PASALAMPAK na humiga si Crayon sa kanyang kama. Dumako ang tingin niya sa picture frame sa ibabaw ng bedside table niya. Larawan niya iyon kasama si Logan no'ng first day as high school students nila. Napahikbi siya kasabay ng pagguhit ng kirot sa kanyang puso. Naalala na naman niya ang pagtataksil – este pagsisinungaling sa kanya ng binata.
Puwede naman nitong sabihing kasama nito si Paige, pero bakit kinailangan pa nitong magsinungaling sa kanya?
Bumalikwas siya ng bangon. Kailangan niya nang mapagbubuntungan ng sama ng loob. Gusto sana niyang makausap sina Antenna at Ate Ellie. Pero ang dalawang 'yon, maligayang-maligaya sa panonood sa HELLO Band na 'yon.
HELLO Band?
Binuksan niya ang laptop computer niya at s-i-n-earch sa f*******: ang fan page ng HELLO Band. Hindi siya interesado do'n pero natatandaan niya iyon dahil sapilitang pina-like iyon sa kanya noon ng pinsan niya.
Twenty three thousand likes?!
Sa fan page ng HELLO Band, may nakita siyang link ng video ng mga ito. It was entitled: One Direction –'What Makes You Beautiful' Cover By HELLO.
She clicked the link and she was directed to a video sharing site – Youtube. Hindi rin niya alam kung bakit biglang ginusto niyang panuorin ang video ng HELLO. Siguro ay dahil gusto niyang makahanap ng ipanlalait sa mga ito. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit baliw na baliw ang mga kaibigan niya sa banda.
The video started playing. The first ten seconds were blurred. Pero nakita niyang pumapasok ang band members sa isang tila classroom. Then, when the video became clear. Ang pinakakumuha sa atensiyon niya ay ang lalaking nasa pagitan ng dalawang gitarista. Iyon ang kaklase ni Antenna na madalas mangulit sa kanya. Ito kasi ang kumakanta.
"You're insecure. Don't know what for. You're turning heads when you walk through the door."
When the video reached 0:28 second, she became completely drawn to the band. No – she was magnetized to the boy with messy jet-black hair and sleepy dark eyes.
"Don't need make-up. To cover up. Being the way that you are is enough."
She had to replay the video again and again. Her heartbeat skyrocketed at O:28 second and she had to pause it.
Antenna's classmate looked so cute! Ang gulo-gulo ng makapal at itim na itim na buhok nito, at halatang antok na antok ang mga mata nito, pero nang kumanta ito ay nagsimulang gumalaw ng kaunti ang katawan nito na tila sinasabayan ang beat ng musika. Tila isang sulok lang din ng labi nito ang umangat nang kumanta ito. He looked tired, sleepy yet adorable at the same time.
Seeing and hearing the boy sing in the video somehow calmed her. Maging siya nga ay nagulat sa reaksiyon niya.
She laid on her side, still facing her laptop. She can't help but feel as if he was singing the song for her, because he was looking at the camera and she made-belive herself he was looking straight at her. She smiled and closed her eyes.
"Baby you light up my world like nobody else. The way that you flip your hair gets me overwhelmed. But when you smile at the ground it ain't hard to tell. You don't know. Oh, oh. You don't know you're beautiful..."
Ah, I remember now. That boy's name is Riley.
***
"ATE, I'm really sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo ang plano ng team."
"Bakit? May magagawa pa ba ako? Eh, narito na ang mga kaibigan mo at in-i-invade ang bahay natin, kahit walang permiso ko."
Tahimik lang si Crayon habang pinapanood magtalo ang makapatid na Logan at Ate Ellie. Nakaupo siya sa windowsill habang nasa balkonahe naman ang dalawa. Kahit naman siya ay masama ang loob dahil hindi sila sinabihan ni Logan sa plano nito.
Siya ba ang may idea niyan o si Paige?
Hindi niya maalis sa isip niya iyon dahil obvious naman na si Paige ang umasikaso ng House Party na 'yon simula sa food hanggang sa pag-contact sa HELLO Band. Nagulat siya kanina nang pagkatapos ng laban ng tennis team ni Logan ay bigla na lang nitong sabihing nagpa-house party ito, gayong wala namang hilig sa mga banda si Logan.
"Crayon, 'wag ka nang mag-emote d'yan," untag ni Antenna sa kanya na mukhang hindi apektado sa mga nangayari. "Just look at the brighter side. At least, makikita mo na ang performance ng HELLO."
Sumimangot siya. "Boyfriend mo na si Shark, hindi ka pa rin nagsasawa sa HELLO na 'yan?"
Humagikgik ito. "Eh sa kinikilig pa rin ako kapag nakikita ko siyang tumutugtog."
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Kadiri ka, Antenna."
"Hey, guys! They're here!" masayang bulalas ni Paige na nakapagpahinto sa usapan nila ng pinsan niya. Kasunod nitong pumasok ang magkapatid na Logan at Ate Ellie, at ang apat na lalaking may bitbit na kanya-kanyang instrumento – ang HELLO Band.
Pabirong siniko siya ni Antenna sa tagiliran. "Kilala mo na ba ang members ng HELLO, Crayon?"
Nagkibit-balikat siya. "Kilala ko si Shark dahil bukambibig mo siya."
Bumungisngis si Antenna, sabay turo sa matangkad na lalaki na walang emosyon sa mukha at may bitbit na gitara. "That's Bread, the band's lead guitarist." Sunod na itinuro naman nito ang maliit na lalaking may brown na buhok na may dala ring gitara. "That's Connor. Siya ang lead vocalist ng banda noon pero ngayon ay nagba-back up na lang siya." Kumislap ang mga mata nito nang dumating na ang nobyo nito. "And of course, that's Shark."
Iniwan na siya ni Antenna nang salubungin nito si Shark. Nagyakap agad ang magkasintahan.
"Crayon!" nakangiting tawag ni Antenna sa kanya. Kahawak-kamay nito si Shark na malapad din ang ngiti.
Tumaas ang kilay niya. "What?"
May kung sinong tinuro si Antenna sa may pinto. "That's Riley Mac Domingo. The rocker."
Pakiramdam niya ay nag-slow motion ang lahat ng nasa paligid niya nang pumasok ang huling miyembro ng banda. Riley, like he was in the video, looked sleepy, tired and cute. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang excitement na umusbong sa puso niya nang makita uli ito. She felt giddy and nervous for some reason.
Binigyan ni Ate Ellie– na mukhang nawala na ang bad mood – ng silya ang banda. Pinagitnaan ng mga gitaristang sina Connor at Bread ang bassist na si Riley. Lahat ng bisita – ang miyembro ng tennis team at ang mga kaklase nina Logan at Ate Ellie – ay naupo sa paligid ng grupo. Some even sat on the floor.
She didn't move from her place. Hindi kasi niya maintindihan ang reaksiyon niya kay Riley. Heck, she couldn't even take her eyes off him!
Mag-iwas ka ng tingin, Crayon!
"Good evening, party people!" masiglang bati ni Connor. "Our band is so honored to be invited in Empire Tennis Team's victory party. This is a special occasion, so we'll accept request songs from you."
Hindi siya umalis sa puwesto niya kahit no'ng nagsimula nang kumanta ang banda. They sang Bruno Mar's Grenade. Connor and Bread played like professional guitarists, Shark hit the cajon powerfully, and Riley... his cuteness and his husky voice made everything perfect.
Nawala lang sa banda ang atensiyon niya nang lumapit sa kanya si Logan... at Paige.
"Crayon, ihahatid ko lang si Paige. I'll be right back," paalam ni Logan sa kanya.
Alanganing napatango na lang siya. "Ah, okay..." Dumako ang tingin niya kay Paige at binigyan ito ng tipid na ngiti. "Bye."
She smiled, too. "Bye."
Malungkot na hinatid niya lang ng tingin ang dalawa. Pero hindi rin siya nakatiis ang sinundan din ang mga ito. Naroon pa rin sa garahe ang kotse ni Logan pero wala ang dalawa. Naglakad siya palabas habang hinahanap ang mga ito.
Takot siya sa dilim at lalong takot siya mag-isa, pero ng mga sandaling iyon ay may malakas na puwersang nagtutulak sa kanya na hanapin sina Logan at Paige. Natagpuan niya ang dalawa sa may playground ng kanilang subdivision. Mukhang seryoso ang dalawa kaya nagtago muna siya sa likod ng isang matabang puno. May kung ano siyang naapakan na lumikha ng mahinang ingay. Napayuko siya at nagtago sa damuhan nang lumingon sina Logan at Paige sa direksyon niya. Mabuti na lang at may pusang lumabas at iyon ang inakala ng dalawa na gumawa ng ingay.
Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga nagkalat na carton box na pinaglalaruan ng mga bata ro'n kapag umaga.
Muntik na kong mabuking dahil sa inyo.
Muli niyang binalik ang tingin niya sa dalawa. Natigilan siya sa tagpong sumalubong sa kanya. Logan and Paige were kissing.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na tila dumurog sa puso niya ng mga sandaling iyon. Tumayo siya at akmang lalapitan sina Paige at Logan nang may kung sinong pumigil sa kanya sa braso. Nakita niyang naghiwalay ang mga labi nina Paige at Logan at palingon sa direksyon niya nang may kung sinong pumihit sa kanya at bigla na lang dumilim ang paligid.
Napasinghap siya at agad gumapang ang takot sa sistema niya, subalit nang marinig ang pamilyar na boses na iyon at kumalma siya.
"Crayon."
"Riley?" Nang mag-adjust na ang mga mata niya sa dilim ay no'n niya napansing may malaking tila Balikbayan box ang nakatalukbong sa mga ulo nila. Natakpan niyon ang hanggang baywang nila. "Sira-ulo ka ba? Bakit ta –" Tinakpan ni Riley ang bibig niya.
"Shh. They'll hear your voice," saway ni Riley sa kanya.
Dahil masikip ang lugar na "pinagtataguan" nila, hindi maiwasang magkalapit sila ng binata. Hindi siya sanay na napag-iisa kasama ang ibang lalaki bukod kay Logan. Pero ng mga sandaling iyon, komportable siya kasama si Riley kahit hindi niya ito lubusang kilala. Strange, but she felt safe with him.
Gayunman, hindi pa rin maiwasan ang reaksyon ng katawan niya kapag gano'n ang sitwasyon. Pasimpleng niyakap niya ang sarili upang itigil ang panginginig ng katawan niya.
"Talaga bang binalak mong magpakita sa dalawang 'yon kanina?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Riley mayamaya.
Eksaheradong sumimangot siya. "I need to know why –"
"They are kissing?" pagtatapos nito sa sinasabi niya. "Ah, Crayon. You're pretty but you're kinda dumb. Isn't it obvious to you the reason why they're kissing?"
Sinuntok niya ito ng mahina sa dibdib na ikinasinghap nito. Pero dahil tama ito, wala siyang nasabi upang ipagtanggol ang sarili niya. Katangahan nga siguro ang balak niyang gawin kanina. Buti na lang pala ay napigilan siya nito.
Logan liked Paige.
Napayuko siya. Papatak na sana ang luha niya nang bigla na lang kumanta si Riley.
"I don't mind spending everyday. Out on your corner in the pouring rain. Look for the girl with the broken smile. Ask her if she wants to stay awhile. And she will be loved. She will be loved..."
She was once again mesmerized by Riley's husky singing voice. Rakistang rakista ang dating niyon.
"It's not always rainbows and butterflies. It's compromise that moves us along, yeah. My heart is full and my door's always open. You can come anytime you want..."
Nakaramdam siya ng kakaibang sinseredad sa pagkanta ni Riley ng mga linyang iyon. She found solace and serenity in his song, in his voice. Ah, no. It was more like he was really comforting her.
"You will be loved."
Nagulat siya nang marinig ang mga salitang iyon. Nag-angat siya ng tingin kay Riley. Nakatingin pa rin ito sa kanya. May emosyon sa mga mata nito na hindi niya maintindihan.
"Don't cry," he mouthed her.
He was about to reach out a hand to her, pero nag-iwas siya ng mukha rito. Hindi siya sanay na hinahawakan ng ibang lalaki ng walang permiso. Nagawa na ni Riley 'yon kanina kaya hindi niya hahayaang gawin nito uli iyon. He just gestured as if he was brushing away her tears.
Weird, but she found it sweet.