Chapter 9

2075 Words

Naging mahirap ang pagsasanay ni Reann mula sa tamang pagtayo, paglalakad, pananalita hanggang sa tamang pustura ng kanyang katawan. Itinuro din sa kanya kung paano ang tamang pagkain, tamang pananamit at kung paano makipag-usap sa mga miyembro ng Mahar. Alam ni Reann na kahit nag-ensayo siya ay hindi pa niya ganoong gamay ang mga iyon pero kailangan niyang gamitin ang mga natutinan niya kahit na anong mangyari. Wala na siyang magagawa dahil mamayang gabi ay magaganap na ang piging na inorganisa ng Mahal na Hari at Mahal na Reyna para ipagdiwang ang kanyang paggising. " Dalawang oras na lang. Dalawang oras na lang at makakasalamuha ko ang iba pang mga Mahar mula sa iba't ibang kaharian, " sabi ni Reann sa kanyang sarili habang nakaupo sa harap ng malaking salamin at inaayusan siya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD