Chapter Eleven

1706 Words
NAKAPASAK ang earphones ni Crayon sa mga tainga niya kahit wala namang musika iyon. Ayaw niya lang may kumausap sa kanya kaya siya naglagay niyon. Kasama niya kasi ng mga sandaling iyon si Antenna at ang nobyo nitong si Shark. Gano'n din ang magkasintahang Bread at Peanut. Naroon sila sa tennis court ngayon para panuorin ang practice game ng tennis team ni Logan. "Talaga? Tutugtog ang HELLO Band sa Fine Arts Night?" masayang tanong ni Antenna. Tumango si Shark. "Yep. Mabuti na rin 'yon para mabantayan kita sa Night ng college niyo. I'll be your date, okay?" Yumakap si Antenna kay Shark. "Sure. Puwede bang magsama ng date ang ibang member ng HELLO kahit mula sa ibang college?" "Yep. Si Peanut ang ka-date ni Bread sa gabing iyon." Nag-thumbs up sina Peanut at Bread bilang kumpirmasyon sa sinabi ni Shark. "Inaya na kaya ni Riley si Crayon maging date sa FA Night?" biglang tanong ni Shark. "Bukambibig niya kasi 'yon nitong nakalipas na araw." Muntik nang maubo si Crayon dahil sa narinig niya. Bigla kasing nag-iba ang t***k ng puso niya. May balak si Riley na ayain siyang maging date nito sa Night ng kolehiyo nito? "Hindi papayag si Crayon. Ni hindi nga siya um-a-attend ng Night ng Masscomm," naiiling na sabi ni Antenna. Mas lalong nagwala ang puso niya nang dumating si Riley at walang sabi-sabing umupo sa tabi niya. Nagpanggap siyang abala sa pagtetext para hindi siya mapilitang lingunin ito. "Hi, Crayon," bati ni Riley sa kanya. Hindi niya ito pinansin. "Riley, parating naka-todo ang volume ng pinapakinggan ni Crayon kapag naka-earphones siya kaya hindi niya tayo naririnig," imporma ni Antenna kay Crayon. "Oh." Gusto na sana niyang pasimpleng dukutin sa bag niya ang Ipod niya at buksan iyon subalit hindi niya magawa dahil nararamdaman niya ang madalas na pagsulyap-sulyap ni Riley sa kanya. Pakiramdam niya, napapaso siya sa tingin nito. "Alam mo, Crayon..." Napalunok siya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Riley. "Kung camera lang ang mga mata ko, siguradong memory full na ang mga ito sa sobrang dami ng stolen shots mo. I like you. Really, really like you," pabulong na sabi ni Riley na sinundan pa nito ng buntong-hininga. Muli ay binalot ng kakaibang kaba ang dibdib ni Crayon. Wala siyang ibang marinig kundi ang malakas at mabilis na t***k ng puso niya dahil sa mga sinabi ni Riley. Kung aaminin din niya, sasabihin niyang kinilig siya dahil sa mga paru-paro sa tiyan niya na hindi niya alam na meron pala. I want to see his face. Unti-unting niyang nilingon si Riley. Nagulat siya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya pero hindi siya nag-iwas ng tingin. Alam niyang gusto siya ni Riley dahil madalas nitong sabihin iyon, pero ngayon niya lang nakita sa mga mata nito ang emosyong iyon habang nakatingin sa kanya. Was it... love? Naantala lang ang pagtititigan nila ni Riley nang may marinig siyang ingay. Dumako ang tingin niya sa tennis court. Nakahilera ang lahat ng unipormadong player ng tennis team sa harap ni Paige na halatang naguguluhan sa nangyayari. Bawat isang player ay may placard na hawak. "Will you be Captain Logan's date this coming FA Night, Manager Paige?" sabay-sabay na sigaw ng mga manlalaro. Naitakip ni Paige ang mga kamay nito sa bibig nito nang mahawi ang mga player sa dalawa at lumabas si Logan na may dalang isang bungkos ng pulang bulaklak, pagkatapos ay nagyakap ang dalawa. Fine Arts nga pala ang kurso ni Paige. Kinapa niya ang damdamin niya. Hindi na sing sakit noon ang nararamdaman niya ngayon. Logan was her savior, her hero, her best friend. Maluwag na sa kalooban niya ngayon na palayain si Logan. Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kamay niya. Nilingon niya si Riley pero hindi ito nakatingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa kamay nito. Nakapatong ang kamay ni Riley sa kamay niya pero sa pagitan ng mga daliri nito ay may nakaipit na dilaw na bulaklak na mukhang pinitas lang nito sa katabi nitong halaman. Napangiti siya at kinuha iyon. "Thank you." No'n siya nilingon ni Riley. Pagkatapos ay marahan nitong inalis ang earphones niya. "I already told you to stop using this pathetic excuse to ignore people. You heard what I said earlier, right?" Nakagat niya ang ibabang labi niya, saka siya yumuko. Alam pala ni Riley na naririnig niya ito kanina. Alam din kaya nito na natuwa siya sa mga sinabi nito? *** NAGTAKA si Crayon nang maabutang nagkakagulo sina Ate Ellie at ang iba pang co-writer niya sa student publication nila sa harap ng isang computer gayong may iba namang computer sa loob ng opisina nila. "Ate Ellie, anong meron?" tanong niya rito. Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kanya at bigal ring nagtititili ang mga ito. Naramdaman niyang may kinalaman sa kanya ang kaguluhang nangyayari kaya tatakbo na sana siya palabas ng opisina nang hilahin siya ni Ate Ellie pabalik at sapilitang pinaupo sa harap ng computer. "You have to watch this!" excited na sigaw pa ni Ate Ellie. Kumunot ang noo niya nang may Youtube video na nag-play. Pero unti-unting nawala ang kunot ng noo niya nang biglang lumitaw sa screen ang guwapong mukha ni Riley. Nakaupo ito sa isang mataas na stool habang tumutugtog ng gitara. Kuwarto yata nito ang nasa backgraound dahil may king-sized bed sa likuran nito. Mula sa salaming pader ng kuwarto ay matatanaw ang magandang hardin. Nawala lang sa background ang atensiyon niya nang magsimula nang kumanta si Riley. "'Wag kang maniwala d'yan, 'di ka niya mahal talaga. Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya..." Katulad ng unang beses na napanood niya si Riley sa video habang kumakanta, nagustuhan niya ang boses nito. Pero tila mas malala ngayon ang nararamdaman niya dahil bukod sa pagbabago ng t***k ng puso niya, tinubuan na rin siya ng mga invisible na paru-paro sa tiyan niya. "Akin ka na lang. Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang. Akin ka na lang. Wala nang hihigit pa sa'yo." "Crayon, look! May three thousand views mahigit na agad ang Youtube video na 'yan eh kagabi lang 'yan in-upload at p-i-n-ost sa fanpage ng HELLO!" kinikilig na sabi ng isang writer. "Shh!" saway ni Ate Ellie dito. "Malapit na ang magandang parte ng video!" Binitawan ni Riley ang gitara nito at tumayo ito habang may kung anong tinatago mula sa likuran. Tumigil na ito sa pagkanta. "Crayon Anne Pacia." Napahawak si Crayon sa dibdib niya nang banggitin ni Riley ang pangalan niya na may kalakip na pagmamahal. Maging siya ay gusto na rin tuloy makitili sa mga kasama niya. "Sinabi ko sa'yo noon na sisimplehan ko na ang panliligaw sa'yo, pero binali ko 'yon sa paggawa ng video na 'to. I'm sorry, I just can't help it. Pagdating kasi sa'yo, hindi uubra ang mga simpleng pagpapa-cute. You're the only girl in my heart, Crayon, trust me. But you could be so dense sometimes. Kung hindi ko pa sasabihin sa'yo ng harapan o ipagsisigawang gusto kita, hindi mo mapapansin 'yon. I need to elaborate everything for you, baby." Natawa siya ng mahina. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi nito. "Hindi man ako ang lalaking gusto mo no'ng una, handa pa rin akong gawin ang lahat ng effort para sa huli ay ako ang piliin mo." Lumuhod si Riley at inalay ang bulaklak sa harap ng camera. "Crayon, will you be my prom date?" Nagtilian ang mga kasamahan niya sa opisina. Si Crayon naman ay nangilid ang mga luha. Dali-dali siyang tumayo palabas ng opisina. Habang lakad-takbo siya sa pasilyo ay nadaanan niya ang computer room. Mula sa salaming bintana ay nakita niyang nakabukas ang lahat ng computer at pinapanood din ng mga estudyanteng naroon ang Youtube video ni Riley. Mas binilisan niya ang pagtakbo. Hinahanap niya si Riley para mabatukan niya ito. Ang lahat ng makakasalubong niya ay tinuturo siya, pagkatapos ay pagbubulungan siya. Labasan na ng karamihan sa mga klase kaya sabay-sabay ang paglabas ng mga estudyante. Nang nakaramdam siya ng pagod ay naupo muna siya sa hagdan. Nasa'n na kaya ang Riley na 'yon? May kung sinong umupo at tumikhim sa tabi niya. Sa pabango pa lang ng lalaki ay kilala na niya ito. Marahas na nilingon niya si Riley. Nakatingin ito ng diretso sa harap nila. Narinig niya ang malakas na panunukso ng mga kaeskwela nilang alam niyang pinapanood sila ni Riley ngayong magkatabi silang nakaupo sa hagdan. "Riley, ano na naman 'to?" kunot-noong tanong niya rito. Nakangiting nilingon siya ni Riley. Sa kanyang pagkagulat, kumanta ito. "'Wag ka dapat sa'kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan. Akin ka na lang." "Akin ka na lang," kanta naman ng mga kaeskwela nila na nagsilbi nang back-up ni Riley. "Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang," patuloy na pagkanta ni Riley. "Akin ka na lang," the students sang in chorus again. "Wala nang hihigit pa sa'yo." Hinawakan ni Riley ang mga kamay niya at lumuhod ito sa harap niya. "Akin ka na lang. Liligaya ka sa pag-ibig ko. Akin ka na lang. Wala nang hihigit pa sa'yo." He kissed the back of her hand. "Akin ka na lang, Crayon." Hindi na talaga niya alam ang gagawin sa lalaking ito. Binasag nito ng walang kahirap-hirap ang depensa niya. Hindi na niya ito magawang itulak palayo dahil bukod sa masasaktan ito, alam niyang masasaktan din siya. Mukhang nakuha nito ang malaking bahagi ng puso niya nang hindi niya namamalayan. "Ano nga uli 'yong tanong mo sa video?" tanong niya rito. Ngumiti si Riley at may kung anong dinukot mula sa likod na bulsa ng pantalon nito. It was a long-stemmed red rose. "Crayon Anne Pacia, will you be my prom date?" Hindi na niya napigilang mapangiti. "Kahit naman hindi mo ginawa ang video na 'yon at tinanong mo lang ako ng maayos, papayag pa rin ako." Halatang nagulat ito, pero nang makabawi ay ngumisi ito. "Like I said in the video, pagdating sa'yo, exag dapat ang lahat dahil manhid ka na, suplada ka pa." Natawa siya saka pabirong sinuntok ito sa dibdib na ikinasinghap nito. "Sira-ulo ka talaga." "Oo, at kasalanan mo 'to. You drive me crazy, Crayon." Nag-init ang magkabila niyang pisngi kasabay ng hiyawan ng mga kaeskwela nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD