Chapter 53

2093 Words

" Ang sarap ng pakiramdam! " masayang sambit ni Reann habang pauwi silang dalawa ni Cedie sa palasyo.  Tahimik lang si Cedie dahil sa kanyang iniisip, tungkol sa mga nalaman niya at nabasa niya sa mga dokumentong nasa kamay ng mga Walan sa Kanlao.  " Kitang kita ko talaga na gustong matuto ng mga bata, " pagpapatuloy ni Reann sa pagsasalita.  Napatingin si Reann kay Cedie dahil hindi siya nagsasalita. Sanay na naman itong hindi siya kinakausap pero naramdaman niyang may kakaibang nangyayari sa kanya o may malalim siyang iniisip.  " Ok ka lang , Haring Cedie? Alam kong nabagot ka sa Kanlao pero bakit parang kakaiba ka yata? " nagtatakang tanong Reann kay Cedie.  Napabalik sa ulirat si Cedie dahil sa tanong ni Reann. Napatingin siya sa kanya at nakita niya ang nagtatakang mukha niya. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD