Mula sa mga nagningningang mga ilaw na nakapalibot sa buong bulwagan, ang masayang tugtog na naririnig ng mga bisita, ang mga dekorasyon mula sa mga lamesa, upuan na kulay dilaw, ang mga palamuting isinabit sa buong bulwagan ay abala ang mga bisitang nag-uusap. Nang pumasok si Rama Armando, kasama ang kanyang anak na si Precious at sina Prinsipe Cedie at Reann, natuon ang lahat ng kanilang atensyon sa kanila. Matamis at malaki ang nguti ni Reann sa mga taong dumalo sa kaarawan ni Rama Armando pero mapapansin ang mga tingin ng mga bisita sa kanya.. Alam ni Reann na maraming negatibong kaugalian ang totoong prinsesa kaya ganyan ang mga tingin nila kaya pinabayaan na lang niya pero hindi niya maiwasan na marinig ang ilang mga bulungan tungkol sa kanya. ' Bakit pa nagising iyang prinses

