NAIKUYOM ni Riley ang mga kamay niya habang naglalakad siya. Nagagalit siya at nagseselos, mga bagay na wala siyang karapatang maramdaman dahil hindi naman sa kanya si Crayon.
Nang yakapin siya ni Crayon kanina, akala niya sa wakas ay pareho na ang nararamdaman nila. Pero nang sabihin ni Crayon kay Logan na hindi na kailangang mag-alala ng lalaki dahil nasa buhay na siya nito, no'n niya naisip na ginagamit lang siya ng dalaga para maikubli ang sakit na nararamdaman nito. Hindi niya 'yon matanggap.
"Riley."
Tumigil siya sa paglalakad nang may humawak sa kamay niya – si Crayon. Pumihit siya paharap dito. "Bakit sinundan mo pa ko? Hindi ba't ang sabi ko naman, kukuha lang ako ng inumin."
Tumaas ang kilay nito. "Kung hindi mo napapansin, palabas ka na ng hall."
Napakurap siya at lumingon sa paligid. Tama si Crayon. Nasa pinto na nga siya ng hall. "Oh."
Bumuga ito ng hangin. "Dinala-dala mo ko rito, pagkatapos ay iiwan mo naman pala ako. Ano bang problema, Riley?"
"Ikaw."
"What?"
Nag-iwas siya ng tingin dito. "Crayon, alam ko namang pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa'yo kaya wala akong karapatang magreklamo kung mahirapan man ako. Pero 'yong gamitin mo ko para lang ipamukha mo sa Logan na 'yon na kaya mo nang wala siya, ang sakit no'n. I sincerely like you. Hindi ba puwedeng tratuhin mo ng maayos ang nararamdaman ko para sa'yo?"
Hindi niya gustong sabihin ang mga 'yon kay Crayon pero hindi sila magkakaintindihan kung mananahimik lang siya. He was badly hurt, and that was the first heartbreak he encountered.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang bigla siyang talikuran ni Crayon. Nang naglalakad na ito palayo ay saka lang niya napagtanto na kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit huwag lang itong mawala sa kanya.
"Crayon, joke lang 'yon!" biglang bawi niya habang sinusundan ito.
Dahil sa mabilis niyang paglalakad ay hindi niya namalayang hindi na pala nakasintas ang sneakers niya. Naapakan niya ang sintas na naging dahilan ng malakas na pagkakabagsak niya. He fell on the floor with his butt first.
Dang, it hurts!
May isang kamay na sumulpot sa harap niya. Pag-angat niya ng tingin ay nagulat pa siya nang makitang si Crayon ang nagmamay-ari niyon. Binalikan pala siya nito. Tinanggap niya ang kamay nito. Hinila siya nito patayo.
Tumikhim siya para takpan ang pagkapahiya niya. "Thanks."
Bumuntong-hininga lang si Crayon, pagkatapos ay nag-squat paupo sa harap niya. Sa kanyang pagkagulat ay sinintas nito ang sneakers niya! It was weird for a girl to tie a boy's shoelace, and it was weirder to see Crayon do that for him since she was a snub. But at that moment, the weirdest thing was his heart changing its pace: his heartbeat skyrocketed!
"You're pretty, Crayon," biglang bulalas niya.
Tumayo na si Crayon. Bahagyang nakakunot ang noo nito. "You know, when someone compliments me, I'm torn between saying "thank you" and "I know.""
Bigla siyang natawa. This girl was amazingly confident about herself and it was cute! Tumigil lang siya sa pagtawa nang sumimangot si Crayon, pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Hay. I'm sorry for acting like a child, Crayon."
Umiling ito, pagkatapos ay nilabas nito mula sa likuran nito ang mga bulaklak na sa tingin niya ay kinuha nito mula sa isang vase na nakapatong sa mga mesa. "Ako ang dapat mag-sorry. Hindi kita ginamit para lang ipamukha kay Logan na kaya ko nang wala siya. Selfish mang sabihin pero I'm really grateful to have you by my side, Riley."
Nagulat siya sa mga sinabi nito, pero mas nangibabaw ang sayang nararamdaman niya. Nakangiting tinanggap niya ang bulaklak na inaalay nito sa kanya at sinuksok iyon sa breast pocket ng suit niya. "Hindi ko akalaing marunong pala akong kiligin."
Natawa ng mahina si Crayon. "Will you dance with me, Riley?"
"Kahit ga'no pa katagal, Crayon," nakangiting sagot niya, saka ito hinapit sa baywang. "You really drive me crazy."
Sumimangot lang ito bago pinatong ang mga kamay nito sa magkabila niyang balikat. "Ako ang mababaliw sa sobrang kakulitan mo."
Napangiti lang siya. Nakakatawang isipin na kanina lang ay mamatay-matay na siya sa sakit na nararamdaman niya, pero ngayon ay parang sasabog naman ang puso niya sa sobrang saya. Kahit siguro ilang beses siyang saktan ni Crayon ay mapapatawad pa rin niya ito. Dahil ito lang din naman ang makakaalis ng sakit na nararamdaman niya.
Marahil hanggang ngayon ay nagtataka ang mga kaibigan niya kung bakit kahit suplada si Crayon ay hinahabol-habol niya pa rin ito. Hindi rin niya alam ang eksaktong dahilan.
Pero simula nang makita niya ito apat na taon na ang nakakalipas, may isang bagay dito na hindi niya maalis sa isip niya – ang mga mata nito na gusto niyang makitang ngumiti. Maaaring 'yon ang dahilan kung bakit gusto niya ito, at maaari ring naghahanap lang siya ng sagot sa tanong ng mga kaibigan niya.
Ano man ang dahilan, hindi naman na magbabago ang nararamdaman niya para kay Crayon. Na kahit isang sulyap lang nito, sulit na ang lahat ng hirap niya sa pagpapapansin dito.
I give up, I give up. I'm in love with this snub girl.
***
HINDI maalis ni Crayon ang ngiti niya habang bino-browse niya sa cell phone niya ang fanpage ng HELLO Band sa f*******:. Naka-post na kasi ro'n ang picture ng banda no'ng FA Night. Pero ang mga ikinakatuwa niya ay ang mga litrato nila ni Riley habang nagsasayaw.
LadyShane Tuppal and 7,078 people like this photo.
Napahinto siya sa paglalakad nang mapadaan siya sa clubroom ng HELLO Band. Nakaawang ang pinto niyon kaya sumilip siya sa loob. Nakita niya si Riley na pinipintahan ang kaharap nito na may kalakihang karton.
Nagulat siya nang mapatitig siya sa mukha ni Riley habang nagpipinta ito. Ngayon niya lang ito nakitang gano'n kaseryoso. His usually sleepy eyes were wide-open now and she could see full passion and determination in them. Puno ng talamsik ng iba't ibang kulay ng pintura ang suot na plain white T-shirt ni Riley, gano'n din ang kanang pisngi nito.
Naramdaman niya ang unti-unti niyang pagpigil sa kanyang hininga habang pinapanood ang mabilis at tila may ritmong paggalaw ng kamay ni Riley habang nagpipinta ito. He looked... hot.
Nagulat siya sa salitang ginamit niya upang ilarawan si Riley kaya nabitawan niya ang cell phone niya. Mabilis siyang yumuko at pinulot iyon. Sa pagtayo niyang muli ay nagtama ang mga mata nila ni Riley. Kinilabutan siya nang makita ang matinding iritasyon sa mukha nito.
Napaatras siya. "Sorry." Paalis na sana siya nang marinig niyang tinawag siya nito. His voice sounded unusually authoritative. Napilitan tuloy siyang bumalik sa puwesto niya.
Nakatayo na si Riley sa harap niya at niluwagan na rin nito ang pagkakabukas ng pinto. "Come in."
Umiling siya. "You look scary."
His face suddenly softened. "Pasensiya ka na, Crayon. Ayoko lang kasi na naiistorbo ako kapag nagpipinta ako."
Nakagat niya ang ibabang labi niya. "Hindi ko sinasadyang istorbohin ka." Nag-aalangan man no'ng una ay nagawa pa rin niyang haplusin ang pisngi nito. "Sorry."
Tiningnan siya nito, pagkatapos ay kinuha nito ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob ng clubroom. "Kalimutan na natin 'yon. Tingnan mo 'to."
Hindi niya magawang tingnan ang tinuturo nito dahil hindi niya maalis ang tingin niya sa magkahawak nilang mga kamay ni Riley. Lihim siyang napangiti. Hindi niya alam na magiging masaya siya sa simpleng pagkakahawak lang ng kamay.
"Crayon?" untag ni Riley sa kanya.
Napilitan siyang ituon ang atensyon niya sa bagay na tinuturo sa kanya ni Riley. Napakurap siya. "Riley, 'yan ba 'yong Balikbayan box na pinagtaguan natin noon?"
Riley smiled proudly. "Yep. Inuwi ko 'yan pagkatapos mong mag-walk out sa'kin ng gabing 'yon."
Inirapan niya lang ito. Totoong nag-walk out siya no'n dahil nahihiya siya matapos niyang umiyak sa harap nito gayong estranghero pa lang ito sa kanya noon. Tiningnan niya ang karton. Nakakatuwang makitang makulay na iyon ngayon, malayong-malayo sa plain brown na kulay niyon noon.
"You're smiling," komento ni Riley. "Nagustuhan mo ba?"
Tumango siya. "Oo. Pero bakit pinulot mo pa 'yan at ginawang obra?"
Nagkibit-balikat ito. "Importante sa'kin ang karton na 'yan dahil 'yan ang dahilan kaya mo ko tiningnan sa mga mata sa unang pagkakataon.."
Napayuko siya upang itago ang tiyak na pamumula ng mga pisngi niya. "You're sentimental."
"Lahat naman siguro ng artist, sentimental." Hinawakan siya ni Riley sa braso at inakay papunta sa sofa. "Anong gusto mong merienda, Crayon?"
Umiling siya. "Kakakain ko lang sa canteen."
Umupo si Riley sa armrest ng sofa na kinauupuan niya. "Oh. So, what brought you here?"
"Ahm..." Tumikhim siya. "Tumutugtog ba ang HELLO Band sa labas ng Empire U?"
"Hindi."
Nalaglag ang mga balikat niya. "Oh."
"But I'll make an exception for you. Saan mo ba kami gustong tumugtog?"
Nag-angat siya ng tingin dito. "Talaga?"
"Oo, malakas ka sa'kin eh."
Sumimangot siya upang itago ang kilig na nararamdaman niya. "Kung puwede sana, sumama ang HELLO Band sa pagdalaw namin nina Antenna sa shelter na sinusuportahan ng pamilya namin. Karamihan kasi sa mga naroon ay mga bata. Gusto ko sana silang sorpresahin sa pamamagitan ng pagtugtog niyo para sa kanila."
Nagulat siya nang bigla na lang masuyong guluhin ni Riley ang buhok niya. "Ang bait talaga ng baby ko."
Kunot-noong inalis niya ang kamay nito sa ulo niya. "Sinong baby mo?"
"Ikaw. 'Di ba ang mga baby, inaalagaan? Inaalagaan kita kaya baby kita," nakangising sabi nito.
Pabirong sinuntok niya ito pero naiwasan nito iyon sa pagtayo nito. Eksaheradong sumimangot na lang siya habang pilit na pinapakalma ang t***k ng puso niya at ang mga paru-paro sa tiyan niya.
Pagbalik ni Riley sa armrest ay may dala na itong logbook. Inabot nito iyon sa kanya. "Isulat mo na lang d'yan ang address ng shelter at kung kailan at anong oras kami pupunta."
Tumango siya. "Magkano ang ibabayad ko sa inyo?"
"Wala."
Nilingon niya ito. "Wala?"
Ngumiti ito. "Hindi ko pababayaran sa'yo ang lahat ng bagay na ginagawa ko sa ngalan ng pag-ibig. Tutugtog kami ng libre. Isa pa, kung para sa mga bata 'yon, tiyak naman na hindi rin magpapabayad ang mga ka-banda ko."
She was touched. Hindi na niya napigil ang pagngiti niya. "Riley, thank you. Kahit makulit ka, mabait ka talaga."
"Well, kung gusto mo talagang magpasalamat, halikan mo na lang ako," halatang nagbibirong sabi nito, saka tinuro ang pisngi nito.
Natawa siya. Sa pagtayo niya ay pinukpok niya ang logbook sa ulo ni Riley. Pero bago pa ito makapagreklamo ay yumuko na siya para halikan ito sa pisngi. Nang dumiretso siya ng tayo ay napahawak siya sa dibdib niya. Napakalakas ng t***k ng puso niya.
Napatitig siya kay Riley. He looked shocked. Pulang-pula rin ang buo nitong mukha.
"Riley?" untag niya rito.
Riley didn't move. He didn't talk. He turned into a stone!