Chapter Two

956 Words
"CRAYON! Wake up!" Crayon just groaned and hid herself under the comforter. Five minutes... "Get up, sleepyhead!" Nawala bigla ang nakatalukbong na comforter sa kanya, at napaungol na lang siya uli nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang nakapikit na mga mata, kasabay ng pamilyar na tunog ng pagbubukas ng blinds ng mga bintana ng kuwarto niya. Awtomatikong napangiti siya nang sumalubong sa kanya ang pinakaguwapong mukha sa mga mata niya. "Good morning, Logan." Eksaheradong sumimangot si Logan. "Bumangon ka na d'yan at maligo. Baka nakakalimutan mong may pasok ka ngayon. Maligo ka na." "It's cold... ayokong maligo." Binigyan siya nito ng ngising aso. "Napag-init na po kita ng tubig, mahal na prinsesa." Dumiretso naman ito sa closet niya para marahil ihanap siya ng isusuot. "You should wear warm clothes today." Nakangiti siya habang pinapanood si Logan na makialam sa mga gamit niya na parang pag-aari nito ang mga iyon. Pati nga ang "hide-out" niya ng mga failed exams niya na pinagkakatago-tago niya ay alam nito kahit hindi niya iyon sinasabi rito. Logan Legazpi was her best friend. A secret brought them together, and they had been friends since they were twelve. Electrical Engineering ang kurso nito samantalang Journalism naman siya. "Here." Nilabas nito mula sa closet niya ang kanyang white V-neck shirt, gray jacket at skinny jeans. Pagkatapos ay hinagis nito ang mga iyon sa mukha niya na ikinaungol niya. "Bilisan mong maligo," bilin nito bago lumabas ng kuwarto niya. Bumuga siya ng hangin at tinanggal ang mga damit na nasa mukha niya. Kahit maligamgam na ang tubig na ginamit niya sa pagligo ay muntik pa rin siyang magyelo sa sobrang lamig na nararamdaman niya. In five minutes, tapos na agad siya sa banyo. Mas matagal pa nga ang oras na nilaan niya sa pagbibihis at pagsusuklay. Pagbaba niya ng kanyang kuwarto ay naabutan niya si Logan na naghahain ng pagkain sa kusina. Pancakes ang iniluto nito ngayon. Naroon din ang kapatid ng binata na si Ate Ellie at ang pinsan niyang si Antenna. "Good morning, Ate Ellie! Good morning, Antenna!" masiglang bati niya sa mga ito. "Good morning," sabay na bati ng mga ito sa kanya. Kapitbahay lang nila sina Ate Ellie at Logan kaya madalas ay nasa bahay nila ang dalawa. She only had her mother now; but her mama, as a doctor, was extremely busy. "You're gonna be late for school," paalala ni Ate Ellie sa kanya. "Eh kasi, napakatamad bumangon," singit ni Logan. Sinimangutan niya lang si Logan. Pagkatapos ay kumain na sila. Pero mayamaya lang ay bigla nang nag-aya si Logan na umalis dahil mahuhuli na raw ito sa morning practice nito. Member kasi ito ng tennis club. "Let's go, Crayon," aya ni Logan sa kanya. "Opo," sagot niya, saka sunod-sunod na sumubo ng pancake. "Hinay-hinay lang," paalala ni Antenna. Saka siya inabutan ng tubig. "Anyway, Crayon, may gagawin ka ba after class?" Inisang-lagok niya ang tubig bago sumagot. "Oo. I-i-stalk ko si Logan. Bakit mo naman naitanong?" Umaliwalas ang maganda nitong mukha. "Magpapa-House Party kasi si Ate Ellie. I'll be there to support my boyfriend, and you should be there to support me!" "That doesn't make sense," naiiling na wika niya. Simula nang magka-boyfriend si Antenna, madalas ay sobrang saya nito. Nakaka-umay, pero masaya siya para sa pinsan niya. "So, Crayon, hindi ka talaga sasama para mapaood ang HELLO Band?" tanong ni Ate Ellie. Bahagyang kumunot ang noo niya. "'HELLO Band'?" Pinandilatan siya ni Antenna ng mga mata. "Oo, sila ung elite band club ng Empire U kung saan tumutugtog ang boyfriend kong si Shark! Ilang ulit ko ba 'yang kailangang ipaliwanag sa'yo, ha? Your word is practically revolving around Logan!" "Crayon, faster!" sigaw ni Logan mula sa labas ng bahay. Parang nag-evaporate sa ere ang lahat ng information na nakuha niya tungkol sa HELLO – whatever band na 'yon nang marinig niya ang boses ni Logan. Nagmamadali siyang tumayo at sinukbit ang mailman bag niya sa katawan niya. "Ate Ellie, Antenna, mauna na kami sa inyo. Bye!" "Hoy, babae, hindi mo ba talaga kami sasamahan sa House Party? You'll really miss half of your life kapag hindi mo narinig kumanta in person ang HELLO!" pahabol ni Antenna. Tumawa lang siya. "I won't, trust me. My other half is waiting for me outside, not in that band!" Pero ang "other-half" niya, hayun at may kausap na magandang babae sa tapat ng bahay niya. Tumaas ang kilay niya. Logan wasn't the type of guy to talk casually to strangers! Dumako ang tingin sa kanya ng babae. "Hi!" Isang pilit na ngiti ang sinagot niya rito, saka niya nilingon si Logan. "Logan?" "Crayon, this is Paige, our new club manager," pagpapakilala ni Logan sa babae. "Paige, this is Crayon, my childhood friend." "Oh, so you're Crayon," nakangiting wika ni Paige. "I've been hearing a lot about you from Logan." Pilit na ngumiti na lang uli siya. Hindi niya kasi alam kung matutuwa siyang kinukuwento siya ni Logan sa iba, o maiinis siya dahil sa implikasyong madalas mag-usap ang dalawa. And she's too beautiful to be a club's manager! "'Nice meeting you, Crayon." Ngumiti lang uli siya. "Anyway, I need to get going." Dumako ang tingin ni Paige kay Logan. Napansin niyang nangislap ang mga mata ng dalaga at mas lalong tumamis ang ngiti. "See you at the club later." "Hmm, yeah," kaswal na sagot ni Logan. Tahimik na pinanood niya lang si Paige mula sa pagsakay nito sa pula nitong Ferrari hanggang sa pagharurot ng sasakyan nito. Nginatngat naman siya ng matinding selos. She's not only beautiful. She has a nice car, too. And she knows how to drive. How cool. Napasimangot siya. Masama sa sikmura ang makitang may gano'ng klase ng babaeng aali-aligid sa lalaking mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD