Chapter 18: Past

1046 Words
- Dustin Alexander Villarus PoV- "Dust, Wala pa ba si Raven? Lumalakas na yung ulan " sabi ni Dash na mukhang nag-aalala. Kahit naman ako nag-aalala sa pasaway na babaeng yun. Baka kasi kung mapano siya, umuulan pa naman. " Wala pa eh. " sabi ko. Tinignan ko naman yung kamay na pinangsuntok ko. Hindi ko manlang nakontrol yung sarili ko at alam kong masakit yun. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon, nag-aaway pa din kami. Tsk... "Lumalakas na yung ulan. Mabuti pa hanapin na natin siya" sabi ni Jeth na may hawak na flashlight. " Sige. Loki ikaw na magsabi kina Sir Tim tapos sumunod ka nalang " sabi ko. Tumango naman sila. Nung palabas na kami nakasabay namin yung blue dragons. Siguradong hahanapin din nila si Raven. Mababait naman yang mga yan, baliw nga lang. Kung hindi siguro nangyari yung dati, maayos pa sana kaming lahat. " Tara na Dusteeen. Nanaginip ka na naman ng gising " sabi ni Dash " Ayusin mo nga yung bigkas mo sa pangalan ko " utos ko sa kanya at aba ang unggoy nginusuan lang ako tsaka tumakbo paalis. Tsk... Mahanap nanga yung pasaway na nerd na yun. - Caleb Triton Alastair's POV - " Hindi pa ba natin hahanapin si Raven? " tanong ni Calvin. Kung ako ang tatanungin, kanina ko pa sana siya sinundan kaya lang ang sabi samin nila kuya Tim, mag-antay muna kami. Tsk... tugggsss... (kidlat po yan. ) " Tara na. Sh*t kawawa naman yun si Raven " sabi ni Barron tsaka tumayo. Tumayo na din ako. Nag-aalala na din naman ako sa babaeng yun. Nung palabas na kami nakasalubong namin yung buong Red dragons. Alam kong hahanapin na din nila si Raven. Kung di lang sana sila sumira sa usapan. " Hey Caleb diba??? " sabi nung si Heaven. Siya yung maarteng babae na mainggay. " What? " tanong ko. " I just want to talk to you. There " tapos tinuto niya yung Bus. " Hahanapin namin si Raven " sabi ko. Ngumiti naman siya. " Yeah, but the whole block A including my siblings will find her. And yeah, I know that girl. Baka nga yung ulan pa ang sumuko sa kanya. " sabi niya. Tsss... kung magsalita siya parang close sila. " Daliiii na. " sabi niya tsaka ko pinusasan sa kamay niya tsaka hinila papasok ng bus. ... - Raven Sky Zalvarez's POV - Brrrr... Malasss. Ang lamig naman. Hindi ko nanga nararamdaman yung sugat ko kasi namamanhid na sa lamig. Umupo nalang ako sa ilalim ng puno. Wala na, basa na rin naman ako. Magsasawa din yang ulap. Umupo nakang muna ko sa ilalim ng puno. Basa na rin naman ako. " Haissssttt... Nakakainis!!! " frustrated kong sigaw. Naiinis ako. Ilang buwan na ba ko sa Apollo University? Magtatatlo na pero wala pa ding nangyayari. Tsk. Ano kayang pinaplano ni papa. If I were him ipapatapon ko sa bulkang taal yung mga yun. Kaya lang wag na... " Nakakainis nga kami " " Ahhh " sabi ko tsaka automatic na sinuntok yung tumabi sakin paupo. " Alikabok? " tanong ko kay Dust na nakahawak sa kanang parte ng labi niya. " Aray naman. Makikiupo lang eh " sabi niya. At kailangan nangugulat? " At kailangan nangugulat? Nasuntok tuloy kita. " sabi ko. Tumahimik naman siya tsaka umupo ng maayos. " Sorry. " sabi niya. Hanggang ngayon nagugulat pa din ako tuwing nagsosorry siya. " Sorry tapos uulitin niyo ulit. Bakit ba kayo away ng away? " sabi ko. Medyo malakas yung pagsasalita namin kasi nga malakas pa yung ulan. Mukha nga kaming ewan eh, nagpapaulan. " Hindi mo naiintindihan " sabi niya. Malamang pano ko maiintindihan eh ang gugulo niyo. Hmmm... " Ang sabi sakin ng kakambal ko, 'what you are today is the result of your past', Sabihin mo nga sakin. Anong meron sa past at bakit ganito kayo mag-away " Sana sabihin niya. " So may kakambal ka pala " sabi niya. " Oo. Wag mo ibahin yung usapan." sabi ko. Papatayin ko to pag di nagsalita tapos sasabihin ko inatake siya ng mga galit na baklang bear. " Bakit ko naman sasabihin sayo yun? " tanong niya. Aba hanep to ah. Tumayo na ko... sisimulan ko na ang planong pagpatay sa kanya kaya lang hinatak niya ko paupo. " Hahaha... Highblood ka talaga. Sige sige. Ikukwento ko " sabi niya. Umupo naman na ko tsaka ko siya hinayaang magsalita. " Two years ago kabaliktaran ng block A ang block namin. Ngayon kasi away kami ng away dati nag-aasaran kami pero walang pikunan. Pamilya ang turingan namin nun. Walang away, may tampuhan Oo pero hanggang dun lang yun " sabi niya. Hinayaan ko lang siya magkwento. Baka masira yung moment niya eh di na magkwento. " Royal Dragons ang tawag samin nun. Si Cici ang nagpangalan samin. Bunsong kapatid nila Caleb si Cici and she's my first love. " sabi niya. Ayieee lumalovelife. Stop it Sky. Nakita mo ng drumadrama yung tao.. sabi ng konsyensya ko. " She's innocent, cheerful, sweet and kind. Yun nga lang may pagkalampa. Hahaha... lagi kasi siyang binibaby nung kambal " sabi ni Alikabok. Tsk... tumawa pa halata namang pilit. " Mahal na mahal namin siyang lahat. Mahal na mahal ko siya" Umuulan pa rin pero alam kong umiiyak siya. " Kaya lang... pinabayaan ko siya. Pinabayaan ko siyang mamatay. Dahil sakin kaya siya namatay. Ang hinahina ko kasi. Kasalanan ko. Kung di ko siya iniwan nun hindi siya makukuha nung mga nakaaway namin. Kung nasa tabi ko siya hindi siya masasaktan. Kung dumating ako ng mas maaga sana buhay pa siya. Sana buo pa ang Royal Dragons. Sana pamilya pa din kami. Sana.... " tuluyan na siyang umiyak pero di ko pa din siya tinitignan. Kaya pala galit sa kanya sila Caleb. Kaya sila nahati dahil sa pagkawala ng isa. Para pala silang puzzle piece. Pag kulang ng isa, magulo na. Hindi na kumpleto. Sinadal ko naman yung ulo ko sa balikat niya. Bumibigat kasi yung pakiramdam ko. " Pamilya pa din kayo Dustin. You can't do anything to change your past but you can do everything to control your present and to change your future. " Yun nalang yung nasabi ko kasi bigla nalang nagdilim yung paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD