habang naglalakad sila papunta sa parking lot. Kakaunti na ang tao roon. Hindi kasi niya muna ito niyaya na umuwi kaagad pagkatapos ng concert. She wanted to still feel the moment. Nagtagal pa sila sa venue kahit na wala na ang Super Junior roon. Hindi nagsalita si Caleb. Nakagat ni Serena ang ibabang labi. Na-guilty siya. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung

