- Raven Sky Zalvarez's POV -
" Guyssssss... " sigaw ni Rhain na nagpagising sa kaluluwa naming lahat. Ang aga aga nangbubulabog siya.
" Who will cook this? " sabi ni Kuya Tim na kakarating lang na may dalang isang timba ng isda.
Wala namang sumagot at dahil gutom na ko nagtaas na ko ng kamay.
" Me!" sigaw ko. Nagsitinginan naman sila sakin
>_< ---- sila
n_n ---- ako
Sinubukan ko talagang ngumiti ng pagkatamistamis.
" Wag na... kami nalang " sabi ni loki
" Oh bakit nagpriprisinta na nga ko eh " sabi ko. Aba pasalamat nga sila nagkukusa ko.
" Wag na na baka lunurin mo pa sa chilli powder " sabi ni Wendell
" Oh kaya naman paliguan mo ng asin" sabi ni Dylan na ang sama ng tinggin sakin
" Or worst turukan mo ng karayom" sabi naman ni Kiefer
Natatandaan pa pala nila yun?
" Owww hindi ko naman gagawin yun" sabi ko. Kasi wala namang karayom dito. Sanga pwede pa :P
" We don't trust that smile " sabi ni Caleb tsaka tinuro yung labi kong nakangisi.
" Oh sino magluluto? " tanong ko nalang. Ok na din yun kasi malansa yang isda eh.
" I have a better Idea. Lahat nalang maglilinis ng fish tapos sabay sabay nating ihawin " sabi ni Rhain.
" Oo nga. Baka kasi lasunin pa tayo ng iba diyan" sabi naman ni Barron na tuminggin sa ka gang niya.
" Kami ba pinapatamaan mo? " tanong naman ni Dylan
" Natatamaan ka? " sagot ni Barron. Bago pa sila tuluyang mag-away hinagisan ko na sila ng kanya-kanyang isda.
" Simulan na natin. Mag-aaway pa kayo" sabi ko tsaka namili ng isda ko. Kanya kanya naman ng kuha ng isda. Kumuha ko ng medyo malaking isda. Gutom ako eh.
Teka... pano ba maglinis ng isda?
Crap... nakalimutan ko di nga pala ko marunong magluto ng isda. Kasi pag nagluluto ko sa bahay, fillet na yung isda or nilinis na ni yaya. Hmmm...
Tumingin tingin naman ako sa paligid. Lahat ng Blue dragons nasa kanan tapos nakatalikod naman sa kanila yung red dragons sa kaliwa. Medyo malayo sila sa isa't isa. Ok... kay Caleb nalang ako titingin kasi matalino naman siya.
Pfftttt...
" Anong ginagawa mo? " tanong ko sa kanya sabay tinggin sa isdang mukhang minurder
" Cleaning this fish " sabi niya.
" Okayy... " sabi ko nalang sabay talikod. Well, hindi ako marunong maglinis ng isda pero alam ko namang hindi yun ganun. Ang sagwa ng kinalabasan ng isda niya. Mailalagay pa kaya yun sa stick para iihaw?
Sunod ako luminggon kay Alikabok.
" Hey, Why are you looking at me?" tanong ko. Pano paglinggon ko nakatinggin din siya sakin. Ano ko isda?
" Tsss... Pano to? " sabi niya sabay taas sa isda niyang di pa nagagalaw.
" Hindi ko alam. Tanong mo sa ka-Gang mo " sabi ko.
" Hindi din nila alam " sabi niya tsaka ko tinignan yung mga kagrupo niya na nakikipagtitigan sa isda. Pfffttt... Hahahaha...
" Hahahahaha... " hindi ko na napigilan at talagang natawa na ko. Para namang sira si Alikabok na napatulala.
" Ba-bakit ka naman tumatawa??!" tanong ni Alikabok na parang nahihiya na naiinis. Hindi naman ako sumagot at tumawa pa rin. Iba kasi talaga yung facial expression nila sa isda. Parang si East. Titig na titig talaga siya sa isda. Si Dylan nga binabantaan pa yung isda. Si Allen naman tinutusok yung mata ng isda pero the best talaga yung ginagawa ni Dash na inaamoy yung ulo ng isda. Hahahah
" What the heck! Bakit ang ingay mo? " sigaw naman ni Calvin.
" Paki mo? Kinukuwento kasi sakin nung isda yung love story nila ni Mrs. puff. " sabi ko nalang tsaka bumalik sa ginagawa kong isda. Hahaha... Aissttt. Pano nga to? Tinignan ko nalang yung Blue dragons kasi mukha namang wala kong makukuha sa Red dragons. Makakakain kaya sila?
Aba.. swerte naman nila Caleb may taga linis ng isda _ _
Pano kasi lahat ng isda ng Blue Dragons si Zeke ang naglilinis. Marunong pala siya. Lumapit naman ako sa kanya.
" Ahemm... ano zeke... hmmm " pano ko ba sasabihin?
Hmmm... ate Mrytle's styke kaya?
' Hi zeke, pwede mo na kong turuan kung pano linisin tong isda? '
Yuck... Di bagay sakin. Eh kung kuya Rid's Style nalang?
' Men, tutal maganda naman ako palinis naman tong isda '
Gezzz... pangit pangit pangit. Hmmm... Rhain's Style?
' Hi zekeyyyy... can you please clean this fish. It's ieeewww kasi '
NO WAY...
" Hoi tulala ka. Bakit ba? " sabi ni zeke na wala ng nililinis na isda. Oh yeah, Raven's style nalang.
" Oh. Salamat " sabi ko tapis tumingin siya dun sa isdang nilapag ko sa tadtadan niya
" Hahaha... hindi ka marunong?! " sabi niya na parang nang-aasar. Ai mali... nang-aasar talaga siya.
" Magpapaturo ba ko kung marunong ako? " sabi ko.
" Pano kung ayaw ko? " Sabi naman ni Zeke.
" Edi wag. " sabi ko sabay hablot sa isda na nasa tadtadan. Kaya lang... wrong move.
" Aww " sabi ko tapos binitawan ko yung isda. Anak ka nga naman ng isda... Matalim pala yung palikpik ng isda?
Tinignan ko naman yung kamay ko na may sugat na. Di naman malalim pero mahaba. D*mn you fishty ka!
Nagulat ako nung may humablot ng kamay ko tsaka pinunasan ng panyo.
" Caleb? " sabi ko.
" Hindi kasi nag-iingat " sabi naman niya. Wow ha? Kasalanan ko? Kasalanan yun ng isda.
" Malalim ba? " tanong niya.
" Hindi. Mahaba lang. " sabi ko. Lumapit naman si Loki na may dalang first aid kit.
" kahit mababaw lang yan dapat linisan " sabi ni loki tsaka nilabas yung alcohol, bulak tapos betadine.
" I- I don't need that. Mababaw lang to " sabi ko. Hinatak ko naman yung kamay ko kay Caleb.
" Mababaw o Malalim sugat pa din yan " sabi naman ni Calvin.
" Tsaka mahirap na baka maimpekyon yan. " sabi naman ni Samir.
" Hindi na nga. " sabi ko tsaka tumalikod na sa kanila. Ayaw ko na nung isda. Hindi nalang ako kakain. That fish! Grrrr...
" Gagamutin namin yan " sabi ni Ryland na humarang sa daan ko.
" Ang OA niyo. Ang babaw lang nito" sabi ko naman. Hindi ako magpapatalo.
" Umupo ka na lang " sabi ni kiefer na pinaupo ko sa bato. Lumapit naman si Barron na dala yung first aid kit na hawak ni loki kanina.
" Patinggin nga " sabi ni Barron tsaka hinatak yung kamay ko.
" Aray naman " reklamo ko
" Sorry " sabi ni Barron tsaka hinipan yung sugat.
" Oh alcohol " sabi ni Vlad na inabot yung alcohol kay Barron. Oh sh*t... ayoko niyan! Hinatak ko agad yung kamay ko.
" Hey amin na " sabi ni Barron na inaabot yung kamay ko.
" Mababaw nga lang to. " sabi ko tapos tinago ko yung kamay ko sa likod ko.
" Wag mo sabihing takot ka sa alcohol? " tanong naman ni Calvin na natatawa.
" Hi-hindi ah. Tsss... alcohol lang yan " sabi ko naman. Hindi ako aamin kahit takot nga ko sa alcohol. Masisira ang cool image ko. Tsaka never kong hahayaan na asarin nila ko dahil lang sa alcohol.
" Halata naman. Hindi masakit to. " sabi ni Zeke na may hawak ng bulak.
" Mababaw nga lang kasi... " hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung may humawak ng kamay ko sa likod tsaka nilagay sa lap ko.
" This won't hurt. " sabi ni Caleb na hawak hawak yung kamay ko. Binuka naman niya yung kamay ko. Asa palad ko kasi yung sugat.
" Ayaw sabi " sabi tsaka hinablot ulit yung kamay ko kaya lang hawak niya ka din. Umupo naman si Calvin sa tabi ko tsaka nilagay yung isang kamay niya sa tapat ko.
" para san yan? " tanong ko.
" Pag masakit, kurutin mo yung kamay ko para may kashare ka sa sakit " sabi niya. Hinawakan naman ni Samir yung balikat ko.
" Akala ko ba malakas ka? Chill, nasa likod mo ko " sabi ki Samir na nasa likod ko habang nakapatong yung dalawang kamay sa balikat ko.
" Caleb oh " sabi ni zeke tsaka inabot yung alchohol. Binigay naman ni Ryland yung bulak.
" Wag na kasi mababaw lang naman to" sabi ko.
" Sugat pa din. " sabi ni Caleb tsaka nilagyan ng alcohol yung bulak.
" Aaaa " sabi ko tsaka pumikit. Nakurot ko panga si Calvin pero parang nawala yung sakit nung may naramdaman akong malamig na hangin sa kamay ko.
o////o
Hinihipan pala ni Caleb yung kamay ko. Tapos pinunasan niya ulit ng bulak. Inabot naman ni Vlad yung betadine tapos nilagyan ulit ni Caleb yung bulak ng betadine tsaka pinunas sa sugat ko.
" And last... Talian " sabi ni Ryland na inabit yung puting tela. Teka? Galing ba sa damit niya yan? Punit kasi yung laylayan ng damit niya.
" Done. See? It won't hurt you and we will never let you hurt " sabi ni Caleb tsaka tumayo tsaka kinuha yung mga isda.
" Masakit ka pala mangurot? Hahaha... sige sige tutulungan ko magihaw yung kakambal kong gwapo" sabi ni Calvin na halatang pinupuri lang din ang sarili niya.
" Oi antayin nito kami. Pani iluluto na din namin yung isda mo " sabi ni zeke tsaka tumakbo kasama si Ryland, kiefer at loki. Umalis naman a likod ko si Samir tsaka ngumisi sakin.
" Good girl " sabi niya tsaka ginulo yung buhok ko na parang aso. Mukha ba kong aso?
" Oh natulala kana diyan? Hahaha... takot ka pala sa alcohol. " sabi ni Barron
" Oh siya... Susundan na namin sila. sumunod ka na din. " sabi ni Vlad tsaka sila umalis kasama.
Tinitigan ko naman yung sugat ko.
Speechless ako. Ang babaw lang ng sugat ko pero ginamot pa nila.
So Blue Dragons can be sweet huh...