Napatingin si Apo Simon kay Reann. Inoobserbahan niya ang kanyang mukha kung uto ba ay nanglililang lang o nagsasabi siya ng totoo. Sa kanyang nakikita, seryoso ang mukha ni Reann. Wala bahid ng pagsisinungaling pero kahit na ganoon, nagdadalawang-isip pa rin siya dahil kilala niya ang ugali ng tunay na prinsesa ng Alora. Tayong mga tao, kung ano ang unang nakita natin na pag-uugali at kilos ng isang tao, iyon ang naitatanim sa ating isipan. Mahirap paniwalaan na dahil lang sa isang nangyari, bigla na lang magbabago ito. " Nais mong baguhin? Maaari ko bang malaman kung ano ang mga nalaman mo kaya mo iyan naisip? " tanong ni Apo Simon sa kanya. Napapikit ng mga mata at napabuntong hininga si Reann bago niya sinagot ang tanong ni Apo Simon. " Napag-alaman ko na kayong mga Walan ay bi

