“So, wala talagang may balak umamin?!” galit na galit na bulyaw ni Mrs. Beredo.
Ang aga-aga high blood nanaman si ma'am, ikaw ba naman nakawan ng 5k. Malaking pera din yun.
Inilibot ni ma'am ang mata niya sa apat na sulok ng classroom, saka siya tumalikod at nag salita “Lahat kayo, LABAS!” itinuro niya ang pintuan.
Muli siyang humarap sa amin “Pero iwan niyo ang mga bag niyo dyan!” Madiing bigkas niya.
Nag ka tinginan kami ng katabi ko, at napa iling nalang. Nag si-tayuan na ang iba naming kaklase kaya sumunod
na rin ako at lumabas ng classroom.
Mula sa labas ng room namin, kita namin ang maiging pag iinpeksyon ni Mrs.Beredo sa bawat bag na matatapatan niya.
Laking perwisyo naman nung mag nanakaw na yun.
Makalipas ang ilang minuto, padabog na lumabas ang aming guro. Mukhang wala siyang nahanap.
Nakatayo siya sa harapan namin habang nakapamaywang at isa-isa nanamang kaming pinagkatitigan.
Napadako ang tingin ni Mrs. Beredo sa akin at pinagkatitigan ako ng maigi. Makatitig naman si ma'am, parang alam niya lahat ng kasalanan ko ah.
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni ma'am at kapkapan, So ako na suspect ngayon?
Nang wala siyang mahanap sa akin, yung ibang kaklase ko naman ang kinapkapan niya. Mabuti naman, akala ko ako na ang suspect eh.
Nang matapos si ma'am, ay inutusan niya naman kaming pumunta sa locker room.
Habang nag lalakad kami sa tahimik na hallway, napapasilip sa aming ang ibang students na nasa looob ng classrooms nila, yung iba nga lumabas pa.
Napatingin ako sa may kanan ko nang may tumapik sa akin, si Karl Levi.
Inilapit nito sa tenga ko ang bibig niya at binulungan ako “Feeling ko talaga si John ang nag nakaw--” Tinapik ko naman ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mata upang hindi na mag salita pa.
Tanga talaga neto, pag may nakarinig sa kanya edi kawawa naman yung isa. Alam kong mukhang magnanakaw sa may kanto si John pero mabait yan.
Pag dating namin sa locker room, pinapila kami ni ma'am at isa-isang tinawag upang buksan ang locker namin.
“Karl Levi” lumapit naman si Karl at binuksan ang locker niya, bumungad sa amin ang tambak na basura mula sa locker niya, may nalaglag pa nga sa sahig.
Lihim naman kaming napatawa ng mga kaklase ko. Ang kalat talaga neto.
“Linisin mo yan” Madiing bigkas ni ma'am at muling nag patuloy “Kian Astra” pag tawag sa akin ni ma'am kaya agad akong pumunta sa harapan ng locker ko binuksan ito.
Wala namang masyadong special sa locker ko--
Nagulat ako ng bumungad sa akin ang dalawang box ng Ferrero Rocher Chocolate at isang sobreng nag lalaman ng sulat.
Narinig ko ang bulong-bulongan ng mga classmates ko sa likod.
“Wow, Ferrero”
“Penge naman”
“Baka siya yung nag nakaw”
Gago yun ah.
Hindi na bago sa akin ang makatanggap ng letter galing sa kanya, pero parang sumobra ata siya dito sa chocolates.
Alanganin kong hinarap si ma'am na napailing nalang at nag patuloy ng muli. Kinuha ko muna ang letter bago ko isinara ang aking locker.
Pabalik na ako sa pila nang salubungin ako ni Karl “Share ka naman” napailing nalang ako at ibinigay sa kanya ang susi ng locker ko “Mamaya mo na kunin”
Bumalik na ako sa pila at habang busy si ma'am pa-simple
kong binuksan ng sobre at binasa ang letter.
Hey Kian,
It's me again, uhm matagal din akong hindi nakapag send ng letter sayo. Well start na kasi ng exam namin, hell week na lol. I just wanna say goodluck sayo! And btw, eat those
chocolates while you're reviewing, makakatulong sayo yun
Napangiti ako ng mabasa nilalaman nito.