Matagal na din simula nang mag simula siyang mag iwan ng letter sa locker ko. Nung una hindi ko lang ito pinapansin, pero na curious ako kaya nag simula akong mag iwan ng letter sa locker ko nag babakasakaling makikita niya ito.
“Hoy, Kuya kanina ka pa nakatitig dyan” puna sakin ng nakababata kong kapatid, si Kira.
Napa-tawa nalang ako atsaka niligpit ang mga gamit ko sa study table namin.
Bumukas ang pintuan ng kwarto namin at iniluwa non si mama, malambing siyang ngumiti “Matulog na kayo mga anak, may pasok pa kayo bukas” malambing niyang saad.
Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi niya “Hmm, kayo din po mama” sabi ko at malambing siyang niyakap.
Pagod nanaman si mama, sana makatulong na ulit ako sa palengke.
Hindi kami mayaman, hindi rin naman kami mahirap, kumbaga may kaya naman kami pero kulang parin iyon para sa pag aaral sa amin, kaya naman nag tintinda parin ng mga gulay sa palengke si mama, tumutulong din naman kami ng kapatid ko sa pag titinda dahil nasa abroad si papa pero hindi ganun kadalas dahil kailangan Din naming mag-aral ng mabuti.
Bumalik ako sa may study table at binuksan ang bag ko sabay kuha nung isang box ng Ferrero, kinuha nga pala ni Karl yung isa kanina.
Iniabot ko ito kay mama at nginitian siya “Bigay sakin nung secret admirer ko ma” saad ko at tinungo ang aking kama at umupo roon.
Matagal na nilang alam ang tungkol sa mga sulat na natatangap ko.
Lumapit naman si Kira kay mama at kinuha ang box chocolate “Penge kuya!” nakangiting saad niya.
Tinanguan ko lang siya at humiga na, nag pasalamat naman silang dalawa ni mama bago sila lumabas.
Hindi ako makatulog. Nakatulala lang ako sa sisame at prinoproseso sa utak ko ang mga nangyari ngayong araw.
Umupo ako mula sa pag kakahiga at pinasadahan ng tingin ang apat na sulok ng kwarto namin. Hindi ganun kalaki pero hindi rin naman ganun kaliit ang kwarto namin, sakto lang ito para sa dalawang tao. May dalawang kama isang binata sa pinaka gitna, dalawang closet, isang book shelf at study table.
Napatingin ako sa wall clock na nasa may tapat ng study table, 10 pm na.
Humiga na ulit ako at ipinikit ang aking mga mata upang matulog.
_______
“Ki, una ka na muna” Nag tataka kong tinignan si Karl.
Nag lalakad kami ngayon ni Karl papunta sa classroom. “Daan lang akong cafeteria” Tinanguan ko nalang siya dahil alam ko naman kung gaano ka patay gutom yun.
Nginitian niya naman ako atsaka tumabok sa kasalungat na daan. Habang nag lalakad may tumapik sa balikat ko, nilingon ko ito. Sheena..
“Pasabay” mahinhing sabi niya habang naka ngiti. Nginitian ko nalang siya, wala ako sa mood magsalita eh.
Sheena Ramirez, matangos ang ilong, manipis at maliit ang mapupulang labi nito, mahahaba ang pilikmata, may pagkasingkit din ito, sa madaling salita maganda.
Si Sheena ang pinaka sikat na babae sa batch namin, dahil nga daw maganda.
Tahimik lang kaming nag lalakad patungo sa may classroom namin.
Nang makarating kami sa classroom, pana'y panunukso sa amin ni Sheena ang bumungad sa amin.
“Aba, may label na ba yan?”
“Guys, yung Sheena niyo may Kian na”
“Yiee, sanaol!”
Pinamulhan naman ng mukha si Sheena at sinuway ang mga ito “Shh, tama na yan” mahinhing suway niya sa mga ito.
Napakahinhin naman, satingin niya ba susundin siya ng mga yan kung ganyan siya kahinhin.
At gaya ng inaasahan ko hindi sila tumigil, hindi ko nalang sila pinansin at nag lakad nalang ako papunta sa may upuan ko.
Saktong pag upo ko, siya namang pasok ng hingal asong si Karl. Inilibot niya ang mga mata niya sa classroom na animong may hinahanap, hanggang sa tumigil iyon sa akin.
Sinenyasan niya akong lumabas na siya namang ginawa ko, pagkalabas namin ng classroom, hinarap niya ako “Y-yung ano mo” medyo hinihingal parin siya.
Napa-tawa naman ako “Hinga muna” pangaasar ko pa.
Huminga muna siya ng malalim bago mag salita “May nahuli akong naglalagay ng kung-ano sa locker mo kanina” mahinahong saad niya “Ang akin lang is, baka yun na yung Secret Admirer mo kuno” pag papatuloy niya pa.
Nanlaki ang mga mata ko at ramdam ko rin ang pag bagal ng t***k ng puso ko. Dali-dali kong tinungo ang daan papuntang locker room.
Habang papalapit ako ng papalapit doon, ramdam ko halo-halong emosyon na unti-unti rumagapang sa katawan ko.
Ito na ba yon? Makikilala ko na ba siya?